Chapter 10

457 11 0
                                    

A/N: Basahin ulit mula umpisa. Edited na itong story. :)


3 years later...

" Villavicencio , Eloisa Marice Veronica Cassiopeia Lilybeth S.!" That's my cue. Taas noo akong umakyat ng stage para kunin ang isang papel na patunay na tapos na ang isang yugto ng buhay ko—my diploma.

Naghiyawan ang mga tao sa loob ng gym. Sari sari ang reaksyon ng mga tao. Yung mga kaklase ko, nagstanding ovation pa. Yung iba, natawa at na amaze dahil na rin siguro sa haba ng pangalan ko. Halos mawalan ng hininga si ma'am habang in-aannounce eh. Sina mama at daddy naman, tumayo at pinalakpakan ako. I mouthed them both "I love you" sabay kaway ng diploma ko. Si kuya Sy, nag thumbs up sa akin. Si ate Chey naman kumaway nang bonggang bongga habang kalong si baby Chester—ang cute na cute kong pamangkin.

They all looked happy and proud. Well, I am proud of myself. After a long journey, I'm finally here. Napakaraming nangyari pero napagtagumayan ko 'yong lahat. I can't believe it. It's all thanks to God. Kyaaah! Exam na lang, Engineer na ako! Hindi nga ako makapaniwala na naipasa ko ang course na 'to eh. Akala ko napakahopeless na eh. Pero after 5 years, success! Sa wakas!

Pagkatapos ng graduation ceremony, picture taking muna sa loob at labas ng venue syempre!

Sinalubong ako ng yakap ni ate Chey. "Congrats sis! I'm so proud of you."

I hugged her back. "Thank you ate."

Si kuya Sy naman ang yumakap sa akin pagkatapos ni ate. "Grats, bunso."

"Salamat panget! Malapit na rin akong maging Engineer!" tumatawang sabi ko.

Tumawa rin si kuya. "Pssh. So full of yourself already? Kagagraduate mo pa lang eh. May exam pa. Babagsak ka na don."

Hinampas ko siya sa balikat. "Ang sama mo kuya!"

"Joke lang syempre. Mana ka sa akin, siguradong papasa ka," nakangiting sabi nyia sabay thumbs up.

Natawa ako. Ang yabang talaga ng kuya ko. Pero totoo naman. Matalino si kuya. Mana siya kay daddy sa galing sa Math at kay mama naman sa English. Ewan ko nga kung bakit medyo nalihis ako nang kaunti. Baka nga pulot ako sa tae ng kalabaw katulad ng lagi nilang sinasabi.

"Ta Loi! Ko namman!" tumatakbong sabi ng isang cute na cute na bata.

Kinarga ko si Chester—anak ni kuya Sy at ate Chey. Dalawang taon at mahigit pa lang siya kaya medyo bulol pa. "Hi Chester! Kiss ni tita?" nakangiting sabi ko sa kanya. Hinalikan niya ako sa pisngi. Pagkatapos, ibinaba ko na rin siya.

"Congrats baby." Si daddy naman ang yumakap sa akin.

"Daddy, dalaga na'ko. Graduate na nga diba?"

"I know. I just missed the old times. Alam ko namang dalaga ka na anak."

"So, pwede na akong mag-boyfriend?" pabiro kong tanong.

Nagsalubong ang kilay ni daddy. "What!? Kaka-graduate mo pa lang, boyfriend kaagad?!"

I laughed nervously. "Joke lang daddy. Di na mabiro oh. Dont worry dad, hindi pa ako mag-boboyfriend. I'm waiting for someone." Hay~ kahit kailan talaga, si daddy, baby pa rin ang turing sa akin. Yan tuloy, NBSB pa rin ako hanggang ngayon—bente-unong NBSB. Pero hindi iyon dahil sa ayaw ko pa. I'm still waiting for a certain guy until now.

"Yeah, I know. I know you know what you are doing, anak, and I'm not against it. Just make sure na hindi ka masasaktan at iiyak. Ibang usapan na 'yon," my dad warned. "At isa pa, dapat manligaw muna siya sa bahay. Kapag ipinakilala mo siya sa akin na boyfriend mo na hindi man lang nanligaw sa bahay, babangasan ko sa harapan mo mismo si Erol. Tandaan mo yan."

Loving You From a DistanceWhere stories live. Discover now