14

4.1K 78 5
                                    


"Ano ghinost kana?" tanong ni Brielle at tumango ako para matigil siya sa pagtanong niya.

"Dapat ikaw unang nang-ghost, hina mo." sabi niya.

I just sighed, knowing she would not stop asking me questions.

Viktor and I haven't talked for 5 days now, and I also stopped going to Celestial since I became busy and I always want to sleep.

Alam ko na pumupunta rin siya sa Celestial, pero wala akong dahilan para puntahan siya dahil nauunahan ako ng katamaran, at hindi naman siya nagtetext, so I doubt that he wants to see me. I'm not sure; perhaps he wants his peace back, which is why he isn't contacting me.

Nakauwi kami sa bahay at may nakapark na kotse sa harap ng bahay namin pero hindi namin alam kung sino at hindi na rin namin pinansin at baka napadaan lang.

"Gara nung sasakyan, baka ako pakay niyan. Katukin ko ba? Eme." pagbibiro ni Brielle pero umiling ako.

"Baka napadaan lang," sagot ko sa kanya.

Tumango siya at sumang ayon sa sinabi ko.

Tumingin kami sa kaldero at walang ulam dahil hindi ata nakapagluto si Mama bago umalis kaya nagdesisyon kami ni Brielle na bumili ng pagkain pero dumating na si Waldo at may dalang pagkain kaya masaya kaming dalawa ni Brielle dahil hindi kami gagastos.

"Sino yung nasa labas?" tanong ni Waldo at napansin din ang sasakyan na kanina pa nakapark sa labas.

Nagkibit-balikat kami ni Brielle dahil maging kami ay hindi naman alam kung sino 'yon. Iniisip namin na baka naki-park lang pero bukas ang engine ng kotse kaya panigurado ay may tao sa loob at hindi namin alam kung sino pero baka nga naki-park lang.

Kumain kaming tatlo at nakipag-chikahan si Brielle kay Kuya tungkol na naman sa kung may nobya na ba siya, at sinagot ni Waldo na wala at hindi ako nagulat dahil mukhang nagsinungaling siya sa amin ni Mama or mayroon naman at nagsisinungaling siya sa amin ngayon at sinasabi niyang wala pero meron talaga.

"Ipakilala nyo po sa amin, Father Waldo. Gagawin naming bestie." nakangiting sabi ni Brielle at umiling lang si Waldo.

"Bakit lagi kayong interesado kung sino ang magiging nobya ko? Problemahin niyo yung inyo." reklamo ni Waldo at natawa na lamang ako.

"Magulat ka, anak na yung hinihingin namin sayo, buti nga nobya lang." napairap si Brielle at muling napailing si Waldo.

Habang kumakain at may kumatok sa bahay namin at si Brielle ang nagbukas non.

"Wala po kaming yel--uh hello po, bakit po?"

May gulat na bumalatay sa boses ni Brielle kaya pumunta na ako sa pinto at tinignan kung sino ang kumatok na 'yon at maski ako ay nagulat kung sino 'yon.

"Gago, bibili ba ng yelo?" bulong sa akin ni Brielle.

"Sino ba 'yan?" tanong ni Waldo.

Pumasok na si Brielle habang ako ay nanatiling nakatingin sa lalaking kaharap ko. Hindi ko alam kung bakit siya nandito pero hindi na dapat ako magulat kung nandito siya dahil inaasahan na namin ito.

"Ano pong maipaglilingkod namin sa 'yo?"

I tried to be as polite as possible because I'm facing a respected man in the business world but not in the field of being a father, or maybe he is a good father to his children but not to us.

"Peliah, pasok."

Narinig ko ang boses ni Kuya at sumunod agad ako. Lumabas si Waldo at sinara ang pinto. Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil ngayon ko lamang siya nakita sa tanang ng buhay ko kahit kilala ko na siya bilang isang magaling na negosyante pero hindi bilang isang ama ko.

Winds of Celestial (Heron Series #1)Where stories live. Discover now