Chapter 36

2.6K 79 1
                                    

David's POV

Lahat ng mga kalaban ay nagsimula ng umatras samin. We have no idea why they're behaving so strangely.

BAAAMMMMMMMMMMM!!

BOOOOOOOOOOMMMMMMMM!!!

BOOOOGGGGSSSSHHHHHH!!

Nanlaki ang mga mata namin nang may sumabog sa loob ng academy. Tuluyan nasira ang kalahati ng building at hindi lang yan, napapaligiran ng apoy sa itaas ng akademya. Just what the fvck is going on in there?! 

"Headmistress, I will go inside!" Hindi na ako naghintay ng sagot galing sa kanya at tumakbo sa loob.

"TEKA DAVID DELIKADO!" I continued going without looking back. I'm sure something is going on. Malapit na ako doon sa building na sumabog at nang dumating ako doon ay napansin kong sirang sira na ang ibang classrooms. Nangingitim ang mga pader dahil sa apoy. Hindi pa ako sigurado kung paanong nasunog ang parte na to sa akademya. I fixed my gaze on the shattered glasses. Pinulot ko ang isang basag na glass at binasa ang nakasulat.

Death will arrive and all will suffer...

Nabitawan ko agad glass at tuluyan itong nabasag sa sahig. "Shit, who the hell would write this thing?!" Bulong ko sa aking sarili. Dugo pa naman ang ginamit pang sulat, it's disgusting and creepy. Pinili ko itong balewalain at nagpatuloy sa pagtakbo. Ilang minutong pagtakbo ay may nakita akong dalawang tao sa di kalayuan. Alam kong si Ash ang lalake pero ang babae. Hindi ko kilala ang babae dahil hindi bago siya sa mga mata ko.

"Ash!" Tawag ko sa kanya at tumakbo papalapit sa kanila. Nang tinaas ang babaeang kanyang ulo  ay agad akong kinilabutan at huminto. Ang pula niyang mata at buhok, gintong marka sa katawan at umaapoy na kaliwang braso. She was looking at me, as if her gaze was slowly consuming me.

"W-Who are you?!" Hindi ko maiwasang mautal dahil hindi lang ang mata niya ang nakakakilabot kundi ang aura niya, hindi pa ako nararamdaman ng ganito kalakas pero pamilyar sakin ang aura niya. 

"David. Listen to me, dalhin mo si Ash sa ibaba. Let the healers heal him" Utos ng babae at binigay sakin si Ash na ngayo'y nawalan ng malay.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko? Sino ka ba?! Isa ka ba sa mga kalaban namin?!" Sunod na sunod kong tanong sa kanya pero iniwasan lang niya ako ng tingin. 

"Dalhin mo si Ash sa ibaba at sasabihin ko sayo kung sino ako." Utos niya pero hindi parin ako umalis.

"NOW!" Sigaw niya at yumanig saglit ang sahig kaya agad ko dinala si Ash sa ibaba at iniwan ang babae doon. Sino ba siya?! Nang makarating na ako sa ibaba ng akademya, dinala ko agad si Ash kay Headmistress. 

"Headmistress, natagpuan ko po si Ash!" Sigaw ko dahilan para tignan ako mga estudyante.

"Ipahiga mo siya dito." Utos niya kaya pinahiga ko si Ash sa lupa. Lumapit si Mrs. Clawford at lumuhod sa kanya. 

"Nasan mo siya natagpuan?" Tanong niya sakin. 

"Doon po malapit sa training room." Hinawakan niya ang noo ni Ash at umilaw ang kanyang kamay.

"Naubos lahat ng enerhiya niya kaya siya nakatulog dahil sa pagod." Sabi ni Mrs. Clawford. 

"Will he be okay?" Tanong ni Irene na puno ng pag alala. 

"Yes, he will be okay. Kailangan lang niyang ireplenish ang kanyang enerhiya." Nang sinabi ni Mrs. Clawford iyon ay lumuwag ang aming mga hininga.

"Teka nasan si Daniella?!" Tila ako ay bigla kinabahan. 

"Si Ash lang ang nakita ko doon tapos yung babae na may nakakatakot na mata at kapangyarihan." I don't know why pero nanginginig ako. It was as if I were up against someone more powerful than Headmistress.

Fire Heart: Her SecretWhere stories live. Discover now