Chapter 9

934 27 1
                                    

Humikab ako at nag inat pagkabangon ko. Ang sarap talaga gumising kapag bakasyon! Wala nang iintindihin! Kaya heto, 10:30 na ako nagising. Sobrang late na.

Naipasa ko na yung floor plan ko kahapon! Sa wakas! Ang saya nga eh. Ang taas ng nakuha ko kahit minadali yung ibang part. At ngayon, bakasyon na talaga! 3rd year na ako next school year! Yehey! 2 years na lang! Engineer na ako! Iyon ay kung papasa ako sa board exam.

Hmmm. Ano kayang magandang gawin ngayong bakasyon? Matulog? Kumain? Manuod? Humiga? Gawain ng mga tamad na katulad ko!

Biglang pumasok sa kwato ko si ate Chey. "El!" She looks bothered. Parang may matinding problema.

"Oh ate? Anyare sa'yo?" tanong ko.

Lumapit siya sa akin. "Aalis si Erol!"

Napabuntong hininga ako. Hayan na naman po kami. Ayaw talagang sumuko ni ate Chey. "Ate, bakit mo po ba sinasabi sa'kin yan? Malamang aalis alis yon. Bakasyon eh. Ang sarap kayang magliwaliw kapag bakasyon. Wag mong sabihin na papasamahan mo pa siya sa akin?" straight face na tanong ko.

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Hindi yon El! Aalis na siya! As in aalis na dito sa Pilipinas! Hindi ko alam kung babalik pa siya."

My eyes widen. Parang nalulon ko ang dila ko sa sinabi ni ate Chey. Si Erol, aalis?!

Ate Chey snapped in front of me. "El! Magsalita ka naman!"

"S-saan siya pupunta?" tanong ko nang medyo naka-recover na ako.

"Sa Singapore. Naroon yung tito naming Engineer. May construction company siya roon. Balak na talaga siya kuhanin dati pa, pero laging nagkakaproblema. Naayos lang ngayon kaya umalis na siya. Biglaan nga eh. Kaya ka niya gustong kausapin dahil dito."

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. I can feel my flesh trembling. "H-hindi pa siya gumagraduate, diba?" nanginginig na tanong ko. Nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko. Ang sakit na ng lalamunan ko.

"Doon na niya itutuloy. May magandang opportunity na naghihintay sa kanya roon."

A realization struck me sa sinabing 'yon ni ate Chey.

Bakit kakailanganin niya pa si daddy kung meron naman siyang tito sa ibang bansa na mas bigatin pa kesa kay daddy?

Tama. Meron nang opportunity na naghihintay sa kanya. May future na siya. Hindi niya ako ginamit. Hindi pagpapanggap ang lahat ng ipinakita niya sa akin. Those smiles, that kindness, that thoughtfulness, everything—lahat nang yon, totoo.

Dali-dali akong bumangon at tumakbo palabas ng bahay.

"El!" Narinig kong sigaw ni ate Chey.

No. Hindi pwede. Hindi siya pwedeng umalis. Sino na lang dudungawin ko tuwing weekends? Sino na lang ang makakakita sa mga kapalpakan ko? Sino na lang ang papanaginipin ko tuwing gabi? Sino na lang ang hihintayin ko? Sino na lang ang mamahalin ko?

Umiiyak ako habang tumatakbo papunta sa bahay nila. Wala akong pakialam kahit magmukha akong Sisa na naghahanap sa mga anak niya.

Kumatok ako nang malakas sa pinto nila. Si Era ang nagbukas 'non. "Ate El? Bakit po kayo umiiyak?"

I kneeled para pantay kami ng taas. "Era! Nasaan ang kuya mo?" tanong ko.

"Kaalis lang po. Hinatid na po nina mama," inosenteng sagot niya.

Nanlulumo akong napabitaw sa at napaupo sa lapag. Hindi. I'm too late. Umalis na siya. Tuluyan na akong napahagulgol ng iyak.

Erol. Bakit hindi mo ako hinintay? Ang sabi ko, ikaw naman ang maghintay eh. Bakit? Bakit umalis ka kaagad?

Loving You From a DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon