SR. 35

13 1 0
                                    

YVAINE

Hay buhay parang life, mabilis natapos ang bakasyon namin kila Nanay bitin nga eh pero kasi nasa Metro ang buhay ko.

Si Zoren ayon busy na rin kasi may trabaho na siya ulit,bilang programmer ko haha. Nung una ayaw pa niya pero napilit ko rin naman.

Si Bakla? Ayon lalaking- lalaki na ulit tsaka nagkabalikan na sila ni Bitch este Frances pala. Pakipot pa si Bakla eh kala mo naman gwapo mukha naman butiki.

Kaya daw umalis si Frances dahil daw sa akala nung bobita ako na mahal ni Bakla. Kasi palaging busy nun si Baks at palaging ako pa kasama nun.

Ang tanga naman ni Frances!

"Babe, lunch na tayo" ang sweet ni Zoren palagi siyang nagbabaon ng pagkain para sa'min dalawa. Sa office ko kami kumakain.

"Ok wait lang tapusin ko lang to" nung natapos ko na tinatype ko nagpunta na kami sa pantry para kumain.

Sinubuan niya na ko "Babe, may reunion daw batch niyo ah hindi ka ba pupunta?" tanong niya.

Nakalimutan ko yun ah, next week na nga pala yun buti pinaalala niya. "I forgot hehe, punta tayo wala naman ako gagawin nang Friday eh" sabi ko sa kanya sinabuan ko naman siya.

"Ok, di ka ba excited makita classmates mo dati?" hindi eh sorry pero hindi talaga.

"Hindi" pagkatapos namin kumain hinugasan niya yung pinagkainan namin tapos umupo na ko sa couch.

Nang matapos na siya sa paghuhugas sabay naman kami nagtoothbrush. And then nagcuddle lang kami.

"Kelalandi, how Madame eto na yung report na hinihingi mo" epal naman si Baks eh.

"Bwisit kang Baks ka panira ka eh" sabi ni Zoren nakakatawa silang dalawa

"Bitin haha, sabi ko kasi sa inyo huwag dito sa hotel na lang kayo o kaya sa bahay ni Madame" ang halay talaga ng Bakla na to

Sabagay lahat naman ng Bakla di ba mahalay?

"FYI, hindi na ako Bakla no! Naisip ko pa lang yung pinaggagawa ko kinikilabutan ako"

Ginusto mo yung gawin yan eh.

"Ewan ko sa'yo Bakla, hindi ka pa ba uuwi? Di ba magpapacheck - up kayo ni Buntis?"

Ngayon daw nila malalaman ang gender ng baby nila, ito namang si Boyfriend naiinggit.

"Paalis na nga ako dinaan ko lang to at tsaka para inisin si Zoren haha inggit much" sabi na eh eto namang boyfriend ko papatulan pa.

"Langya kang Bakla ka umalis ka na nga nabubwisit pa ko sa pagmumukha mo" nakairap pa siya kay Bakla.

Niyakap ko na si Boyfriend, hay naku ang bitter niya pero mangyayari rin naman yun madedelay nga lang ng two years.

"Alis na" hinila na ni Zoren si Baks palabas then sinara na niya ang pinto para wala nang umistorbo sa'min.

I love my boyfriend "Hon, huwag ka na nga ma-inggit kay Baks alam mo naman malakas topak nun"

"I love you" sabi ko sa kanya then kissed him.

"I love you too"

Then umalis na siya ng office ko para  magtrabaho na, miss ko na siya agad.

"Ma'am tumawag po secretary ni Mr. Majid, magconference call daw po kayo ni Mr. Majid" sabi ng secretary ko.

Edi nagpunta na ko sa conference room para makausap si Mr. Majid.

"Good morning Ms. Gyllenhaal" ang secretary ko kinikilig halatang crush na crush si Mr. Majid.

"Good morning to you too, Mr. Majid" naka-simangot ano kaya problema nito?

"Let's get down to business shall we?" sabi niya "Of course" sabi ko naman.

"I want updates Ms. Gyllenhaal" masyadong nagmamadali ah hayaan mo na nga client to eh.

"We're half way done through production, Sir I can say it will be done in August then it will be delivered in October"

I can feel it haha, magiging successful to. Mapapasok ko na rin ang international market.

"Why two months after?" masyado siyang nagmamadali ah.

"It will undergo product inspection and the shipping process will be rigorous ....." sabi ko sa kanya.

"Very well then, but send me the samples next week for inspection"

ang strikto naman nito sabagay Business is Business.

"Yes Sir" after nun in-end niya na yung call.

Naging busy ang maghapon ko dahil sa samples na gusto ni Mr. Majid at may client na nagpunta para magpadesign ng shoes niya.

Nakakairita nga eh pero kailangan ngumiti client pa rin yun. Bad sa business yung nakasimangot sa client.

"Hon, 5 na hindi ka pa ba uuwi?”tanong ni Zoren oo nga no five na hindi ko namalayan ang oras.

Tinapos ko na ang ginagawa kong design at umalis na kami ng office

School Rumble: Miss Panicking vs Don't Panic ProfNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ