Chapter Eighteen

Magsimula sa umpisa
                                    

"What if, I go away?" I asked him.

"It won't happen, I won't let that happen." Sagot n'ya sa akin.

"What if, I die?"

"I'll also die."

"I want you to stay a live for me." Sagot ko naman sa kanya.

"It will be a hard thing for me. Just sleep with me, and those are just if. It will never happen, I won't let that happen." Seryoso n'yang sabi. May gusto pa sana akong itanong sa kanya pero mas pinili ko na lang na h'wag na lang iyong tanungin.

"I'll always sleep with you, baby boy." I closed my eyes after I say those words.

Forever is not for us.

*

Nagising ako na ganoon pa rin ang posisyon namin ni Axcel. Alam kong tulog pa siya dahil naririnig ko pa ang mahina niyang paghilik. Tumingin ako sa orasan sa may dingding. Alas-otso na ng umaga at alam kong maliwanag na sa labas.

Dahan-dahan kong inalis ang mga brasong nakayakap sa akin ni Axcel upang hindi siya magising.

"Hmmmn." Narinig kong ungol n'ya. Tumayo na ako at dumiretso sa C.R niya. Medyo maayos na rin ang pakiramdam ko hindi katulad noong nakaraang gabi. Kumuha lang ako ng damit sa may aparador n'ya at tsaka muling bumalik sa C.R para makapagpalit. Mamayang tanghali na lang ako uuwi at dito na lang ako mag lulunch. Sigurado rin naman kasi akong hindi n'ya ako pauuwin kapag nagpumilit pa ako.

Agad akong lumabas pagkatapos kong magpalit. Bigla akong napatingin sa may kalendaryo at wala sa sariling napangiti. Limang araw na lang at birthday na nila ni Aivan. Ano kaya ang ireregalo ko sa kanya? Noong nakaraan kasi niyang birthday binigyan ko siya ng silver na kwintas na lagi n'yang suot-suot. Nag-dinner din kaming dalawa noon sa Tagaytay at namasyal na rin.

Lumapit ako sa kinaroroonan ni Axcel at nadatnan kong mahimbing pa rin itong natutulog. Wala namang pasok ngayong araw kaya ayos lang na matulog siya. Mamaya pa namang hapon kami mag-sisimba.

Naputol lahat ng pag-iisip ko ng biglang tumunog ang cellphone ni Axcel. Agad akong napatitig doon at para bang may bumubulong sa akin na sagutin iyon. Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba 'yon o hindi pero sa huli, sinagot ko rin.

"Hello, Axcel? It's today, right? Anong oras ba tayo magkikita mamaya?" Bigla akong natigilan ng marinig ko ang napakapamilyar na boses sa kabilang linya. It's Thalia.

"Hello?" Nagsalita ulit ito nang hindi ako nagsalita. Marahil ay nagkakamabutihan na sila ulit ngayon. It's good for him, masaya ako para sa kanya.

"Axcel, are you there?" Tanong nito sa kabilang linya. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Uhmm, Thalia? It's Heena. May date kayo mamaya?" Pinilit kong maging normal ang tono ng boses ko.

"Heena? Uhh, I don't know. He asked me last time to go with him this Sunday. I just say yes. Busy ba siya or may gagawin ba kayo?—" I cutted her.

"Nope, wala. Hindi busy 'yon pag dating sa'yo. Kayo ha, may date na kayong nalalaman. Malihim talaga 'yong Montemayor na 'yon." Pabiro kong sabi sa kanya.

"Hindi n'ya ba sinabi sa'yo? Actually, nahihiya nga ako when he asked me to go with him. Ayos lang ba sa'yo?" Tanong n'ya sa akin.

"Oo naman. Basta kapag naging kayo ulit just tell me, okay? Tawagan mo na lang ulit siya mamaya." Sagot ko naman sa kanya.

"Gusto mo bang sumama?" Tanong n'ya sa akin. So, she's offering me to be their chaperon? Great, just great.

"Nope. I have something to do later." Pagdadahilan ko.

"Okay. So, I'll call na lang mamaya. Thank you, Heena." She said then she hang up. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kakaiba pagkatapos tumawag ni Thalia. Maisip ko pa lang na magkasama silang dalawa at gumagawa ng sweet moments—shit, I shouldn't think of those pictures! I should be happy for him, right?

"Hey." Bigla akong napalingon ng marinig ko ang boses ni Axcel. Nagkukusot pa ito ng mata at gulo-gulo rin ang kanyang buhok pero hindi pa rin nababawasan ang kanyang kagwapuhan. He looks hot, anyway.

"Good Morning baby boy." I said then I smiled. I saw him smiled too.

"Good Morning, sexy." He said then he looked at me.

"Pervert." I said smilling.

"I am not, you are just too sexy in my eyes." Saad n'ya. Inirapan ko lang siya. Tumayo naman siya at tsaka dumiretso sa C.R.

"Closed the door when you are peeing!" Sabi ko sa kanya.

"There is nothing to hide." Sagot naman n'ya sa akin. Hindi ko na lang siya sinagot. Mukha kasing maganda ang kanyang gising at ayokong sirain 'yon.

Dumiretso naman ako sa kusina n'ya para maghanda ng breakfast. Medyo gustom na rin kasi ako at paniguradong pati siya. Nag timpla lang ako ng kape at naglabas ng isang balot ng tasty at palaman. Pumasok naman saglit si Axcel sa kwarto niya at marahil ay magpapalit ng damit. Wala pang ilang minuto ay lumabas na rin siya, naka-jersey shorts at sando na lang siya ngayon. Umupo siya sa harap ng lamesa at inilapag ko naman ang kapeng kakatimpla ko lang. sa harapan n'ya.

"Anong oras ka nagising?" Tanong n'ya habang iniinom ang kape n'ya.

"Just minutes after you wake up." Sagot ko sa kanya at tsaka umupo sa harapan n'ya para mag-breakfast.

"Are you feeling well?" He suddenly asked. I frowned.

"Yeah, why did you asked?" Sabi ko sabay kagay sa tinapay ko.

"You don't look okay." He said seriously.

"I am okay and will be okay. Anyway, tumawag si Thalia. Anong oras ba raw kayo magkikita mamaya?" Sabi ko sa kanya. Nakita ko naman siyang natigilan.

"Damn."

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon