Chapter 11 (Ending)

820 20 3
                                    

Nagtatatalon na pumasok sa bahay namin si ate Chey. "El! El! El!" excited na excited na sabi niya.

Nasira ang concentration ko sa panunuod at napatayo. "Ano?! Ano?!" Nahawa ako sa pagkataranta niya.

"Si Erol! Si Erol! Si Erol!"

Kailangan talagang ulit-ulit? Nang marealize ko ang sinabi niya, nanlaki ang mga mata ko at parang tumalon ang puso ko sa excitement. "BUMALIK NA?!" sigaw ko.

Tumigil siya sa katatalon at napakamot ng ulo. "Hindi! Nag-padala ng package. Baka nandun yung graduation present mo," nakangiting sabi niya.

Lugmok akong napaupo ulit sa sofa. "Ganun ba? Baka wala naman," nakasimangot na sabi ko. Akala ko pa naman, umuwi na siya. Ne-excite pa naman ako.

Tumabi siya sa akin. "Siyempre, meron! What's with the face? Hindi ka ba masaya?"

I sighed. "Kahit wala nang graduation present, ate. Basta umuwi lang siya. Doon ako magiging masaya."

Inakbayan ako ni ate Chey. "Ano ka ba? Wag ka ngang malungkot diyan. Nangako kang ngingiti ka palagi para kay Erol, diba?"

Nag init ang sulok ng mga mata ko. "Kasi ate, ang hirap naman kasing ngumiti kapag wala yung dahilan mo para ngumiti. Minsan nga nagdududa na ako kung balak niya ba talaga akong balikan eh."

Hinawakan ako sa kamay ni ate Chey. "Wala ka bang tiwala kay Erol?"

I bit my lip and blinked my eyes to stop myself from crying. "M-meron. Kaya lang, kasi..."

What am I tinking!? Hindi ito pwede. Pinahid ko ang luha ko. "Hay, pabayaan mo na nga. Hihintayin ko na lang ulit siya. Sorry ate. Kadramahan ko lang yon. Naniniwala akong babalik pa rin siya." Pinilit kong ngumiti. Kahit sa loob loob ko, masakit na talaga. Ayoko lang mag-alala sa akin si ate Chey. Isa pa, gusto ko pa ring magtiwala kay Erol. Hindi dapat ako ganito. Dapat hintayin ko pa rin siya.

Ngumiti nang maluwang si ate. "That's the spirit. Tara na sa bahay. Hinihintay ka na nina tita bago buksan yung package," sabi ni ate sabay hila sa kamay ko.

Pagdating namin sa bahay nila, nadatnan kong naroon na silang lahat. Pati yung box. Mukhang ako na lang talaga ang hinihintay. "Oh hija! Nandiyan ka na pala. Upo ka." Bumeso muna ako sa mama ni Erol bago umupo.

Isang malaking box ang naroon. Ayon sa label, galing nga itong Singapore. Binuksan nila ito at isa-isang inilabas ang laman.

Meron para sa mama niyang mga bag at damit. Para naman sa papa niya, sapatos at bag pang-opisina rin. Kay Era naman, mga laruan, chocolates at konting damit. Si ate Chey naman, bag din tapos gamit sa baby. Meron ding mga damit at pabango para naman sa family ko. Marami ring kung anu-anong gamit pa. Naubos ang laman ng kahon pero ni isa, walang para sa akin. Walang graduation present or sulat man lang.

Lalo lang nadagdagan ang lungkot ko. So, hindi niya rin pala ako naalala. Kaya pala walang kahit anong sabi sabi sa kanya, dahil wala lang talaga siyang pakialam sa akin?

Napatingin lang silang lahat sa akin—pity are in their faces.

Pinilit kong ngumiti. "Bakit po?"

"Ang alam ko, may ilang bagay pa roon na hindi napadala rito eh. Baka isasama doon yung para sa'yo. Hintayin mo lang hija," sabi ng papa ni Erol.

"Oo nga. Baka may pahabol pang package para sa'yo El, hintayin lang natin," sabi ni ate Chey.

Ngumiti pa rin ako kahit nananakit na ang lalamunan ko. "Okay lang po. Tsaka, palagi naman po akong naghihintay sa kanya eh. Kaya kahit hindi niyo na sabihin." Tumayo ako. "Tita, pwede po ba ulit akong pumunta sa kwarto ni Erol?"

Loving You From a DistanceWhere stories live. Discover now