Chapter 9

13 0 0
                                    

Author's Note:
Sorry! Medyo natagalan ang pag update. Wala naman talaga akong balak tapusin 'to since unmotivated ako pero thankfully I'm back hihi walangmaypake ^^ sana mag vote kayo kahit isang beses man lang :>

--------------------

Summer Days
Chapter 9.




Naglakad ako sa direksyon kung saan kaonti na lamang ang mga tao at sakto naman may humawak sa likod ko kaya agad akong napahinto.



"Anak! Mag-usap nga tayo." Halos magkasalubong na ang dalawa kilay ni mama at bakas sa mukha nito ang halong galit dahil nanlilisik pa ang mata at kasabay nito ang pagtataka.




"Ma, kung ano man yung nakita mo. Huwag--" napahinto na lamang ako sa pagsasalita nang bigla na lamang dumapo ang palad niya sa pisngi kong ngayon ay pula dahil sa pagsampal niya.




"Walang hiya ka! Anak ba kita?" Parang isang bulalakaw ang mga salita niyang sinabi dahil biglaan na lamang kumirot ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla-bigla na lang siyang nagkakaganito. May nalaman o nasabi ba akong mali?




"Wala akong anak na babaeng nagkakagusto sa kapwa babae! Wala akong anak na tomboy!" Halos mapasigaw siya sa kanyang sinabi at saktong tumulo ang butil ng luha ko sa mariin na sinabi niya.




Paano niya nalaman? Ito ang mga salitang gusto kong itanong pero ni hindi ko mabuksan ang bibig ko at hindi ako makagalaw ng tuluyan. Nakatayo lamang ako na parang istatuwa at nanlalambot na ang mga binti ko. Ang gusto ko lang na mangyari ngayon ay ang tuluyan mawala sa mundong 'to.





"Nag-usap kami ng nanay niya kanina. Ang sabi niya magkarelasyon kayong dati ni Nicole." Ngayon ay pawang walang emosyon ang mukha niya. Para bang nasasaktan rin siya. Ni hindi nga siya makatingin sa mga mata ko.



Ngayon ay tumingin na siya sa mata ko-- malungkot at puno ng mga katanungan.



"Magbago ka." Ito lamang ang mga salitang lumabas sa bibig niya at pagkatapos tumalikod na ito sa akin. Doon na nagsimula ang tuloy-tuloy na pag-agos ng luha ko at agad akong napaluhod sa sahig sabay takip ng mukha ko.

Kasalanan ko kung bakit ako ganito. Kasalanan ko kung bakit nagkakagusto ako sa dapat hindi ko naman dapat magustuhan.

_____________




It's officially the 15th of May at kagaya nga ng araw araw na kagawian ko nandito ako sa swing nakikinig ng music mag-isa. Mahigit dalawang linggo na bago ang mga pangyayari at sinubukan kong gawin libangan at comfort ang ginagawa ko ngayon.



This is where I keep you in my mind
I need you to be free


Tungkol sa insidenteng nangyaring paglaman ni mama sa sexualidad ko parang mas naging babae ang pananamit ko. Imbis na magsuot ako ng mga maiitim na damit ay nag shopping ako ng mga susuotin kasama si Ann dahil mahilig rin naman iyon ng mga pambabaeng damit kaya tinulungan niya akong pumili.



Kaya dahil dito ay napansin ni mama ang pagbabago ko kaya'y nag-uusap na kami at dahil dito. Hindi ko na kayang itago pa ang nangyari nakaraan isang buwan, tungkol sa ginawa ng kaibigan ni April sa 'kin... Ang muntikan ng paghasa. Napaiyak ako sa harap ni mama at niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit na para ba ay siguridad ako sa kanya. Agad naman namin itong ini-report sa pulis at inaasikaso na nila ang ginawa ng hayop na 'yon.



Hindi na rin kami nagkita ni Nicole o ni Rayne simula nang gabing 'yon pero malaki parin ang pasasalamat ko sa lalakeng 'yon.



So this is where I leave you
Sitting in a palace covered in gold inside my head
This is where I see you
On a bed of roses when I wanna kiss your silhouette
Ooh, ooh, ooh
This where I leave you



Pagkatapos ko magmuni muni ay napagpasyahan ko nang pumasok ng hacienda para kumuha ng pagkain pero bago pa 'yon ay bigla kong nakita ang pamilyar na pigura ng babaeng nakatalikod na may buhok alon dagat, nakasuot ng silk dress na pumuporma sa kanyang katawan.



"April..." Bulong ko sa sarili. Alam kong wala akong magagawa dahil simula nung nangyari ay hindi na kami nagkita o nagkausap pa. Siguro ay dahil na rin gusto namin dalawa mapag-isa.



"April!"



Hindi ko alam kung anong klase ng enerhiya ang sumapi sa katawan ko nang tawagin ko ang pangalan niya dahilan para mapalingon siya sa direksyon ko.



Malapad akong ngumiti. Hindi ko alam kung tama ba itong ginawa ko pagtawag sa kanya pero salamat naman at pasimple niya rin akong nginitian pabalik pero hindi ito lumapit kagaya ng inaasahan ko dati na kapag tinatawag ko siya ay tumatakbo ito palapit sa akin.



Hanggang ganito na lang ba? Wala nang nagpapansinan sa amin dalawa. Siguro nga ay dapat pumasok na ako sa hacienda at kumain.


"Anak? Huy!"


Agad akong napamulat sa realidad nang batukan ako ng kutsara ni mama sa hapag kainan. Tumitig siya sa 'kin na para bang nagbabasa ng isip.


"Kanina ka pa tulala diyan, ah! Anong iniisip mo?"


Napatawa na lamang ako ng marahan at umiling-iling. Paano ko ba 'to sasabihin lahat? I still think of her. I regret so much shits but not one of it is liking her.


"Wala, ma. Nag-iisip lang ako sa araw na pag si-stay natin dito kase medyo mahaba-haba rin."


Napakunot ang noo niya saka hinawakan ang kamay ko, "Bakit? Ayaw mo ba dito?"


"Hindi naman sa ganon, ma!"


"Good! Alam mo ba, nak. Nagugustuhan ko ang pananamit mo ngayon. Dapat lagi ka magsuot nang mga ganitong damit hindi 'yong nakapang-itim ka lagi. Para kang kampon ng kadiliman eh!" Bumalik ang ngiti sa mukha niya at mahinang tinapik ang braso ko.


Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang nagsalita ulit. "nga pala... magbihis ka mamaya kasi pupunta tayo ng simbahan."



Summer Days | On-GoingWhere stories live. Discover now