Chapter 20

3K 90 0
                                    

Irene's POV

"Listen to me bitch. Touch my friends and you'll face me. I may be powerless now but soon I will be everyone's nightmare." Nakaramdam ako ng kaba nang sinabi niya yon. What does she mean by that? 

"Daniella!" Tawag namin ni William pero hindi parin kami pinapansin ni Daniella.

"WHO.... ARE YOU!?" Sigaw niya kay Daniella. Francine is shaking in fear while staring at Daniella directly in her eyes.  

"Me? Well sweetie. I'm the kind of person who can wreck havoc to this world in a matter of seconds." I can feel her smirk even if I can't see her. Binitiwan niya si Francine. Napaupo siya at umubo habang ang mga estudyante ay hindi parin makapaniwala sa nangyari. "Let's go." sabi ni Daniella at naunang umalis. Napalingon nalang ako kay William. Tumango siya sakin at sinundan si Daniella kung saan man yon nagpunta.

Since wala kaming subject ngayon, we will spend our time on finding the missing Daniella. How the hell did she left the scene so fast? Tumakbo kami sa dorm niya incase nandoon siya pero wala, tumakbo kami ulit doon sa open field pero wala pa rin siya. Nilibot namin lahat ng lugar na pwedeng tambayan ng mga estudyante pero wala talaga siya. "San.. na nagpunta...yun?" Hingal na hingal na kami ni William sa paglilibot.

"Ewan ko ba." Sumandal muna kami sa puno. Nakita kong naglalakad si David papunta sa direksyon namin na napamulsa. I quickly ran to him and shook his body aggressively. "HOY TEKA TIGILAN... MO AKO IRENE.... NAHIHILO AKO!!" Binitawan ko siya. I don't know why I did that.

"Sorry." Napahawak siya sa kanyang ulo bago napatingin sakin. "ANO BANG TRIP AT----" Pinutol ko siya at sinampal sa mukha. 

"ARAYYY ANO BA?! ANONG PROBLEMA MO!?" Sigaw niya sakin. Huminga ako ng malalim bago magsalita. 

"Nawawala kasi si Daniella." Sagot ko sa kanya kaya napakrus siya sa kanyang braso. "Anong pakialam ko kong nawawala si Daniel.... WAIT WHATTTTT?!" Tinakpan ko ang aking tenga. God. his screech is so annoying.

"Yes, kanina kasi ay hinamon ni Francine si Irene ng away pero humarang si Daniella. Nainis ata si Daniella at sinakal si Francine tapos ayon, nawala nalang na parang bula." Kwento ni William na nasa gilid ko na. Tumawa ng mahina si David, I don't know why that made him laugh. 

"S-Sinakal niya si Francine? She's badass enough to do that." He snorts at sa gilid ng mata ko, nakita ko si William na tumango tango, agreeing with David. "Hindi pa talaga titigil ang babaeng yan." Dagdag niya pero halatang halata na nagpipigil tawa siya pero hindi ito ang problema, kailangan namin hanapin si Daniella. "David may alam ka bang lugar na tambayan ng mga estudyante dito?" Tanong ko kaya napaisip siya ng ilang segundo.

"Sa north east?" Sinamaan ko siya ng tingin nang sinabi niya yon. 

"What? Posible naman ah."  

"Are you dumb o nakalimutan mong bawal mga estudyante doon?" Taas kilay ni William. Napakamot nalang si David sa kanyang ulo.

"Sabi ko nga bawal eh." Muli siyang napaisip. "Nilibot niyo na ba ang Academy?" Tanong niya ulit at sabay kaming tumango ni William. "Kanina pa kami naghahanap pero wala eh." Nanlumo ako, buset kasi yong bruha na yon akala mo kung sinong maganda eh mas maganda pa si Daniella sa kanya.

"Sa Harden, napuntahan niyo na ba?" Tanong niya at doon kami nanigas ni William. How did we not think of this? She could be there for sure. "For once, naging helpful ka din ano?" Hinila ko si David at tumakbo doon, sumunod naman si William sa likod. Pagdating namin doon ay may nakita kaming babaeng nakaupo sa bench. Alam na namin na si Daniella iyan dahil sa buhok niya. Sinenyasan ko silang tumahimik at pinagmasdan siya. Parang nagpapalamig lang siya sa kanyang ulo. Sa ibabaw ng puno, may napansin akong estudyante sa sanga. Nanlaki ang mata namin nang mapagtantong si Ash pala ang nasa itaas at nakatitig siya kay Daniella.

Fire Heart: Her SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon