Chapter 2

21 3 3
                                    

Summer Days
Chapter 2.





Napapikit ako ng mata habang dinadampi ang bawat buhos ng malamig na tubig sa buong katawan ko. Kahit anong gawin ko, hindi parin siya matanggal sa isip ko. Sariwang-sariwa pa rin sa isip ko kung paano iyon nangyari.



Bakit ganito? Ba't ang lakas ng epekto niya sakin?!



Hindi ko namalayan matagal akong nakababad sa tubig kaya naisipan ko patayin ang shower at agad-agad na kinuha ang towel saka ko pinulupot sa katawan. Tiningnan ko ang sarili sa salamin, dahan-dahan akong napatingin sa nakapulupot sa 'kin na ngayo'y nasa sahig na.




Hindi ko alam kung hanggang kailan ko itatago ang buong pagkatao ko sa harap nila. Natatakot ako na baka kapag nalaman nila ang totoo, hindi nila matanggap ang buong pagkatao ko at ipagtabuyan lang ako. Natatakot ako na kapag nalaman ng lahat, pandidirian nila ako.




That's why I'm scared of developing a feelings for someone- especially that girl. That damn attractive girl I just saw an hour ago, pero ang lakas na ng epekto sakin.




Hindi ko namalayan tumulo na pala ang luha ko sa kaliwang mata. Napakagat na lamang ako ng labi at mabilis na kinuha ang towel sa sahig saka pinulupot ito pabalik sa katawan.




Mabilis akong nagbihis ng pangtulog, dumeretso na ako sa kama at napasulyap sa kurtina na hanggang ngayon ay nakasara parin. May kung anong dahilan para mapabalikwas ang katawan ko at buksan ang kurtina. Sumilip muna ako ng kaonti bago ito binuksan, nagbabakasakaling makita ko nanaman siya, pero wala. Wala na siya doon.




I chuckled and shook my head.



Gabing-gabi na para magdilig pa siya ng halaman at isa pa malamig naman at kakabago lang umulan. Baliw lang yata ang gagawa niyan.



Kumaripas ang umaga, nabantayan ko ang sariling nakatulog ng mahimbig sa kama at pabaliktad ang posisyon. Pipikit na sana ang mata ko nang tumanaw ang maliwanag na ilaw ng liwanag sakin. Hindi ko kayang tumayo at isara ang bintana, kaya't mariin ko na lamang sinubsob ang unan sa mukha ko.



Ilang sandali pa ay narinig ko ang pag tunog ng doorbell.



Hindi pa ito nakuntento dahil ilang beses intong nag-ring. Napamura na lamang ako sa sarili at napatakbo sa labas ng kwarto.



That person is too damn annoying! Alam niya ba na hindi ako nakatulog sa kakaisip sa babaeng 'yon?! Edi kung sana alam lang nitong nag doorbell, siguro hindi na 'to nag doorbell!



Mariin kong binuksan ang pinto, wala na akong pake sa kung anong itsura ko ngayon.



"Good morning, tita-"



Hindi niya naituloy ang sinabi nang makita niya ako. Nanlaki ang mata ko at pasimpleng inayos ang buhok.



"H-Hi." Napalunok ako.



Nginitian niya ako dahilan para mas lumakas ang tibok ng dibdib ko. "Andiyan ba ang mama mo? Gusto ko lang sana iabot itong pinagluto ni mommy sa kanya." Tinaas niya ito ng kaonti sinyales na kukunin ko ito.



"Ah, sige. Ako nang bahala dito. I think wala sila dito sa mansyon ngayon."



Tumawa siya ng mahina. "Well... Uhm, I guess I disturbed your sleep. I gotta go!" Hindi na niya ako hinintay sumagot.



Nanlabot ang mga paa ko at halos umungol ako sa sobrang hiya.



Napahiya nanaman ako!



And why does it have to be in the morning?! Bakit sa panget na pagmumukha ko pa ngayon?!




Tutal at hindi na ako nakatulog pabalik, naligo at nagbihis na lamang ako. Napag desisyon kong mag libot-libot muna sa buong hacienda ni lola Pie.



Pero ang pinagtataka ko lang kung bakit walang tao sa mansyon. Busy ba silang lahat? Asan 'yong mga katulong?



I wore the simpliest and comfortable clothes today which is vans, high wasted jeans at plain v-neck t-shirt. Dinala ko rin ang small bag ko at headset na isinabit lang sa leeg.



Dahil mahangin sa labas, I decided to tied my hair in ponytail.



Naglakad ako palabas ng mansyon saka nilagay sa tainga ang headset. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad habang dinaramdam ang simoy ng hangin, kasabay din dito ang tunog ng musikang pinapakinggan ko.



"She got a black shirt, black skirt and Bauhaus stuck in her head.
I'm in deep with this girl but she's out of her mind."



Sa ilang minuto na paglilibot sa buong hacienda, nakasalubong ko ang ibang mga nanirahan at trabahador. Mababait sila at masayang pakikitunguhan, saka napaka simple lang rin.




Kaya heto ako ngayon nasa swing.



Ipinikit ko ang aking mga mata saka ipinagpatuloy ang pagkanta.




"I'm in deep with this girl but she's out of her mind."



Sa isang iglap, naramdaman ko ang pagbigat ng presensya kaya agad akong napamulat ng mata at napalingon sa kanan direksyon ko. Muntik na akong mapatalon sa takot nang makita ko ulit siya. Napansin niyang tumingin ako sa kanya kaya napalingon siya sakin. Nginitian niya ako saka kumaway, ganon rin ang ginawa ko at tinanggal na lamang ang headset sa tenga, baka kasi may sasabihin siya and I don't want to missed it.



"We haven't introduced ourselves yet..." Sabi niya.



"... My name's April. April Miller." Dagdag nito.



"April." Napatango-tango ako. "Nice name." Bigla na lamang 'yan bumukas sa bibig ko.



She chuckled. "Thanks. How about you?"



I nearly forgot the question, parang ang gusto ko lang ay malaman kung sino siya.



"My name's Summer. Summer Amora."



"Ang unique. Just like mine, yours is holiday while mine's a month." Pareho kaming natawa sa sinabi niya.



Her eyes- ang ganda pala nito kapag malapitan, lalo na kapag nasisinagan ng araw. At ang buhok niya na lalo itong kumintab dahil sa araw. At halatang may dugong amerikana ito.



"By the way, do you want to go to the party? Perhaps if you don't want, it's okay." Ngumiti siya.



My brows furrowed. "No- I mean! What party?" Hindi ko alam na sa haciendang 'to may ganito pala.



"Oh yeah! I nearly forgot you're just a newbie here..." Pabulong niyang sabi.



"Basically, a party for senior high schools. It will be held near my friend's house and because she's inviting me, I will invite you too."



"Ah, I see." I nodded.



"So, are you coming?" Naramdaman ko ang kuryosidad sa tono nito.



"I'll think about it. Maybe later." I smiled.



"Okay, sure!" Tumayo siya sa swing dahilan ng ipinagtataka ko.



"I have to go na. I still have to go to the church. Talk to you later!"



Nang hindi ko na makita ang bulto niya, palihim akong napangiti. Hindi ko akalaing mag-uusap kami.



And yes! I'm going to the party- just for her.


______

votes & comments are highly appreciated :) thanks!

Summer Days | On-GoingWhere stories live. Discover now