"S,one,one,eight,one,one,five,zero,nine" narinig ko mula sa kanya kaya napatingin ulit ako dito.

"Worker's number identification ko yan ah" sabi ko sa kanya, bakit niya kabisado?

"Bakit mo kabisado?" hindi ako nito sinasagot at nakatingin lang siya sa kawalan.

"Zero,nine,four,five,three,three,seven,five,zero,nine,zero" napalaki naman ang mata ko ng marinig kong kabisado niya ang telephone number ko.

"Hoy! Bakit mo kabisado number ko ha!?" pagtatanong ko dito.

"Siguro ini-istalk mo ako ano? Tapos gagaw..." naputol ang pagsasalita ko ng may lalaking bumangga sa kanya.

"Shit i'm sorry!" sigaw nung lalaking nakabangga sa kanya.

Nagkalat ang ilang mga gamit ng lalaki sa lapag sa hindi ko malamang dahilan. Puro chocolate at ilang mga personal na gamit ang nabulatlat sa maleta ng lalaki. Tingingnan ko naman ang reaction ni boss.

Wala itong reaction at seryoso lang nakatingin sa lalaking ngayon ay pinupulot na ang kanyang mga gamit na nagkalat. Lumuhod ako at tinulungan ko na ang lalaking nagpupulot ng mga gamit niya.

May mga reese's akong nakikita at ilang mamahaling tsokolate.

"Thank you! Thank you!" sabi sa akin ng lalaki ng simulan kong ilagay sa maleta niya ang mga chocolate kong napulot.

Nagpupulot lang ako ng ilan pang chocolate ng makita kong may isang tumbler na punong-puno ng peanut butter. Biglang nagningning ang aking mga mata at napakagat pa ako ng labi.

Peanut butter is life! Favorite ko ang peanut butter!

Nasa may paanan ni boss ang tumbler na yun.

Dadamputin ko na ito sana ng sipaain niya ito, hindi naman ganun kalakas. Nakaluhod akong tiningnan siya.

Sinungitan ko siya ng tingin at inirapan, naka smirk lang naman ito at tila nang-aasar pa. Hindi na nga tumulong sa pagpupulot sisipain niya pa?

"Thank you talaga! Thank you!" muling sabi ng lalaki ng mailagay ko na yung tumbler ng peanut butter sa maleta niya pinulot muli ang ilan pang nagkalat niyang gamit.

Bakit ba kasi hindi siya nag-iingat?

Nakita ko yung passport niya sa may harapan, kukunin ko na ito sana ng maunahan akong pulutin ito ni boss.

"Sorry ulit! Sorry! Nagmamadali kasi ako pauwi sorry talaga!" sabi ng lalaki at tumayo na ito sa kanyang pwesto dahil yung passport nalang pala ang kulang sa mga nalaglag niya.

Tumayo na din ako sa pagkakaluhod ko at pinagpagan ang aking tuhod.

Tiningnan ko si boss at kita kong nakatingin siya sa passport ng lalaki sabay ibinigay ito sa kanya.

"Thank you talaga!" sabi nito kay boss pero hindi niya ito pinansin "Thank you" nakangiti naman nitong baling sa akin.

"Walang anuman po" sagot ko naman at nginitian ito.

"Sorry ulit, excuse me" pagpapaalam naman nito at ngumiti pa siya sa akin bago ito umalis sa harapan namin.

Pagkaalis niya ay muli kong hinarap si boss para pagsabihan siya.

"Hindi mo 'man lang kami tinulungan sa pagpupulot tapos sinipa mo pa yung peanut butter" sabi ko dito habang nangniningkit ang aking mga mata.

"Why would i? It's not my fault" sagot lang nito habang nakatingin sa kawalan.

"Kahit na dapat tinu..."

"Chritopher Roberto Santa Mesa Cruz" pagputol nito sa sinasabi ko.

"Ha?" pagtatanong ko.

The Boss: Lucas MalvaciniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon