SR.33

24 1 0
                                    

Yvaine

Nakakagulat naman tong si Bakla, sumunod talaga dito sa Bulacan. Ano naman kaya ang problema nito?

"Ano ba yan? Kila Nanay pa lang hindi na kita masolo tapos dumagdag pa tong si Bakla"

Nag-iinarte na naman tong boyfriend ko, minsan parang siya yung babae at hindi ako.

"Babe, huwag ka na nga mag-inarte diyan kita mong may problema si Bakla eh" sabi ko

Nandun si Bakla sa garden at tulala lang, ano kaya problema nito?

"Hoy, Bakla anong problema mo at parang pamblack saturday yan mukha mo?"

Tanong ko sa kanya, ay umiyak mga friends wala akong kasalanan diyan. Bigla na lang siya umiyak

"Ui Baks naman, tinanong lang kita. Umiyak ka na agad diyan, wala ako kasalanan ah basta ka na lang umiyak diyan"

Walanghiya naman tong bakla na to.

"Panahon ba talaga ng pagbabalik ng mga nang-iwan?"

So the bitch is back?

Lagot sa'kin yung haliparoty much na yun.

"Tang-ina lang, pagbalik buntis na at sasabihin ako ama nung pinagbubuntis niya. Malay ko ba kung sa'kin talaga yun"

Saklap naman ng love life ni Bakla, akala ko sa'kin lang ang masaklap eh yun pala mas masaklap ang kay Bakla.

"Sinabi niya ba kung bakit ka niya iniwan nun?" umiling siya

"Hindi ko siya hinayaang magpaliwanag, tangna naman Madam bakit ngayon pa kung kelan masaya na ko?"

Kawawa naman si Bakla.

"What if sa'yo nga talaga yung baby?" tanong ko sa kanya.

"I'll be his or her father pero hindi na kami magbabalikan ng babaeng yun" ay bitter naman nito.

Let me tell you about their story.

Si Saulo de Alba, hindi naman kasi talaga bakla yan eh naging ganyan lang nung iniwan siya ni Bitch Frances.

High school sweethearts yung dalawa, hanggang sa bigla na lang umalis si Frances at ang saklap pa ng paraan ng pakikipagbreak niya kay Bakla. Through phone.

Hindi tanggap ng family ni Bakla si Frances kasi hindi maganda ang family background ni Frances. Isa na rin siguro yun sa reason kung bakit siya umalis.

Sobrang nasaktan si Bakla sa pang-iiwan ni Frances, may plano pa naman sila magpakasal nung araw na umalis si Bitch.

Mahal ko tong si Bakla bilang kapatid na rin kaya nga masakit na nakita ko soyang nahihirapan.

"Bakla talk to her, let her explain. Alam ko mahal mo pa rin siya kaya ka nahihirapan ng ganito. Pagkatapos mong marinig ang paliwanag niya tsaka ka magdecide"

Tumigil na siya sa pag-iyak.

"Ano problema ni Bakla?" Tanong ng boyfriend ko niyakap ko siya ng mahigpit.

"I love you"

"I love you too"

Thankful ako dahil hindi maayadong complicated ang love life namin.

"Nagbalik ang ex girlfriend ni Bakla, with baby on board"

Sinabi ko sa kanya ang past ni Bakla nagulat siya kasi akala niya since birth na Bakla si Bakla.

"Whoa, thankful ako dahil binigyan ako ng second chance ni Lord para makasama ka. Forever na ang atin hindi temporary di tulad ng sa iba diyan"

Thankful din ako dahil nabigyan pa kami ng chance para sa'min dalawa.

"Date tayo" sabi niya sa'kin at pumayag naman ako.

After ng date namin, ayun tuwang-tuwa si Nanay kay Bakla. Matatawag ko pa ba siyang Bakla? Nandito na si Bitch eh baka bumalik na rin yan sa pagiging lalaki.

"Nak buntis na yung asawa ng boss mo kayo ba kelan? Gawa na kayo para may ring bearer at flower girl kayo sa kasal niyo"

Si Nanay talaga oh, ayaw ko pa nga eh tsaka ayoko talaga sa mga bata. Iba lang talaga pag sa'yo galing mismo yung bata.

"Wow, Congratulations James and Astrid"

Medyo inggit si Zoren, I can see that

"OMG! panahon na nga ng pagbabalik ng mga nang-iwan, panahon pa nga mga buntis"

Ang bitter talaga ni Bakla!

"Bitter mo Saulo, maging lalaki ka na nga lang" sabi ko at sinimangutan lang ako.

"Baka ikaw ang bitter madame? Kasi hindi pa nabebreak yang hymen mo at hindi pa nagdidilig ng kanyang semen si Papa Zoren"

TMI BAKLA!!!

"Lechers kang bakla ka tara nga dito ng mabalibag kita papunta kay Bitch! Ang baboy ng bibig mo, nandyan sila Nanay oh"

Naku Lord, pigilan niyo po ako makapatay ng bitter na Bakla.

"Dadating din tayo diyan Saulo"

___________
shinriah

School Rumble: Miss Panicking vs Don't Panic ProfNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ