Chapter 7

692 19 0
                                    

Humikab ako pagkatapos, ginusot ko ang mata ko. Ang boring naman. Wala akong magawa. Nakatunganga na naman ako sa harap ng laptop ko at nage-fb. Habang ini scroll down, napansin ko na puro about sa love ang naka post. Yung iba bitter, yung iba, about sa mga syota nila. Binilisan ko ang pag iscroll. Badtrip naman kasi eh! Gusto ko ring magpost ng about kay Erol pero hindi kaya ng kahihiyan ko. Tsaka friend ko siya. Baka mabasa niya at makahalata siya. Mailang pa siya sa akin.

Kahit kailan pati, hindi pa ako nagkaroon ng ka in a relationship sa fb. Duh! Hindi pa ako nagkakaboyfriend sa buong buhay ko! Forever single tuloy ang peg ko. Tsk.

I may be single but not in my heart.

Oha! Natutuhan ko lang 'yon sa mga kaklase kong halos lalaki. Kalalaking tao, may paganyan-ganyan na nalalaman. Civil Engineering kasi ang course ko. At karamihan sa mga kumukuha ng course na yon, mga lalaki. Parang baliw nga lang eh. Pinili ko 'yon kahit boblaks ako sa Math. Bakit? Kasi, Architecture si Erol. Eh diba, partners ang Engineers at Architects sa pagtatayo ng bahay at buildings? So ayun! Ilusyunada lang ako na kami ang magiging partners someday. At tsaka, Engineer din si daddy. Gusto kong sumunod sa mga yapak niya.

"El! Ibili mo nga ako ng napkin!" bungad ni mama pagbukas niya ng pinto ng kwarto ko.

Ay grabe talaga si mama! Napkin pa talaga ang ipapabili. Hindi pa kasi sa grocery bumili eh. Sa tindahan na naman ako papabilhin. Lalaki pa naman ang tindero sa labas ng subdivision. Tapos ang hirap pang itago. Nakakahiya kayang bumili nang ganon lalo na kapag may kasabay kang mga lalaki. Lalo na kamo kung yung tindero pa mismo!

Pero dahil sa masunurin akong bata, sinunod ko. Kahit na mainit at malayong lakaran pa ang kailangan. Mabait ako eh. Hindi lang halata.

Binilisan ko na lang maglakad para makauwi na ako kaagad. At noong mapadaan ako sa tapat ng bahay nila Erol, tumingala ulit ko. Hindi 'yon mawawala tuwing dadaan ako rito. Tahimik ang buong kwarto at walang ilaw. Wala pa siguro siya. Mamaya pa siguro siya uuwi. Hihi! Naalala ko na naman yung nangyari last week. Hanggang ngayon, sagad buto pa rin ang kilig ko.

"I'll always wait for you Erol," sabi ko habang nakatingala sa kwarto niya.

Oh Eloisa! Yung inuutos sa'yo! Mamaya na ang kalandian. Tumakbo na ako para mas mabilis. Grabe! Tagaktak na ang pawis ko. Pero okay lang! Wala naman masyadong tao.

After ng ilan pang minuto at lakaran, nakabalik ako nang buhay. Muntik pa akong makagat ng aso. Hindi ko naman kasi alam na may aso pala. Takbo kasi ako nang takbo. Hinabol tuloy ako. Buti na lang at maagap yung may-ari. Nahila nya yung tali bago mahagip ang beautiful legs ko.

Nang malapit na ako sa bahay nina Erol...

...I froze at parang tumalon ang puso ko sa dibdib ko.

He's there—holding a rose. Looking at me, smiling at me. Tumatalon na naman ang puso ko sa pinaghalong kaba, excitement at tuwa. My gosh! Mukhang mababago na ang status ko sa fb! Inihakbang ko ang isa kong paa. Lalong lumakas ang tambol sa puso ko. His smile widens.

Don't tell me he's going to con—

"Babe! Nandito na ako!"

Napahinto ako at lumingon sa pinaggalingan ng boses. It's half monster, my greatest rival. Kumakaway siya habang papalapit kay Erol.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Halo halo ang nararamdaman ko. Parang unti unting nadudurog ang puso ko habang pinapanuod ko silang dalawa.

Lumapit siya kay Erol at niyakap naman siya nito. "You're here."

My heart sank when I saw his face. Si Erol, nakangiti siya. Mukha siyang masaya.

Yumuko ako at naglakad nang mabilis. Nilampasan ko sila without looking. Kunwari na lang, hindi ko sila nakita. Kunwari, hindi ko nasaksihan 'yon.

Loving You From a DistanceWhere stories live. Discover now