16

4.1K 90 1
                                    

"Do you know Kayin?" tanong ni Waldo sa akin.

Napatingin ako sa kanya at umangat ang mga kilay ko sa pagtataka.

"Yung new classmate mo?" tanong ko at tumango siya.

"William's oldest."

Napakurap ako sa sinabi niya dahil sa gulat. I thought he was joking, but he's serious, and he has this expression that I can't figure out.

Kayin and him seem so close, and it turned out that they have the same father.

"Alam niya?" tanong ko at umiling siya.

"Wala silang alam tungkol sa atin. Hindi nila alam na may kapatid sila sa labas."

Base sa pag iling niya ay hindi niya nagugustuhan ang nangyayari pero wala siyang magawa dahil pagbali-baliktarin namin ang mundo ay yun ang totoo.

"Pero bakit siya nag-aaral sa school natin? Ang dami-dami nilang pera."

He shook his head. "For experience, he said."

Natawa na lang ako ng mahina. For experience ang pag-aaral sa public university habang kami ay nagkakanda-kuba na para maka-survive sa university.

"Ilang taon na siya?" tanong ko.

"25." sagot niya at napatango na lang ako.

He's indeed the oldest. 20 pa lang ako at 21 pa lang si Kuya, and he was four years old when Waldo was born, and William was around 21 years old when he had him or maybe older.

Bakit ang babata nilang gumawa ng pamilya? Ganon ba sila ka-excited?

Pero wala namang kaso 'yon sa kanila kung stable sila financially at kahit gumawa pa sila ng maraming anak ay ayos lang dahil mabubuhay ang mga anak nila.

"Ano kayang feeling ng anak ng mayaman? Eme lang. Sama naman ng tingin mo sa akin, Father." pabiro ko siyang sinundot sa tagiliran kahit kinakabahan na ako.

"Hintayin mo ako at magpupursigi ako. Nabibigay ko naman ang mga gusto mo diba?" mahinang tanong niya at tumango ako at ngumiti.

"Yes po, Father at thankful ako doon, at hindi ako humihiling ng mas mataas dahil okay na ako sa 100 araw-araw dahil nabubuhay naman po ako. At ini-spoiled mo rin po ako, kaya very grateful po ako." I spoke sweetly to him.

I saw him sighing in relief because of the validation that I gave him.

Kahit nagkakanda-kuba na siya at napupuyat siya araw-araw para sa mga kliyente niya bilang isang VA ay hindi siya nagrereklamo para kumita ng malaki kahit pagod siya araw-araw. Nagtatrabaho si Mama para mabigay sa amin ang lahat, at nagtatrabaho rin siya para mabigay ang lahat sa akin pati kay Mama.

He's the one who got an early wake-up call that he has to work and help Mama even though no one told him that, and that's what he did, and now he can't stop working. He was already addicted to earning money to give us everything we need.

I wish to help him but knowing him, he will never make me work while I'm still studying.

The week passed, and today is the start of the organizational festival in our school, and every college has a booth in front of the admin building.

Marami silang pagkain na binebenta at mga games na may prizes.

After our class, we went on a food trip. Kaming apat at sumabay na sa amin sila Waldo kasama ang Kayin na 'yon at ang iba pang kaibigan nila.

I kept looking at that guy, and he has some resemblance to his father, but it seems like he got his mother's genes more. Hindi gaano ka-strong ang resemblance niya kay William Austria, pero si Waldo ang pinaka nakakuha ng genes ni William. Para silang pinagbiyak na bunga, at ako ay parang babaeng bersyon lang.

Winds of Celestial (Heron Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن