Chapter 1

1.4K 24 2
                                    

For the nth time this day, bumuntong hininga ako habang nakadungaw sa bintana ng kwarto ko. Siguro, kung kada buntong hininga, nababawasan ang oxygen ko sa katawan at hindi napapalitan ng inilalabas ng mga puno, patay na siguro ako ngayon.

Nag inhale ulit ako at bago pa man ako maka exhale, may kung kaninong palad ang dumapo sa likod ng ulo ko. "Aray!" Napatalon ako sa kinauupuan ko at gulat na napatingin kay mama. "Mama! Bakit mo ako binatukan!?" nakasimangot na tanong ko sa kanya habang hinimimas ang likod ng ulo ko. Pakiramdam ko, lumabas ang eye balls ko sa eye socket dahil sa lakas 'non. Hinampas hampas ko ang noo ko. Baka kasi ma-bobo ako dahil sa pagkakaalog ng utak ko.

"Kanina pa kita inuutusan, parang wala kang narinig! Kanina ka pa naka-dungaw diyan sa bintana!" nakapameywang na sabi ni mama.

Wala naman kasi talaga akong narinig. Emo background music lang ang nagpi play sa utak ko habang nagsesenti ako sa may bintana ng kwarto ko. Pero ayaw ko nang sabihin 'yon baka tuluyan nang lumuwa ang mata ko sa pambabatok ni mama. Tsaka gusto kong makita si Erol kaya ako naka-dungaw.

Kapag kasi sumilip ka sa bintana ng kwarto ko, makikita mo ang kwarto niya. Ang kaso, medyo malayo kaya hindi mo makikita kung may tao man sa loob. Maliban na lang kapag gabi. Malalaman mong may tao sa kwarto niya kapag nakabukas ang ilaw, obviously. At kadalasan, weekend lang siya nandiyan dahil wala siyang pasok. Weekend ngayon! Pwedeng nandiyan na siya! Kaya halos isang oras na akong nakadungaw dito dahil doon.

"Sorry na po," naka pout kong sabi.

Umiling iling si mama. "Naku bata ka! Palagi ka na lang nakahilata. Itapon mo nga ang mga basura sa likod. Ngayon darating ang truck ng basura. Baka matambakan na naman tayo sa likod kapag hindi pa nila nakuha."

Bigla akong na-excite at napatayo. "Sige po!" Kahit mainit, madadanan ko naman ulit ang bahay niya. At sana, makita ko siya o kaya naman makita niya ako. Sana mapansin niya na rin ako. Ang tagal ko na kayang pasimpleng nagpapapansin sa kanya. Hindi ko alam kung nagkakataon lang na hindi niya ako nakikita o talagang hindi ako kapansinpansin.

Hindi pa man nakakalabas ng kwarto si mama, patakbo na akong pumunta sa cr para maghilamos. Tapos dali dali akong nagsuklay, nagpolbo nang kaunti at naglagay ng manipis na lip tint. Siyempre, baka makita ko siya. Dapat blooming ako. Maganda na ang ready.

"Bakit ba nag-aayos ka pa? Mag-tatapon ka lang naman ng basura," takang tanong ni mama.

I smiled at her sweetly. "Nakakahiya po ang itsura ko eh. Haggard na haggard."

Itinaas ni mama ang kamay niya. "Bahala ka nga. Bilisan mo at magtatanghalian na." Pagkasabi niya 'non, lumabas na rin siya ng kwarto ko.

Inayos ko muna ang damit ko bago ako lumabas ng bahay namin. Dami pang seremonyas diba? Syempre, hindi lang mukha ang ready. Dapat ready ang buo kong pagkatao. Dapat good vibes ako kapag nakita niya ako. Ganyan talaga kapag umiibig! Enebeyen! Kniikilig aketch!

At heto na nga, ginawa ko yung pinaka-maganda at pinaka-natural kong lakad, habang may bitbit na dalawang plastic bag ng basura. Nang mapadaan na ako sa tapat ng bahay nila, tumingala ako para tignan yung bintana ng kwarto niya. Umaasa na makikita ko siya.

Pero sa kasamaang palad, ako ay bigo. Wala siya roon. Paano ko nalaman? Ang tahimik kaya. Malalaman mo naman kung may tao sa isang silid diba? May kumakaluskos o kaya tunog ng electric-fan or something. Huhuhu. Kainis naman eh.

Tsk. Okay lang yan! Baka mamayang pagbalik ko, nandiyan na siya! Hindi ako mawawalan ng pag-asa!

Tumakbo na ako papunta sa tapunan ng basura para makabalik ako kaagad.

Loving You From a DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon