CHAPTER 6

4.1K 106 4
                                    

NAKATITIG si Maxene sa alaga nilang lovebirds habang kumakain ng paborito niyang chocolate bar sa garden nila. Wala namang pakialam sa kaniya ang mga iyon dahil abala sa paglalampungan.

Mabuti pa ang love birds, may partner in life, kalambingan at lovelife. Samantalang siya, dinadaan sa chocolates ang sama ng loob. Sabagay kung naging lovebird siya, baka patay na siya ngayon. Dahil ang lovebird na nag-iisa, namamatay sa lungkot.

“Hindi mapi-prito ang mga ibon na iyan sa titig mo lang, Maxene. Subukan mong ilulob sa kumukulong mantika. Baka sakali.”

Kahit hindi siya lumingon, alam niya kung sino ang nagsalita. Ang lalaking dahilan kung bakit naiinggit siya sa mga lovebirds ngayon.

Nilingon niya ito. Wrong move. Nag-rigodon na naman kasi ang puso niya. Kahit pigilan niya pa ay napatitig siya dito. He had such a nice smile, good-looking eyebrows, kissable lips, cute eyes, nice nose and kissable lips. Okay, she being redundant. She just couldn’t take her eyes off his kissable lips. She wondered what they would taste like in a kiss. Magiging kasing-tamis kaya iyon ng paborito niyang chocolate? Kung gano’n nga, magiging paborito niya rin kaya ang halik nito? Lagi niyang hahanap-hanapin… laging—

“Stop staring at them like that, Chocolate Princess. They might give you the sweetest kiss without your permission.” anito na ang tinutukoy ay ang mga labi nitong pinag-papantasyahan niya.

Naramdaman niya ang pag-iinit ng kaniyang pisngi. Iniwas niya ang tingin at inabala ang sarili sa pagtitig sa mga ibon sa hawla. She took a bite of her favorite chocolate bar. “Subukan lang nila, nang matikman nila ang bangis ng suntok ko!” aniyang ipinakita pa rito ang naka-kuyom na kamao.

She heard him let out a laugh. He had a laugh which is pleasant to the ears too. “They wouldn’t try. Takot sila sa bangis ng suntok mo.” he said, his eyes smiling.

Naupo siya sa upuang nakapwesto sa tabi ng picnic table na nasa garden nila. Umupo din si Zeus sa bakanteng upuan katabi niya. “Ano’ng masamang hangin ang tumangay sa’yo rito?” Pumitas siya ng dahon para may mapagbuntunan siya ng tensiyong nararamdaman. Ayaw niya nang tumingin sa mga mata nito. Lalo kasi siyang naaakit dito.

“Nothing. I just wanted to see you.”

Napalingon siya dito. He was really staring at her. Nailang siya. Why is he even saying that to her?

“Gutom lang ‘yan, Zeus.” sabi niya para maitago ang pagkailang niya.

“Kakakain ko lang.”

“Kahit na, pwede namang magutom uli.”

“Busog pa ako.”

“Empatso tawag diyan.”

“Hindi talaga ako mananalo sa’yo.”

“Buti alam mo.”

He chuckled. “Ibibigay ko lang sa’yo ‘to kaya ako nagpunta dito.” noon lang niya napansin ang dala nitong plastic bag. Nang silipin niya iyon ay chocolates ang laman.

“Bakit? May kasalanan ka sakin?” tanong niya habang binubuksan ang isang pakete ng tsokolate. Chocolates kasi ang pansuhol nito sa kaniya tuwing may kasalan ito.

“Wala pa naman. Balak pa lang.”

“’Wala pa naman’ ka diyan!” Pinanggigilan niya ang pisngi nito. “Thank you!”

“Welcome.” anito at gumanti ng pisil sa ilong niya.

Napahawak siya sa nasaktang ilong. “Masakit ah!”

“Let me see.” Inalis nito ang kamay niyang nakahawak sa nasaktang ilong. “Okay lang naman, ah? You even looked cuter with your red nose. Parang si Rudolph the Red Nosed Reindeer.”

My Chocolate Princess (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon