CHAPTER 2

5.4K 125 2
                                    

©Meloerise

TAHIMIK si Maxene habang nasa loob ng kotse ni Zeus. Nahihiya siya dahil narinig nito ang tungkol sa panaginip niya. Alam niyang may narinig itong sinabi niya. May habit kasi siya na magsalita kapag tulog.

 “Zeus..” alanganing tawag niya rito habang nasa pagmamaneho ang atensyon nito.

“Hmm?” Hindi naman ito lumingon sa kanya. Nanatiling sa daanan ang atensyon nito.

“Anu-ano sa mga sinabi ko kanina ang narinig mo?”

Sa inis niya ay ngumisi pa ito. Pero imbes na mainis ay tila lalo pa ata itong gumwapo dahil sa ngisi nito sa paningin niya. “Wala naman.”

“A-Anong wala?” kumakabog na naman na parang tambol ang dibdib niya. Dahil ba ito sa gwapo nitong mukha?  Hindi naman nito sinagot ang tanong niya at nanatili lang na nakangisi. “Ewan ko sa’yo!” ibinaling nalang niya ang tingin sa bintana bago nito mapansin na namumula ang pisngi niya. Naiinis siya. Pero kanino? Sa pang-aasar nito o sa sarili niya ba dahil sa buwisit niyang nararamdaman?

Katulad nga ng inaasahan niya, kalat na agad ang balitang sila na “daw” ni Zeus. Habang papunta siya sa building niya para sa first subject niya ay panay ang naririnig niyang kwentuhan tungkol sa kanilang dalawa ni Zeus. Karamihan sa mga babaeng nasasalubong niya ay tila gusto siyang sagpangin nalang bigla. May ilang masama ang tingin sa kanya. Ang iba naman na kaibigan niyang babae ay tila umiiwas sa kanya.

“Zeus, nakakatakot sila.” bulong niya.

“Huwag mo nalang silang pansinin.”

“Ewan ko lang huh, pero ngayon palang ay parang gusto na nila akong dambahin.” Napangiwi lalo siya nang makita ang isang grupo ng mga babaeng masama ang tingin sa kaniya. Isa doon si Flora.

Si Flora ay isang tourism student. Mahilig itong makipagkaibigan sa mga mayayaman at sikat sa Unibersidad dahil hindi daw ito karapatdapat para magkaroon ng mga “poor” na friends. Sinasadya din nitong mag-flirt sa mga “hotties” ng school nila at gumagawa ng kung anu-anong paraan para lamang maging boyfriends ang mga iyon. Si Zeus ang pinakasikat nahottie sa school nila sa kasalukuyan at mukhang iyon ang target nito. At dahil nga nagbigo ito noong nagdaang gabi ay siya ang pinag-iinitan nito.

 “Lumabas ka ng maaga.” Sabi sa kanya ni Zeus bago siya maghiwalay ng daan. Mukhang wala naman itong pakialam na pinag-uusapan o pinagtitinginan sila. Palibhasa ay sanay na ito at wala rin naman talaga itong pakialam. Samantalang siya ay parang bulate na gusto nang sumuot sa ilalim ng lupa.

Kaya nga ayaw niyang ipagkalat ang tungkol sa kasunduan ng mga magulang nila ay dahil alam niyang ganoon ang mangyayari. Magugulo ang magulo pero tahimik niyang buhay.

Lulugo-lugong umakyat siya nang hagdan patungo sa floor kung saan naroroon ang room niya. “Max!”

“Hi Chezlieh.” walang ganang bati niya rito at tumigil ng pag-akyat ng hagdan.

“Sikat na sikat kayo ngayon ah? Pinag-uusapan kayo ng bawat department.” Anito na ang tinutukoy ay ang tungkol sa pagiging mag-on nila ni Zeus kuno. Bigla itong sumimangot. “Bakit di mo sinabi sa akin na kayo na pala ni Zeus? Best friend pa naman kita! Sa iba ko pa nalaman na “official” na pala kayo.” pagsisintir nito.

“Spare me the drama, Chez. Hindi naman kami. Hindi ‘yon totoo.” Sagot niya kasabay ng buntong hiniga.

“Talaga?” di makapaniwalang sabi nito.

“Talagang-talaga. Never magiging kami.” Why does that sound wrong?

“Never say never. Kita nalang tayo mamayang lunch.” Nagpaalam na ito at naglakad papunta sa building nito. Siya naman ay naiwang nakatulala sa hagdanan. Mukhang magiging matamlay ang araw niya ngayon. Masama pa naman ang pakiramdam niya at parang dadapuan pa siya ng lagnat.

My Chocolate Princess (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now