Chapter 13

8 0 0
                                    

Summer Days
Chapter 13.


Summer's Point of View

Inayos ko ang nakalugay kong buhok at inayos rin pati ang scarf na nakabalot sa leeg ko dahil sa kagagawan ng lalakeng nasa tabi ko ngayon. Pagkatapos ay huminga ako ng malalim at tiningnan siya habang nag ayos ng butones. His hair is messy which makes him look ten times hotter.

Habang nakatingin sa kanya, bigla na lamang siyang tumingin sakin nakangiti na nasisilayan ang dimples nito saka kumidnat.

"Rayne, we shouldn't be doing this here. Mabuti na lang at hindi tayo nakita ng mama ko." Nasabi ko na lang.


Napatawa siya ng mahina. "Really? It's not like they don't know what happened yesterday."


Napairap ako. "Hindi nakakatuwa."


Tiningnan niya ako at tumabi sa pagkakaupo saka pinulupot ang kamay sa bewang ko. "Yeah. Sorry. How have you been doing since that incident?"


Naging blanko ang isipan ko ng madali. What incident? There are plenty of it.


"'Wag ka mag-aalala. Okay na ko." Nginitan ko siya. "Tara na nga!" Hinila ko ang kamay niya para tumayo kaming dalawa.


"At saan naman tayo pupunta?"


"I don't know. Somewhere in earth--"


Napatigil na lamang ako sa paglalakad nang may bigla akong nakitang tumbler na nabuhos na kape at dahil dito mas lumakas pa ang kabog ng dibdib ko.


"Rayne... sayo ba 'to?" Pinulot ko ito saka inamoy.


Sa pagkakaalam ko, walang kape kanina diyan. Wala rin kaming ganyan na baso kaya nagtaka ako baka kay Rayne lang to na iniwan niya kanina.


"No. I don't drink coffee..." Napailing-iling siya, "but that's April's."


"What? Anong ibig mo sabihin?" Napalunok ako.

Tiningnan niya ako na walang emosyon sa mukha. "That April went here."

Pero nag babakasyon pa siya diba? Pero hindi rin impossible nandito na siya. Dapat pinabalitaan niya muna kami. Maraming tumakbo sa isip ko na pwedeng hindi siya ang pumunta dito.


"Maybe you should go home, Rayne. Magkita na lang tayo bukas." Medyo nagulat ito sa sinabi ko pero tango lamang ang responda nito. Hinawakan niya ang kamay ko saka hinalikan ang noo ko.


Hinintay ko siyang umalis at saka naman ako sumunod pero bago nito. Pumunta ako sa laging tambayan namin dalawa, kung saan dito ako tumatambay kapag malungkot ako o kapag gusto ko siyang makita... and I knew I'd find her here.


Napalunok ako at ngumiti. "Hi, April." Mahina kong sambit. Hindi niya ako narinig kaya nagsalita pa ako ng isang beses.


"Err... tumbler mo siguro 'to. Nakita ko kanina nahulog kaya pinulot ko na."


Sa wakas at naramdaman niya na rin ang presensya ko. "Oh! Must've dropped my tumbler. Salamat." Kinuha niya ang tumbler ng hindi tumitingin sa 'kin saka tumayo at naglakad palayo pero bago siya tuluyan umalis ay tinawag ko ang pangalan niya.


"April. May problema ba?"

Tumingin siya direksyon ko saka ngumiti. "Nothing."


Parang may kung anong puwersa ang lumabas sa bibig ko para hindi siya paalisin. Gusto ko pa siyang makausap dahil sa totoo lang ay namimiss ko na siya.


Summer Days | On-GoingWhere stories live. Discover now