Chapter 25: Difficulties

Start from the beginning
                                    

I heard him chuckled, "I'll wait for you downstairs. Hurry up. Bawal ka magbabad sa tubig and don't forget to apply the barrier methods."

Napairap-irap na lang ako sa ere. Wait ka diyan, baka nga gusto mong mag-stay at makita akong nagbibihis sa harap mo or worst ikaw ang mag-apply ng barrier methods. Oh, what am I thinking?

I applied emulsion cream and other barrier methods to lessen the effects of hives if I'm exposed to the water and their different temperatures. Through the use of barrier methods, it protects my skin from the water. May made-develop pa rin namang hives sa balat ko pero minimal na lang at hindi ganoon kakati at kasakit. Minuto lang din ako pwedeng maligo pero ngayon, mas pinili kong mag-half bath lang dahil natatakot pa rin ako sa epekto.

Mabilis ang mga naging galaw ko at sa loob lamang ng tatlong minuto ay tapos na ako. Bigla kasi akong nataranta nang makita kong namumula na naman ang balat ko though, hindi naman siya makati dahil sa gamot na nilagay ko.

Nang makapagbihis na ay agad na akong bumaba at nakita ko sila na kumakain na at nag-uusap. Nang makita ako ni Binx ay agad niya akong nilapitan at tinulungan sa pag-upo sa pamamagitan ng paghila ng silya. Bigla ko ulit naalala 'yong nangyari kanina kaya naman ay hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkailang sa kanya lalo na't katabi ko siya at kaharap ang mga magulang ko.

"That friend of yours... Nagagalit ako sa kanya pero sinusubukan ko pa ring tingnan sa ibang anggulo ang sitwasyon na nagawa niya. Sana lang ay may maibigay siyang sapat na rason sa ginawa niya," pagbubukas ng usapan ni mommy.

I know it's Von. Siya pala ang nagsabi sa media ng lagay ko kaya kumalat ng ganito. Nagalit ako sa kanya kanina, oo, pero hihintayin ko pa rin ang eksplanasyon niya. Ayokong pairalin uli ang emosyon ko dahil baka kung saan na naman ito mauwi.

"Nakausap ko na po siya, Tita. Mayamaya lang ay nandito na iyon. In behalf of him, humihingi po ako ng pasensiya dahil sa ginawa niya," sabi naman ni Binx.

"No, Binx. It's his fault, not yours. Let's just wait for him. I desperately want to know why and hear his side."

Wala akong naging imik sa naging pag-uusap nila. Nang matapos na rin kami sa pagkain ay hinintay na namin sa sala si Von. Konti lang din ang kinain ko dahil na rin sa mga bawal and such. Limitado na ang mga bagay sa buhay ko at nag-iingat talaga sila na huwag matrigger ang hives dahil alam nilang magiging komplikado na naman ito. Ganoon din naman ako. Kahit gustong-gusto kong kumain at bawiin ang timbang ko ay hindi ko magawa because of complications.

Wala pang kalahating oras nang magkagulo sa labas. Mukhang nandito na si Von.

Mayamaya lang ay biglang bumukas ang pinto at iniluwal siya. Diretso siyang lumapit sa 'kin saka lumuhod na siyang ikinagulat at ikinataranta ko.

"Von-"

He cut me off.

"Eve, I'm sorry. Patawarin mo ako. Lasing ako 'nong gawin ko iyon. Ma...maniwala ka. Hindi ko alam na... na nasabi ko na pala 'yong tungkol sa sakit mo sa video na ginagawa namin noon. Eve, I'm sorry. I'm really really sorry. Hindi ko sinasadya. Hindi ko alam na aabot sa ganito. I'm sorry, Eve."

"Von, it's okay. Tumayo ka na-"

"It's not okay! Look what you did, Von. Von, tama ba? Dahil sa ginawa mo, hindi na kami nilulubayan ng mga tao. Nawawalan na kami ng privacy! Hindi mo ba inisip na kahit lasing ka ay hindi dapat isinisiwalat sa publiko ang ganoon na mga bagay! My God! Bakit ka ba kasi pinagkatiwalaan ni Binx? Kaibigan ka pa naman! Ha!"

Napapikit ako ng mariin at napabuntong-hininga nang sumabat si mommy sa usapan.

"I remember you. Devon Hussein, right?" si dad naman. Nakita ko ang pagharap sa kanila ni Von pero hindi pa rin siya tumatayo. Binigyan niya ng sunod-sunod na tango si dad.

Aquarius (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now