Dinaluhan siya nito. Halata sa mukha nito ang pag-aalala. He leaned closer to examine her wound. Too close that she could smell his fresh breath. She felt shivers down to her spine.

“May problema ba?” Kung hindi pa nagsalita si Sedric ay hindi niya mapapansing nakalapit na pala ang mga ito. “What happened?”

“Nahulog ako sa bike. Don’t worry, okay lang ako.” aniya kasabay ng thumbs-up. Napangiwi siya nang maramdaman ang hapdi ng sugat niya.

“You’re not okay.” ma-otoridad na sabi ni Zeus.

“Ibabalik ko na siya sa bahay para magamot ang sugat niya.” ani Sed.

“Ako na ang magdadala sa kaniya.” kontra ni Zeus. His dark eyes were firce like a wolf protecting it’s prey from other predators.

“Let Sed tend to her. Siya naman ang nagdala kay Maxene dito.” wika ni Sabrina.

“No. Kasalanan ko kung bakit siya nasaktan. Ako ang gagamot sa kaniya.” Bago pa siya nakapagprotesta ay pangko na siya nito. Napilitan siya ikawit ang mga braso sa leeg nito dahil mahuhulog siya kung hindi niya gagawin iyon. She tried relaxing kahit malakas ang pagtambol ng dibdib niya. she inhaled a familiar scent. The scent that lulls her every morning when he wakes her up. The scent she had always loved. The scent owned by the man she loves.

She felt her body relax. Being in his arms made her feel cared for. Kahit ginagawa lang nito iyon dahil kasalanan nito ang nagyari sa kaniya. She rested her head on his chest. She felt his heartbeats and she wished it was beating like that because he loved her. Which was impossible. She will never be good enough for him. She would never reach his standards.

She closed her eyes. Nakakasawa naring mag-isip ng “pero”, “kaya lang”, dagdagan ba ng “bakit”. For now, she wants to feel loved in his arms. Kahit pa iyon na ang huli.

“Masyado bang masakit ang sugat mo?”

She opened her eyes and met his. He really looked worried. Napangiti siya. “Okay lang ako.” Totoo naman ang sinabi niya. Hindi nga niya maaalala ang sugat niya kung hindi pa nito tinanong. “Malayo ‘to sa bituka.”

“Malayo nga sa bituka, baka naman mapaano ang tuhod mo.” he said with a knotted forehead. Nag-aalala na naman ito para sa kanya. Umaasa na naman tuloy ang puso niya.

Naisipan niyang asarin ito. Ikinawit niya ang braso payakap sa leeg nito. “Ang paranoid mo naman, fafa Zeus.” Inilapit niya ang mukha sa mukha nito.” “Worried much?” He didn’t even made an effort to move away. Parang siya na tuloy ang gustong mag-back out.

Hindi na siya makakilos. Mukhang mapaparusahan siya sa ginawa niyang pang-aasar. With their gazes locked, he traveled the distance between them. Pakiramdam niya’y wala siyang lakas na lumayo dito. Para bang hinihigop siya lalong lumapit. Maybe she was also waiting for it to happen.

Nawala sa isip niya ang lahat ng bagay sa paligid. What she was aware of was his lips that was slowly descending hers. She could almost taste that sweet lips of his as his breath were touching her cheek.

She closed her eyes and waited for the majic to happen.

“Zeus, Maxene, kayo ba ‘yan?”

Kasabay ng pagkarinig ng boses ni Adelina ay naramdaman din niya ang sakit ng puwit niya dahil sa pagkakahulog sa lupa. Nabitiwan siya ni Zeus dahil sa gulat.

“Hala, anong nangyari sa’yo ineng?” alalang tanong ni Roberto.

“Nahulog po siya sa bike niya kanina.” sagot ni Zeus na animo ay walang ‘nangyari’ sa pagitan nilang dalawa.

My Chocolate Princess (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now