Chapter 19

3K 98 2
                                    

Daniella's POV

Napamulat ako ng mata nang may pumindot sa aking pisngi. With a blurry vision, I can tell that it was Irene who woke mw up. Bumangon ako at napatalon nang nasa sofa ang apat na lalake, parang hinihintay ako. "Bakit kayo nandito!?" Ngumisi si Irene habang inaayos ang buhok ko. "Eh ano pa ba? Papasok na tayo." Sabi ni William. Napalingon ako sa wall clock at suminghap.

7:25am

"OHH SH*T!" Bulalas ko at kinuha ang aking towel at pumasok sa banyo. Rinig ko ang mga tawa nila sa labas kaya magmadali akong naligo. Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako sa banyo at tinignan ang sala. Wala na sila doon at baka nauna ng lumabas kaya tumakbo ako sa walk in closet para suotin ang aking uniporme.

Pagkatapos kong magbihis ay inayos ko ang aking buhok, I put it in a messy bun and let my tiny hairs fall in the face. Wala na akong oras para ayusin ang mukha ko at kinuha ang bag bago lumabas. Nakita ko silang nakasandal sa pader ng gilid ng pintuan ko. As soon as I smiled at them, nauna silang lumakad sakin. They really waited for me, this is a first. Papunta na kami sa classroom ko ngayon, first subject namin ay History kaya binilisan namin ang aming paglalakad.

Pagdating doon ay agad akong umupo sa aking upuan. I am glad we got in time, we almost got late because of me. Narinig kong bumukas ang pinto at niluwa si Sir Gulliver.

"Good morning class." Bati niya at tumayo kaming lahat para batiin siya. Sinenyasan niya kaming umupo kaya umupo kami ulit. Kumuha siya ng chalk sa desk at lumingon sa direskyon kung saan nakaupo si Ash. "So you came back, how's the mission Supreme team?" He ask as our eyes went to stare at him. The look of boredom is evident in his face.

"It's okay Sir." Tipid niyang sagot at tumango si Sir sa kanya. Tumalikod siya at may sinulat sa board.

Historia de Delphinado Reboclichè..

So by the title, alam kong tungkol ito sa isang mage, muli siyang bumaling sa amin at napamulsa.

"So for today's discussion, alam kong alam niyo na ang ibig sabihin sa nakasulat sa board. Tell me your opinions on how did the first mage discovered magic?" Tanong ni Sir at inilibot ang kanyang mata sa buong silid. Walang nagtaas ng kamay so it seems that no one, including myself, knows how the first mage learned magic. Tumawa ng mahina si Sir Gulliver.

"It seems na wala mag vovolunteer. Well, proceed nalang tayo." I sat up straight, intrigue about the topic. "Did you know that the first person to discover magic was really born in the mortal world?" Lahat kami ay nagulat, may iba na nalaglag na ang panga. Sino bang makakapaniwala na nabuhay pala sa mundo ng mga tao ang unang nakadiskubre ng mahika?

"Seryoso Sir?" Lumingon ako kay David, panga niya nalaglag na.A fly will invade his mouth at any moment now. "Yes Mr. Kasdan. He thought it was just his hallucinations at first, but as the days progressed, the magic seemed to pour out of his hands. He believed he was cursed, but this was not the case. He self-trained for about a year because he couldn't stop the fate that had been cast upon him. He vowed to make something big until the day he can mastered his power." He paused. Naghintay lang kami sa susunod na sasabihin ni Sir pero agad nagtaas ng kamay si Christian kaya pinatayo siya ni Sir.

"Ano naman po ang ibig sabihin ng he will make something big Sir?" Tanong niya. "Perfect question Christian. That is to create his own world. A world of people that can wield magic and use them freely. This, our world today is his masterpiece." Tuluyan ng nalaglag ang mga panga namin. How did he manage to build such a massive universe!? Such magic is on par with that of a God!

"Sir, if he created this world then that means his powers are--" Naputol ako nang biglang ngumiti si Sir sakin. "Yes Ms. San Jose, his powers are more outstanding that we can call him our God." Lumunok ako. Kung ganon, sino kaya siya at paano niya nagawang gumawa ng sarili niyang mundo?

Fire Heart: Her SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon