21

4.1K 90 1
                                    

"Goodbye po Tito, balik po ulit kayo." nakangiting sabi ni Brielle kay William.

William smiled at her before looking at us. I just bowed to him again as a sign of respect.

Hinatid siya ni Mama hanggang sa labas, sa kotse niya at si Waldo ay pumasok na sa kwarto niya habang si Brielle ay nakatingin lang sa akin.

"Peliah Austria, boom." sabi ni Brielle at napailing na lang. "Kaya pala nung nakatingin ako sa picture ni William Austria nung nag-search tayo about him, akala ko nakatingin ako kay Waldo, ang slow ko naman." naiiling na sabi niya.

Napansin ko na rin 'yon noon na hawig sila ni Waldo, na may hawig ako sa kanya pero hindi ko pinansin dahil imposible, pero naging posible.

"Anong plano niyo? Parang ang awkward no." sabi niya na ikinatango ko.

"Dalawang dekada, Yel." mahinang sabi ko sa kanya at napatango na lang siya.

"Valid ang nararamdaman niyo, at kung sino man ang mag-adjust sa inyo, siya 'yon. Kung gusto niya kayong makuha ulit, magpursigi siya pero walang sapilitan. Ang hirap pala pag ganito ang sitwasyon, like dati diba hinihiling natin na sana anak tayo ng mayaman, tapos ganitong dumating naman, ang hirap pala. Hindi lang siya sa pera, pero doon sa oras na nawala na dapat nandoon siya bilang magulang niyo." mahabang sabi niya.

This is the first time that Brielle became serious like this; it's not even her situation, but the way she empathizes with us is making me appreciate her ever more.

"Kaso mukhang love pa ni Tita, yung mga tinginan parang marupok e, like ready ulit bumukaka si Tita."

Hindi pala, at kahit kailan ay hindi siya magseseryoso.

"Mga pinagsasabi mo Brielle." sabi ni Mama nang makapasok sa bahay at napatikom ng bibig si Brielle.

"I mean Tita ano, sasayaw ng bubuka ang bulaklak, papasok ang reyna at pumasok ka na nga, ang reyna." nakangiting sabi ni Brielle at napailing lang si Mama.

Nagluto na si Mama ng kakainin namin at inalok pa ni Mama si William kanina na dito na kumain pero may urgent sa trabaho niya kaya umalis na.

Tinulungan namin ni Brielle si Mama dahil gutom na kaming dalawa at panay daldal ni Brielle hanggang sa dumating ang usapan kay Nina at Kayin.

"What if kapatid mo pala ang gwapong si Kayin? Austria din 'yon." sabi ni Brielle.

"Si Kayin?" tanong ni Mama.

Brielle's face was shocked when Mama mentioned Kayin's name.

"Kilala mo Tita?" gulat na tanong ni Brielle.

Brielle looked at me, and I just nodded. "Gago." pagmumura niya dahil sa gulat.

"Alam ni Waldo?" tanong niya pero umiling ako.

"Ayaw niya ipasabi, mas okay daw na friends sila. Wala naman kaming alam sa situation sa side ng family nila, baka magkagulo." explain ko.

"Ay sabagay, pero close sila diba?" tanong niya at tumango ako.

Whenever we will see Waldo and Kayin, they really looked like good friends, though Kayin is just a new student in our school.

Posible kaya na may alam si Kayin? Pero kasi kung meron, dapat ay sinabi niya na pero wala talaga at wala rin sinasabi sa akin si Waldo.

"Kaloka buhay mo sis, akala ko nasa movie ako. Side character pala akiz." sabi niya at napailing na lang pero napatingin siya kay Mama.

"Si Tita pala ang main character, tapos yung title, muling ibalik ang tamis ng bulaklak, chariz."

Winds of Celestial (Heron Series #1)Where stories live. Discover now