" Eh, hyung ako muna, pagnasawa ako—kahit alam kong napakaimposible na pagsawaan ang batang to—ibibigay ko na sayo. Magsasama kayo ng isang oras. Okay ba hyung? " tanong ni Taehyung habang naka-smile. Feeling gwafu. Hays, mas gwafu naman si Seokjin diyan no. Prinsesa yata ako.

" Hindi okay ang isang oras. Madaya! Junggie! Saakin ka tatabi mamayang gabi! Wag ka sa alien na 'yan! Baka sunduin ka ng UFO pag kasama mo yan, edi mawawala si Baby Junggie. " sabi ko sabay pout, tawa lang si Junggie eh. Ang cute takte, pamatay yung tawa ni Heejung. Tsk, my god. Wag sanang kuhain si Heejung samin, kahit isang taon lang siya saamin okay na—Or more.

" Hahaha! Daddy Jin! Sige, tayo tabi mamaya. " sabi ni Junggie, yes! MWAHAHA.

" Really? Yes! Mas mahal kasi ako ni Heejung eh! "

" Pakelam ko ba, hyung. " sambit ni Yoongilagid. Tinignan ko lang siya with my deadly princess eyes.

" Pakelam ko sa gilagid mo, di ka naman kausap sabat ng sabat yang gilagid mo. Tss. " sabi ko, hahahahahahard. Don't care. Eh, masyadong epsi. Hmph.

" Oy, Yoongi, nagtatampo na si Jin-my labs ko eh. " Ew whut. Bakla niya talaga. Sobrang gwapo ko na ba talaga, pati si Namjoon nagkakagusto na. I'm so fab.

" Pwe, NamJin, ehem. " sabi ni Hoseok. Langya 'tong kabayong 'to ah. Aba, maka-'pwe' naman.

" Pwe ka rin. " sabi ko, sinitsit naman ako ni Jungkook, tinignan ko lang siya, " Hyung, wag kang magpakita ng ganyan sa bata. Baka magaya ka ni Heejung. " sabi ni Jungkook with a nangaasar-tone.

" Tss. K fine. Heejung! "

" Yes appa? "

" Sino mahal mo saaming pito? " tanong ko sakanya, nagisip muna siya saglit, lahat naman kami tinuturo yung sarili namin.

" Ummm... "

" Heejung ako! Si Jimin-appa! " -Jimin

" Wag 'yan!  Bakla yan! Ako na lang! Si Daddy Suga! "  -Suga

" Heejung, no, they have no jams! Ako! Si Daddy Namjoonie! May swag pa ako! " -Namjoon

" Wala kaming pake sa so-called swag mo,  ako na lang, Jujung! Mas higit pa ang swag ko sakanilang lahat! " -Hoseok

" Ahn Heejung! Si Daddy Jin! Parehas tayong prinsesa kaya, pick me! " -Jin

" Ako ako ako ako ako ako ako. Mga badjao silang lahat. Kay Daddy V ka na lang. ANg cute cute mo tak—ehem. Ako ako ako ako ako! " -V

" Hi Heejung. " -Jungkook

Ang lakas talaga ng tama ng mga babae, pati bata naano eh. Edi siya na! Simpleng 'hi' lang napili agad! Aba, wag biased! Please. Tch.

" Si Daddy Kookie! " sigaw ni Heejung, biglang nalungkot naman mga itsura namin. Mga nagdadabog na eh. Si Jimin nagmukmok sa upuan niya, si Hoseok kumain ng damo, si Namjoon nagb-badjao dance, si Taehyung kinuha na ng UFO, si Suga nakaupo sa gilid at nakatingin sa labas ng bintana at parang kala mo nabaliw na. Tas ako, tinititigan lang si Jungkook ng masama.

" Hyung, makatingin ka naman wagas, matutunaw na ako eh. " sabi ni Jungkook. Bwisit.

" Heh, manahimik ka na lang muna diyan Kookie. Nagseselos na talaga ako, Junggie! " sabi ko sakanila at nagtakip ng unan, maya-maya nakaramdam ako ng para bang bumigat yung tuhod ko. Tinanggal ko yung unan at nakita ko si Junggie na para bang tuta na nagmamakaawa. Please no. Sasabog na heart ko sa paga-aegyo mo.

Bangtan DaddiesWhere stories live. Discover now