School Rumble 1.

201 1 0
                                    

Yvaine

Shitness naman oh, first day sa bagong school fail agad hagard na hagard na ang itsura ko umaga pa lang. Wala pa akong i.d at class schedule bakit kasi nung nag-enroll ako hindi ko pa kinuha yun. Ayan tuloy hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. "Ma'am paano po ako magpapa-id tsaka po saan ko po kukunin schedule ko" sabi ko dun sa babae na nag-asikaso sa'kin nung nag-eenroll ako. "Punta ka kay Sir Matthew sa library dun makakauha ng sched mo pati pa-i.d dun na rin" san naman kaya yun?

"Ma'am saan po yung library?" tanong ko newbie ako dito kaya hindi ko alam ang pasikot- sikot dito. "Lester samahan mo siMs. Gyllenhaal kay Sir Matthew, Agatha sundan mo si Lester" edi sige sundan kapagod naman papunta sa library "Sir Matthew magpapa-id po tsaka schedule daw po" sabi nung chubby na guy na nakalimutan yatang magshave kanina bago pumasok. Ano ba yan ang liit ng library ha? "Ms. upuan ka muna aasikasuhin ko muna sila" shit naman nauna ako ah bakit sila uunahin mo? "Ok po" bwisit na mga butiki to lamunin sana kayo ng anaconda pag-uwi niyo.

Aba nagsama pa ng reinforcement tong mga butiking to ah, dapat nung bakasyon pa kayo nagpalipat hindi ngayon kayo magpapalipat. "Iha halika na" buti naman at natapos na sila "Miss dito po" infairness cute si kuya photographer "Si ate pala to" sabi nung classmate ng kapatid ko nung high school, Santi ba yun. Natapos na yung pagkuha ng picture ko, schedule naman.

"Santi, nasan ba yung schedule ng 1D?" buti naman may makakatulong sa'kin feeling close nga lang ako. "Sir, sched daw po ng 1D" sabi ni Santi "Wala dito bunso samahan mo na lang siya sa faculty baka nandun yung sched ng1D" sabi nung librarian baba na naman sinamahan ako ni kuya cute. "Ate, ayon pa mga sched kopyahin niyo na lang" iniwan na ako ni kuya. Shit naman oh panghapon pala ako ano gagawin ko dito hanggang mamayang start ng class ko?

Punta nga muna ako sa admin office para kunin yung tela para sa uniform ko "Ma'am may tela na po ba?" tanong kinuha niya yung resibo ko at nilagyan ng ok tapos binigay na yung tela. Makauwi na nga lang muna balik na lang ako mamaya. sumakay na ko sa car ko at nagdrive pauwi "Oh, bakit ang aga mo?" tanong ni Mommy. "Panghapon ang sched ko eh babalik na lang ako mamayang 1" pumasok na ko sa kwarto ko. Dito lang ako nagsstay kapag nasa bahay ako ayoko sa sala. Maiinis lang ako kay lola kapag dun ako tumambay.

Nahiga lang ako at nagbasa ng libro bago ako maghanda papasok ng school. 12 na pala, naghanda na ako pagpasok. Dumating na ako sa room shemay naman puro lalaki ang classmate ko. Wala bang dadating na babae? Kaya ayon nasa isang tabi lang ako. After 10 minutes may dumating na babae buti naman hindi lang ako ang babae sa section na to.  Dumating na yung prof "I'm Maria Valdez your teacher for English...." nagpakilala sila turn ko na "Agatha Yvaine B. Gyllenhaal, 19 turning 20 on August 2, I speak english when I'm angry" tahimik sila lahat.

Wala yata akong magiging friend dito ah, puro guys eh yung isang girl mukhang suplada. Ano ba yan mukhang loner ang peg ko dati sa school na to? Wala man lang gwapo mga mukhang shungetsu (shonget na shitsu) mukhang mga taong grasa students dito ah. Wala ba sila pera pampagupit? Whatever! matawagan na nga lang si Paula para naman may makausap ako.

[Hi bebe musta bagong school?]

Hagardo versoza akembang Pau, waley papable ditechiwa mga humpy lumpy lang

Natatawa naman si Pau, minsan kasi trip kong mag gay lingo.

[Bebe sinasaniban ka na naman ng kaluluwa mong bakla ano?]

Very much so, Pau they're ugly plus I have only1 girl classmate it means there's only two babes in a class full of wolves.

[Ngayon naman english tongue bebe, ang gulo mo. Haha magbago ka na nga so what naman kung shonget ang mahalaga yung ugali]

As usual eto na naman po yung lecture niya tungkol sa preference ko sa mga lalaki.

[You know me naman Pau eh, that will never change haha unless he has an enormous amount of money in his bank account]

[Ewan ko sa'yo bebe, what time uwi mo kita tayo sa *******]

tingnan ko nga yung sched ko.

[ 5, Pau ikaw?]

[Sayang naman bebe maaga uwi ko ngayon eh 1-2:30 araw-araw]

Ay may dumating prof na yata namin to.

[Pau, may prof na kami sige bye]

Hindi ko na siya pinatapos inend call ko na "CSDP right?" CSDP? di ba BOAS yung course ko? "Class may ididiscuss na muna si Sir Dick" nakakatuwa ang name ng prof na to "CSDP . . . . " bakit ganun sa mali yatang course at section ako nilagay? Bukas na nga lang maayos wala pa naman akong class card na binibigay sa mga prof ngayon eh.

At time para umuwi mabilis akong lumabas ng room at umuwi na. Buti na lang hindi ko kailangan magluto ngayon kasi na ako umuwi. "Musta bagong school anak?" tanong ni Mommy sa'kin kaplastikan lang yun "Mali course at section ako nilalagay papasok na lang ako ng maaga para maayos yun" tumango naman si Mommy mabilis akong kumain at nagpunta na ako sa kwarto ko. Sana lang sa bagong school na to wala na ako maging problema. Sound trip muna sandali bago ako matulog, 7 kasi ang tulog ko tuwing gabi maliban na lang kung kailangan magpuyat para sa project. Alam ko boring ang buhay ko pero ganito talaga ako eh.

Hindi tulad ng mga classmate ko nung high school na mga pasaway. Sa section namin kaming magkakaibagan ay branded nung mga pasaway bilang mga sumbungera. Si Ma'am Elen kasi may kasalanan eh. Bakit ba inaalala ko pa yun wala naman kwenta high school life ko nun eh? Sana naman bukas may maging friend na ako, makatulog na nga para bukas maganda ako.

----------

ranyalove ♥♠♥

School Rumble: Miss Panicking vs Don't Panic ProfWhere stories live. Discover now