Chapter Seventeen

Mulai dari awal
                                    

"Kaya mo?! You are a lady for fvcking Pete's sake! Paano kung may mangyari sa 'yong masama?! Sa tingin mo ba hindi ako mag-aalala?! Sa tingin mo ba mapapatawad ko ang sarili ko sa oras na may mangyari sa 'yong hindi maganda?!" Galit na galit niyang sabi sa akin. Tinalikuran niya ako at sinipa n'ya ang sasakyan n'ya ng ilang ulit. Bakas sa mukha n'ya ang sobrang galit at inis. Marahil ay sinabayan ng alak ang init ng ulo n'ya.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay n'ya para pakalmahin siya. "I'm sorry." Mahinahon kong sabi sa kanya. Naramdaman ko naman ang pagkalma ng sistema n'ya. Huminga siya ng malalim at tsaka ako tinignan. Kalmado na siya at alam kong hindi na siya galit.

"Promise me sweetheart, it won't happen again. Okay?" Mahinahon n'yang sabi sa akin. Bigla ay bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa pagtawag n'ya sa akin ng ganoon.

"I—I promise." Nauutal kong saad. Nagulat ako ng bigla n'ya akong yakapin. Hindi lang basta yakap, iyong yakap ba na parang takot na takot kang mawala. Nararamdaman ko ang init ng kanyang katawan, ang pagtibok ng puso niya pati na rin ang paghinga n'ya. Lahat, nararamdaman ko.

"I'm just scared, sweetheart. Natakot lang ako sa posibilidad na may mangyari sa'yo. Hindi ko ata kaya na may masamang mangyari sa'yo. Makakapatay ako ng tao, I swear." Sabi n'ya habang yakap-yakap ako. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Bakit parang naaapektuhan ako sa pagtawag n'ya sa akin ng ganoon? I should really know about this.

"Hindi mo naman kasi ako pinapansin." Saad ko. Humiwalay siya sa pagkakayakap at tinignan ako sa mukha.

I couldn't imagine na maaari pala itong mangyari sa amin. Kami? Sa gilid ng kalsada at parang mag-syotang may LQ. I admit, it's one of my relationships goals.

"Nagtatampo ako." Sagot naman niya at tsaka ako sinimangutan.

"Nag-sorry na nga ako, hindi ba?" Sabi ko naman sa kanya at tsaka ko pinisil ang ilong n'yang matangos. Ang cute n'ya ngayon, medyo namumula kasi ang mukha marahil ay dala ng alak na ininom niya.

"Hindi, ayoko sa sorry mo." Parang batang sabi n'ya.

"Ano gusto mo? Tsaka kinakausap mo na nga ako ngayon eh. Does that mean, bati na tayo?" Nakangiti kong sabi sa kanya. Medyo maayos na naman ang pakiramdam ko, pero hindi gaanong maayos.

"Wala, hindi ako makikipagbati sa'yo." Sabi niya. Naramdaman ko naman ang mga kamay n'ya na bumaba sa may bewang ko. Loko talaga 'tong Montemayor na 'to. Pasimple pa siya, akala naman n'ya hindi ko napapansin ang mga galawan n'ya.

"Di aalis na lang ako, ayaw mo namang makipagbati sa akin." Sabi ko sa kanya. Mas lalo lamang sumimangot ang mukha n'ya. Gusto ko siyang tawanan pero baka mas lalo lang siyang mainis sa akin.

"Tss."

"Bati na tayo ha? Papansinin mo na ulit ako." Nakangiti kong sabi sa kanya. Nag-iwas lang siya ng tingin.

"H'wag kang ngumiti sa akin." Sabi n'ya.

"Bakit naman?" Kunot-noo kong tanong.

"Nawawala galit ko." Halos pabulong na n'yang sabi pero narinig pa rin ng dalawa kong tenga.

"Ikaw ha! Akala mo hindi ko narinig, susumbong kita kay Tita Freen." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Tsk." Inirapan n'ya ako.

"Nakakainis ka na. Kausapin mo na kasi ako, bati na tayo. Promise, hindi na ako aalis." Sabi ko sa kanya kaya nakuha ko ang atensyon n'ya.

"Talaga?" Paninigurado n'ya.

"Oo nga, hindi na!" Sagot ko sa kanya. Bigla namang nagliwanag ang mukha n'ya. Ang kaninang nakasimangot n'yang mukha ay medyo nakangiti na ngayon.

"Paano naman ako makakasigurado na hindi ka nga aalis?" Tanong naman n'ya. Nakasandal siya sa sasakyan n'ya habang ako ay nasa harapan n'ya. Sobrang lapit lang namin sa isa't isa na tipong naamoy at nararamdaman ko na ang hininga n'ya.

"Paano nga ba?" Tanong ko sa kanya. Nakatitig lang siya sa mga mata ko at ganoon din ako. Walang nagsalita sa aming dalawa. Nakatitig lamang kami sa mata ng isa't isa na para bang binabasa kung ano ang nasa isip namin.

"Paano kung halikan kita?" Sabi n'ya habang nakatitig sa mga labi ko. Napaawang naman ang mga labi ko dahil sa sinabi n'ya at naramdaman ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"N—Nagbibiro ka lang, hindi ba?" Nauutal kong sabi sa kanya.

"Paano kung sabihin kong hindi?" Sabi n'ya at tsaka ako tinignan sa mga mata bago muling tumitig sa mga labi ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Oo, maraming beses na n'yang nagawa ito sa akin. Pero bakit ngayon, parang kakaiba na? Bakit parang may sparks na?

"I will kiss you, Heena." Paos n'yang sabi na mas lalong nakapagpatindig ng balahibo ko.

"A—Axcel." Mahinang sambit ko. Nakita kong unti-unting bumaba ang mukha n'ya upang halikan ako at hindi ko alam ang gagawin ko hanggang sa maramdaman ko na lamang ang lambot ng kanyang mga labi sa labi ko. Parang awtomatikong pumikit ang mga mata ko at unti-unting sinagot ang kanyang mga halik. Naramdaman ko ang pagyakap ng mga braso niya sa may bewang ko kaya mas lalo kong naramdaman ang init ng kanyang katawan. Hindi ko alam kung bakit ko sinasagot ang kanyang mga halik, pero isa lang ang alam ko. Gusto ko 'to at ayoko nang matapos pa ang nangyayari sa pagitan naming dalawa.

I put my arms around his neck when I felt his tongue seeking for the entrance. I could taste the alcohol he drank a while ago and it really turns me on. Naramdaman ko na pinagpalit n'ya ang pwesto naming dalawa. Ako na ngayon ang nakasandal sa sasakyan niya at mas lumalim pa ang paghahalikan naming dalawa. Nararamdaman ko ang pag-iinit ng katawan ko at pati na rin ng sa kanya. Tila ba ayaw na naming itong matapos pa.

He suddenly ended the kiss at gusto kong magmaktol sa ginawa n'yang iyon. Pareho kaming hingal na hingal at hindi alam ang gagawin. Bigla niya akong niyakap at itinapat ang kanyang mga labi sa tenga ko.

"If we are not going to end this, we will end up naked in my bed."

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang