Chapter 8

808 20 4
                                    

"El!" galit na tawag ni mama.

Lulugo lugo akong lumapit sa kanya. "Bakit ma?" matamlay kong tanong.

"Bakit hindi mo—" Natigilan siya habang nakatingin sa akin. Her expression softened. "Ayos ka lang ba anak?"

Nag pilit ako ng ngiti. "Okay lang po ako." Wala kasi akong tulog mula pa kagabi kaya siguro, naglalakihan na naman ang mga eye bags ko.

Pagkatapos ng insidente sa resto kahapon, dumiretso na ako ng uwi. Muntik na nga rin akong makatanggap ng sermon kagabi kay ate Chey. Pero nung nakita niya ako, she just gave me a tight hug. Ang bagay na talagang kailangan na kailangan ko. It's a good thing that she did not ask. Siguro, medyo nakaramdam na rin siya.

My mom sighed. "Kumain ka na. May pagkain na sa mesa."

I felt relieved nang wala siyang inituos na kailangang lumabas. Atleast, I don't have to deal with Erol kung sakaling nasa labas man siya.

"At oo nga pala, pakitapon naman ang basura sa likod," pahabol ni mama.

I grunted. Or not. Tsk.

Sumilip silip muna ako sa may pintuan ng bahay namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sumilip silip muna ako sa may pintuan ng bahay namin. No sign of him. The area is clear. Okay! Pwede akong lumabas. Grabe, para akong kriminal na nagtatago lang sa batas.

Binitbit ko ang dalawang bag ng basura at dali daling naglakad. Binilisan ko nang mapadaan ako sa bahay nila. Kahit ayoko, I felt a pinch in my heart. Naalala ko ang nangyari noong isang araw. Noong may hawak siyang bulaklak na akala ko, para sa akin.

'Hay Eloisa, tama na yan. Wag mo nang torturin ang sarili mo,' saway ko sa sarili ko. Maybe, I've wasted enough time loving him. Hindi na ito tama. I should get a hold of myself.

Mabilis naman akong nakapagtapon ng basura nang walang hassle. Mabuti na lang at hindi rin masyadong mainit.

Nang pabalik ako ng bahay, nakahinga ako nang maluwag nang hindi ko ulit siya nakita. Pero nang malapit na ako sa tapat ng bahay nila, bigla na lang siyang lumabas. Napahinto ako dahil sa gulat. Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso ko. Napatingin ako sa kanya at ganon din siya. He also looked surprised.

Siya ang unang nag iwas ng tingin. He hid his eyes in his bangs. Tapos, dali dali siyang naglakad at nilampasan ako. Our arms touched for a moment. At narinig ko ang mabilis niyang mga yabag.

I clenched my fist. 'Wag kang lilingon, Eloisa. Don't you dare look back,' paulit ulit kong sabi sa sarili ko.

Nang mawala na sa pandinig ko ang yabag niya, my shoulders dropped. Nararamdaman kong nag iinit ang sulok ng mga mata. Ayoko man, nasaktan ako sa inasal niya. I was expecting na babatiin niya ako o ngingitian man lang. Pero bakit ganon? Bakit nilampasan niya lang ako? Is he angry with me?

'No Eloisa! Stop this stupidity this instant! Wala ka nang pakialam sa kanya from now on,' bawal ko ulit sa sarili ko. Wala lang yan. Baka napansin niyang umiiwas ka kaya wala na rin siyang pakialam sa'yo.

Loving You From a DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon