Chapter 5

25 1 0
                                    


Summer Days
Chapter 5.



Summer's Point of View.

Mahigit ilang minuto rin kaming naghintay kay April na bumalik, napagpasiyahan naman ni Rayne na makipag-usap sa ibang tao kaya't naiwan kaming tatlo sa bakanteng upuan at mesa na tahimik.



Habang nag-uusap sina mama ay nag mamasid lang ako, nagbabakasakaling mahagip ng mata ko si April.



Pero iba ang nahagip ng mata ko, isa itong babae na may kaedaran na at may luhang tumulo sa mata niya. May pulang marka rin sa kanyang pisngi. Halos napalingon ang iba sa kanya pero wala itong pake.



May pumunta sa kanya na babae, siguro ay kaibigan niya ito at hinawakan ang balikat na para ba gusto nito kausapin.



Nawala ang atensyon ko nang mahagip ng mata ko si Rayne na may kasamang babae, hindi ako makagalaw sa kinauupuan ngayon nang malaman ko kung sino ang babae.



It's April. He is confronting her, and it seems that she's crying. Nanlambot ang buong katawan ko nang hawakin ni Rayne ang kamay niya at niyakap ito. Hinaplos-haplos rin nito ang likod.



"Nak! Kanina pa kita kinakausap!" Pinalo ng mahina ni mama ang mesa dahilan para bumalik ako sa realidad.



I wasn't myself for a moment. I felt jealousy and hatred and all I want to do is to go home.



"Ma, uwi na tayo."



Biglaan ang pagtayo ko kaya nagtaka sila sa kinilos ko.



"Ha? Ano? Uuwi ka na? Hindi pa nga tayo nakakain." Sabi nito.



"Well then, uuwi na akong mag-isa, ma. Good bye." Inayos ko ang dress ko at mabilis na naglakad.



I know she's crying and somehow I want to confront her, kiss her and remind her that everything's going to be alright, but then I remember andiyan naman si Raven para sa tabi niya. They've known each other for what so long.



Paglabas ko ng gate ay sumalubong ang isang lalake sa 'kin. May kulay puting buhok, nakasuot ng puting t-shirt at naka unbuttoned na polo. Nakahawak siya ng alak at halatang lasing ito. Pamilyar ang mukha nito sakin. I think he's Summer friend.




Hindi ko na lamang siya pinansin at mabilis na nagtungo sa bahay. Akmang maglalakad na sana ako nang bigla niyang hilain ang pulsuhan ko.




"Summer..." Bulong niya sakin. At biglaan akong niyakap sa likod, amoy alak at halong pabango na ito.



Lumakas ang tibok ng puso ko at halos manginig na rin ako sa takot na baka kung anong gawin niya.



"Ano ba! Pakawalan mo nga ako!" Sinubukan kong alisin ang kamay niya sa sarili ko pero mas hinigpitan niya ito.




"Don't you remember me?" Bulong nito sa tenga ko. "Si Ryan 'to."



"I don't give a fuck! Huwag mo 'kong hawakan!" Pag-uutos ko pero naramdaman ko na lamang na tinulak niya ako patungo sa pader at hinawakan ang dalawa kong kamay upang hindi makawala.



Inamoy-amoy niya ang leeg ko pero wala akong nagawa kung hindi ang humikbi. Masyado akong natatakot ngayon para manlaban.




"Alam mo ba nung una pa lang talaga kitang nakita. Naakit na ako sa 'yo..." Naramdaman ko ang labi niya sa leeg ko at hinalikan ito.



Summer Days | On-GoingWhere stories live. Discover now