Loving You From a Distance

1.7K 35 1
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are the product of the author's imagination. Any resemblance to actual person, living or dead, events and others are  coincidental.

Copying of the story without the permission of the author is illegal. Plagiarism is a crime.

Copyright © 2012 by BlingGirl

 All rights reserved. No part of this story may be used or reproduced in any manner whatsoever without the author's permission.


Posible ba?

Posible bang mag-mahal ng taong madalang mo lang makita? Kung makikita mo man, sandali lang tapos mula pa sa malayo? Kung makikita mo naman sa malapitan, puro kapalpakan pa ang magagawa mo. Ng taong ni hindi mo nga alam kung may pake ba sa'yo? Ng taong hindi ka napapansin?

Ang sabi nila, para masabing mahal mo na ang isang tao, kailangan ng closure. Eh paano ako? Yung sa amin? Ang tanong, meron nga bang amin?

Bago nga pala ang lahat, magpapakilala muna ako. Ako si Eloisa. Short for Eloisa Marice Veronica Cassiopeia Lilybeth Villavicencio. Pwede na ring El para mas maigsi. Ewan ko ba naman kasi sa mga magulang ko kung bakit nila ako binigyan ng ganyan kahabang pangalan. May galit yata sa akin eh. Ang sabi nila, hindi raw sila makapili sa limang yan, kaya pinagsama-sama na lang nila. Parusa nga sa akin yan eh. Lalo na kapag may exam at kailngan i-shade ang bawat letter ng pangalan.

Bago pa ako tuluyang sumeg-way at mapalayo, itutuloy ko na ang nasimulan ko na.

There's this guy. I silently watch him from afar. I'm in like or in love na nga yata with him. This is the first time I felt this way. But I'm definitely sure with what I feel. Unang beses na kumerengkeng, ika nga. For how long? Matagal na ba ang three years? I love him since I was in 3rd year high school. His name is Erol. John Erol De Vega. Ahead siya sa akin ng two years. Though, one year lang ang tanda niya sa akin. We were in the same high school. Noong 2nd year ako, 4th year naman siya. Maaga siguro siyang nag-aral. I didn't notice him back then. Kapag nakakasalubong ko siya, parang wala lang. Pareho kaming may sariling mundo. Although, aware naman ako na school mate kami, hindi ko lang talaga siya trip noon dahil naka-baling sa iba ang aking atensiyon. Until one day, we moved in to a subdivision. Parehong nasa Phase IV ang bahay namin at halos magkalapit lang.

Una ko siyang napansin noong may event sa subdivision namin, where in, tinitipon lahat ng mga kabataan sa amin at may kaunting salo-salo para magkakila-kilala kami. He was sitting alone under a tree, eating. Ako naman, humahanap ng pwedeng pwestuhan para maka-kain na rin. Okupado na kasi ang lahat ng upuan. Nang mapatingin ako sa kanya, he smiled at me. And then, he nodded his head na para bang niyayaya niya akong samahan ko siya roon sa pwesto niya. Since wala naman akong choice, tumabi na lang ako sa kanya. Ang nakakatawa lang, we ate silently. Walang umimik sa aming pareho. Pero kahit na ganon, sa hindi malamang dahilan, masaya ako. I felt completely happy. Iyon ang unang beses na nakaramdam ako ng ganon. Isang bagay na hanggang ngayon, hindi ko pa rin naja justify sa sarili ko.

Ang totoo niyan, I felt something weird inside my chest when he smiled at me. Parang tuwa at the same time kaba na parang ewan. Iyon ang unang beses na naramdaman ko 'yon. Ay! Basta! Ang gulo eh. Pati ako hirap na hirap mangalkal ng dahilan sa utak ko.

Doon na nagsimula ang 'baliw' at medyo 'weird' kong pag ibig. Nagising na lang ako ng isang umaga na dumudungaw sa bintana ng kwarto ko dahil gusto ko siyang makita. Naging araw-araw na routine ko na yon mula 'non—ang sumilip sa bintana ng kwarto ko para magbaka-sakali na masulyapan siya kahit sandali lang.

Ang kaso, sa ibang lugar siya nag-aaral ngayon eh. Umuuwi lang siya rito sa province namin tuwing weekends o minsan hindi pa. At madalas, hindi pa siya lumalabas ng bahay nila. Kaya nga once kada three months or higit pa ko lang siya nakikita. This year, bandang magde-Decamber na, three times ko pa lang siya nakita. Malayuan pa. Tapos ang malas pa, nakatalikod siya. Hindi ko tuloy nakita ang gwapo niyang mukha. Oo, gwapo siya. Boyish na boyish ang dating. Maputi pa sa akin. Ang kinis pa ng balat. At ngayon nga, gusto na namang sumabog ng pantog ko sa kilig. Swear! Kahit si mama, nagugwapuhan sa kanya.

Tama. Ang sagot sa tanong ko sa itaas? Wala. Walang amin. It's all one sided. It's always just me, sadly. I am too shy to admit. I am too shy to tell him or even just talk to him.

All I can do right now is to look at him from afar—to love him from a distance.

Loving You From a DistanceWhere stories live. Discover now