Chapter 4

836 17 0
                                    

"El! Ihatid mo raw itong sapatos ng kuya mo sa hotel," bungad ni mama pagpasok niya sa kwarto ko.

Napabangon ako bigla. "Eh?! Ang aga naman mama. Kagigising ko lang oh. Bakit hindi na lang siya ang magdala? Pupunta rin naman sila roon," sabi ko habang ginugusot ang mata ko.

Mahigit tatlong linggo na ang nakakalipas pagkatapos ng outing namin. Dalawang araw na lang, kasal na nina kuya Sy at ate Chey. Oo, sa Linggo na. Hay~ ang bilis ba ng oras? Well, hindi para sa akin. Napakatagal ng tatlong linggo na 'yon. Kasi mahigit tatlong linggo ko na rin siyang hindi nakikita. Pagkatapos noong outing na 'yon, hindi ko na ulit siya nakita. Kasi nga, sa Manila siya nag aaral. Kaya heto ako, sa pantasya na naman nabubuhay. Sinasabi ko na nga ba eh. Siguradong matagal na naman bago ko ulit siya makita. Expected ko na 'yon. Hindi ko lang talaga maiwasang dungawin at hintayin siya.

"Bigla siyang niyaya ni Chey na umalis eh. Dadalawin yata nila yung puntod ng mama ni Chey. Wag ka nang magreklamo! Inuutusan eh. Sumbong kita sa daddy mo."

Napakamot ako ng ulo. "Sige na po, sige na po. Dadalhin na po."

"Bilisan mo at kailangan ng mga photographer iyan doon."

Napaawang ako ng labi. "Bakit? Sila ba magsusuot?"

Muntik na akong mabatukan dahil doon. "Tange! Pipicturan nila kasama nung tux ng kuya mo."

Tss. Ang dami pa kasing kaartehan. Bakit naman pati sapatos kailangan pa nilang picturan? Hindi ba pwedeng kapag isinuot na lang ni kuya para kasama naman siya sa picture? Tsk! Pati picture ng sapatos babayaran pa. Nako, life nga naman.

"Ihahatid ba ako ni daddy?" tanong ko.

"Maagang umalis ang daddy mo eh. May appointment daw. Mag-commute ka na lang. Malapit lang naman eh."

I sighed defeatedly. Ano pa ba ang magagawa ko?

Nag-abang akong jeep sa harap ng subdivision

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nag-abang akong jeep sa harap ng subdivision. Mabuti na lang at kapag ganito kaaga, hindi na kailangang magdalawang sakay papunta roon. May diretso na kasing masasakyan.

"Good morning Eloise!"

Gulat akong napalingon. Pamliyar ang boses!

At nang makita ko siya, awtomatikong nag init ang mukha ko. "G-good m-morning E-erol." Shemay! Shemay! Shemay! Si Erol my loves! Nandito na! Binati ako ng good morning. Huhuhu! I missed him.

Tumayo siya sa tabi ko. "Saan ang punta mo?" tanong niya sa akin.

Yumuko ako nang kaunti para itago sa buhok ko yung mukha ko. Siguradong namumula na naman ang mukha ko. "Dadalhin ko lang 'tong sapatos ni kuya sa hotel. Kailangan daw para sa photoshoot eh." Inangat ko nang kaunti yung paper bag na may sapatos ni kuya para iapakita sa kanya.

"Wow! What a coincidence. Dadalhin ko rin 'tong sapatos ni ate Chey sa hotel eh. Kailangan din daw sa photoshoot ng gown niya."

Gulat akong tumingin sa kanya. "H-ha!?" Teka? Tama ba ang narinig ko!? Pareho kami ng pupuntahan!? Ng ganito kaaga!?

Loving You From a DistanceWhere stories live. Discover now