Chapter 69: Ice and Fire

Start from the beginning
                                    

"Sam, tinatanong pa ba yan? Kaibigan ka namin kaya nag-aalala kami sayo." Jessa

"We care for you." Joana

"I know hindi ganon katagal ang pinagsamahan natin pero para sa amin kaibigan ka namin Sam." KC

Napaiyak naman ako.

"S-salamat..."

Niyakap naman ako ni KC hindi alintana na basa ako habang umupo si Joana sa  tabi, si Jessa naman pinapayungan kami.

'S-salamat...thank you dahil sa inyo nararamdaman kung hindi ako nag-iisa.'

"Hala! Tara na at basang-basa ka na. Basa narin kami." Bigla namang sabi ni Joana at tinulungan akong tumayo.

"Ang dumi mo na. Hali ka na Samantha." Jessa said and guide me to walk.

Tipid akong ngumiti sa kanila.

Nandito parin ang sakit na nararamdaman ko.

'Bakit hindi manlang nila ako sinundan? Hinayaan nila akong mag-isa. Bakit bigla kayong nagbago?'

Mapait akong ngumiti.

Habang nag-lalakad kami naramdaman ko namang ang kakaibang ihip ng hangin.

I don't know but my heart beat faster. Suddenly I fell nervous.

***

Lumabas ako sa dorm o mas magandang sabihin na bahay dahil mukha naman talagang bahay ang tinutuluyan namin. May apat na bahay ang nandito dalawa ang para sa lalaki at dalawa ang para sa babae may tig wa-walong kwarto at may sari-sariling CR may malawak na living room at dining area iilang metro lang naman ang layo ng bawat bahay. Nandito parin ito sa loob ng Stone Heart Academy.

Pagkatapos kung magbihis pinaalis ko naman sila gusto kung mapag-isa para makapag-isip. Pupuntahan daw nila si Nerissa dahil kanina pa niya ako hinahanap.

Tahimik kung tumingala sa kalangitan. Tumigil narin ang ulan pero madilim parin ang kalangitan.

'Anong oras na ba? 2 o'clock?'

Hinayaan kung tumulo ang mumunting butil ng luha sa mata ko.

'Ano na kayang nangyayari doon sa loob ng school building? Si Elle? Sina Kate?'

(Sigh)

"Sam."

Napahinto naman ako sa pagmuni-muni at napatingin
sa tumawag ng pangalan ko.


"Well you stop crying?" Mahina niyang sabi at bakas dito ang awtoridad.

Hindi ako nag-abalang punasan ang mga luha ko habang nakatingin sa kanya.

The Long Lost Twin Sister Of The Two Opposite Kingdom Where stories live. Discover now