Chapter 12

8 1 0
                                    

Summer Days
Chapter 12.


Nakabihis na ng pang ibaba si Rayne at kasama ko ngayon sina Ann, Gloria at si mama sa sala at bakas sa mukha nila ang pag-aalala.


Hinawakan ko ang kamay ni mama, "Ma, I'm sorry." Tagos sa puso na pagkakasabi ko.

Hinawakan niya naman ang pisngi ko at ngumiti pero wala itong sinabi kaya namayani lamang ang tahimik ng buong sala pero ilang minuto pa ay biglang nagsalita si Gloria.


"Hijo, umuwi ka na muna sa inyo. Magpahinga ka."

Nginitian ni Rayne ito. "Sige po. Mauna na po ako." Tiningnan niya sila ng isa-isa hanggang sa magtama ang tingin namin dalawa.


"Mauna na 'ko, Summer." Sabi niya at ngiti lamang ang tanging responda ko. Pagkatapos niyang umalis, umalis narin pati sina Ann at Gloria at naiwan na lang kaming dalawa ni mama. Ang ngiti sa mukha ni mama ay napalitan ito ng pag-aalala sa mukha.


"Ba't ba kasi kayo gumawa ng milagro. Mabuti na lang at maayos ka na baka kanina kapa namin isinugod sa ospital."


Hinawakan ko ang kamay niya, "Sorry na, ma. Hindi na talaga mauulit."


Napairap ito saka ngumiti. "Dapat lang talaga. Aba ambabata niyo pa para sa mga ganyan..."


Pero sa kabila ng lahat nang ito, hindi ko parin mai-alis sa isip kung anong nangyari sa 'kin at sa naalala ko.. naramdaman ko kung paano ako hawakan ni Ryan at kung paano niya idinikit ang labi nito sa leeg ko... at kung paano ko nakita ang pag-alala ni Rayne sa mga mata nito, para ba'y mamamatay nako.


Bumalik ang pag-iisip ko sa realidad nang biglang nagsalita si mama,"... saka nakikita kong nag iinlaban kayong dalawa ni Rayne, ah." may pa taas-taas pa ito ng kilay saka sundot sa tagilira ko. Napailing-iling ako; ang lakas talaga mang-asar ni mama.


"Mabuti naman at nagbago ka." tanging matipid na ngiti na lamang ang responda ko saka niya naman ginulo ang buhok ko.


Napatigil lamang ito sa pag sasalita nang biglang bumukas ang pintuan at bumungad ang mukha ni papa sa amin. Tiningnan ako ni mama, "nak, pumunta ka na muna sa kwarto mo." Agad naman akong napatango.


Kahit na hihilo pa ay sinubukan kong tumayo at tingnan si papa. Bakas sa mukha nito ang pagsisisi sa nagawa.


"Anong ginagawa mo dito at may gana ka pa talaga sa mukha na magpakita sa harapan ko?"


"Sita. I'm sorry. Ayusin na 'tin 'to..."


Agad na akong nagtungo sa kwarto at mas pinili ko na lang na i-lock ang pintuan at humiga sa kama habang nakikinig ng musika hanggang sa dahan-dahan nang nagdilim ang paningin ko at nakatulog na pala ako.
_________

April's Point of View

Naiwan nanaman akong mag-isa sa labas ng balkonahe sa bahay ng lolo at lola ko which I kind of like and do since I was a kid.


There's something peaceful in the balcony at two am just watching the busy city, lit up lights and the sky really dark. It's like I'm meant to be here... or should I say my home.


"Thinking of something?"


Naputol ang pagmumuni ko nang biglang dumating si dad na may dala-dalang sigarilyong nakaipit sa dalawa niyang daliri.


I looked at him, blankly and shook my head. Of course! What else would I be doing here in the balcony alone but now with him, at two am without doing anything?


Summer Days | On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon