06

3.5K 87 5
                                    

Sabay kaming umalis ni Brielle sa bahay at nag-commute papunta sa Market-market dahil sa event ni Nina. Nag-commute lang kami at lapot na agad kami dahil sa sobrang init kaya nang makarating kami sa Market-market ay nagpahinga kami para matanggal yung init sa katawan namin.

"Chat mo sila Asuka." sabi ko kay Brielle.

Chinat niya si Asuka at nasa loob na raw sila ng Activity Center.

Pumunta na kami ni Brielle sa Activity Center at sinundo kami ni Asuka. She gave us the pass of the event which led us inside. Napangiti ako dahil minsan lang kami makapunta sa ganitong event, and this is special because Nina will be the emcee of the event.

"Kumain kayo?" tanong ni Asuka.

"Kanina, almusal lang." sagot ko sa kanya at tumango siya.

"Libre ko na. McDonalds." sabi niya at napangiti kami ni Brielle.

We went outside the activity center to go to McDonald's. Mahaba ang pila at wala kaming choice kung hindi ang pumila. Brielle kept complaining, and I just wanted to hit her. Walang magagawa ang pagrereklamo niya dahil marami ang tao ngayon dahil sa event.

"Hay salamat."

Nakangiting umupo siya sa upuan at saka nilantakan ang pagkain na binili namin. She made a lil dance because of happiness. Napangiti na lang ako. She does have multiple personalities, depending on the situation. Ang sarap niyang saktan minsan.

"Ay mukhang gwapo oh."

Brielle pointed to the man in the line at the counter. The man was wearing a cap and mask with black clothing, also a black shades. From head to toe, it's all black.

"Pero pag tanggal nung mask, di pala gwapo. It's a prank." sabi ni Asuka at tumawa.

"Gwapo 'yan, amoy mabango eh, amoy baby, hala tumingin." umiwas si Brielle ng tingin doon sa lalaki dahil tumingin ito sa direction namin. Natawa na ako dahil ang lakas-lakas ng boses ni Brielle, malamang ay narinig siya.

Hindi na rin tumingin yung lalaki dahil turn niya na mag-order.

"Tanungin mo kaya yung number niya." inis na sabi ni Asuka sa kanya at umiling siya.

"Hindi nagfi-first move ang dalagang pilipina." sabi niya at nanatili ang tingin niya sa lalaki. Pero umiwas na rin siya agad ng tingin.

The man had to wait for his order until he claimed it. Umalis rin agad 'to pero muling napatingin sa direction namin at si Brielle ay medyo nagulat na pero di na rin pinansin nang makaalis na 'to.

"Sayang, ang gwapo pa naman. Anyway.." kung ano-ano na ang kinuwento niya, forgetting that man's existence.

We finished eating and we went back in the activity center. May mga activities doon kaya tinry namin lahat. There were also games, and we had hella fun with all those. May photo booth din at nag-picture din kami doon, sayang lang dahil wala si Nina at nasa likod. She's busy because of the event, and there are a lot of preparations to make for the event later.

Pumatak ang 4pm at naghintay na lang kami. 5pm is the start and a lot of people are waiting for Basil Valmorida. He's the main show of the event.

I suddenly thought about Adam. Pupunta kaya siya sa Celestial? Weekends ngayon kaya hindi ako sigurado kung may gagawin siya ngayon at kung pupunta siya doon.

Should I check?

May one hour pa ako at malapit lang ang Celestial sa Market-market. Kaya na ng 10 minutes walk or less.

"Wait lang, may pupuntahan ako. Babalik din agad ako." I told the girls.

They didn't ask any questions and let me leave them for a while.

Winds of Celestial (Heron Series #1)Where stories live. Discover now