Chapter 4

23 2 0
                                    

Summer Days
Chapter 4.




Ilang araw na ang nakaraan simula nung party na 'yon pero sariwang-sariwa parin ang bawat salita na gamit niya.

I can't help but to smile.


"Ah! Rise and shine!" Nag-inat ako saka napabalikwas. Binukas ko ang kurtina pati na rin ang bintana ko, lumakas nanaman ang kabog ng dibdib ko nang makita ko siyang nagdidilig ng mga halaman, as if it was the first time I saw her.


Lumapad ang ngisi ko. "April!" Tawag ko sa kanya, nagbabakasakaling marinig ako. Lumingon siya sa naroroon ko at gumaan ang kanyang presensya.



"Hey! You're awake." Mas lalong kumabog ang dibdib ko nang kumintang ang maliwanag niyang mata at kahit sa malayuan ay nakikita ko ito.


"If you don't mind, can I help you water the plants?" I asked gracefully.



Napakamot siya ng ulo. "Maybe next time, this is already the last flower though and I'm actually finished."



"Really?—" may sasabihin pa sana ako nang bigla siyang nagsalita.


"Next time kasi agahan mong gumising, para naman mas una mo madiligan 'tong halaman namin." She smiled and her cheeks puffed. She's cute.


"Opo, opo, madam. Aagahan ko na. For you." Hininaan ko ang boses sa huli at ngumiti ng malapad.


Mabilis akong nakapagbihis ng damit saka bumaba ng hagdan. Mabilis kong binati sina Gloria, Ann, lola Pie at si mama. Ang ipinagtataka ko lang ay wala si papa, kapag kasi breakfast namin ay lagi kaming kumpleto pero kapag dinner ay hindi kami kumpleto.


"Good morning all! Ma, san si papa?" Tanong ko kaagad.


Nadatnan ko silang dalawa ni lola Pie na nakaupo sa upuan at nakaharap sa pagkainan.


"Aba, ewan ko ba dun sa papa mo, ang sabi niya may pupuntahan daw importante." Nang sabihin niya 'yon ay binaliwala ko na lamang at napag-isipan na baka may nahanap siyang kamag-anak dito o di kaya may kanyang libangan.


"Pero sa totoo lang, Si. Nagtataka na ako sa kilos ng asawa mo simula kahapon. Kaya kung ako sa 'yo, bantayan mo 'yan." Pagduda ni lola Pie kay mama sabay subo nito ng kutsara sa bibig.


Nagdilim ang mukha ni mama. "Ma, 'wag ka naman basta-basta mang-duda. Baka may importante lang talagang gagawin. At isa pa, nagkataon lang siguro na umalis siya kahapon."


Mabilis kong inubos ang kinain at nilapag sa lababo. "Ma, lalabas na ako." Hinalikan ko siya sa pisngi at pati rin si lola Pie.


"Aba, ang aga-aga lalabas ka na? Anong meron at napapadalas 'yan?" Saad ni mama at may pataas pa ito ng kilay saka sinundot ang tagiliran ko.


Napairap ako. "Ma naman, mali 'yang inaakala mo. Saka makikipag kita lang naman ako sa kaibigan ko— si April." mentioning her name makes my tummy flutter.


"Oh siya, umalis ka na." Pabirong pagtaboy nito at umalis rin ako.

———


Nasa swing kami sa hacienda ni lola Pie, kung saan dito kami unang nagkita, at kung saan dito kaming una nag-usap. You don't know how much this place is important and memorable to me.

"Hey! Uhm, it's actually my dad's birthday today." She said in low tone.
Sinipa ko ang tinatapakan ko dahilan para gumawa ito ng pag-usog.


Summer Days | On-GoingWhere stories live. Discover now