Chapter 3

743 16 0
                                    

Oh em gee! This is it! Outing na namin! Sa Subic kami! Gusto ko yon! Medyo hindi ako nakatulog dahil sa excitement at the same time, kaba. Nahirapan din ako kung anong ipangliligo ko. Inabot ako ng siyam siyam sa harapan ng aparador ko. Sa huli, napili ko ay isang short at sandong fit. As if naman mag tu-two piece o kaya bathing suit ako no! Never! May kahihiyan pa akong natitira sa katawan. At isa pa, kahit gusto kong magpaganda sa mata ni Erol, hindi sa ganong paraan.

Napabuntong hininga ako. Oo na, inaamin ko na. Wala naman akong ipagmamalaki sa katawan ko. Bukod sa hindi masyadong magadang hinaharap, patpatin pa. Hay. Hindi ako sexy. Sad but true. Wala na akong magagawa sa katotohanang 'yon kundi tanggapin na lang.

"El! Bilisan mo nga diyan! Aalis na tayo!" sigaw ni mama mula sa baba.

Kinuha ko ang back pack ko at dali daling bumaba.

Pagkalabas ko ng bahay...

...kusa na akong napasimangot.

Sabi na eh! Kasama yung kalahating monster, kalahating tao! Badtrip naman! Bakit ganyan!? Parang ayaw ko nang sumama! Magkukulong na lang ako sa kawato ko at magmumukmok!

Oh well, at least kasama si Erol. Kahit medyo hard sa feelings.

Dalawang van ang dala namin. Yung isa, para raw sa mga 'matatanda'. At yung isa naman, para sa mga 'bata'. Doon ako sa para sa mga bata, obviously. Si kuya Sy ang nagmamaneho tapos katabi niya si ate Chey. Ako naman, katabi ko sa likod yung kapatid ni ate Chey at yung mas batang kapatid ni Erol. Nakakatawa nga eh. Ginawa akong baby sitter ng mga bata. Tapos, ang katabi ni Erol ay yung half monster niyang gf. Mindy yata ang pangalan. Ang totoo niyan, ako dapat ang katabi ni Erol eh. Inaayos kasi kami ni ate Chey pero yung babaeng halimaw naman, inagawan ako ng pwesto! Badtrip talaga! Badtrip na nga na sumama siya, badtrip pa na inagawan niya ako ng pwesto! Hay~ mag eenjoy kaya ako nito? Dapat talaga, itinuloy ko na lang yung balak kong pagpapaiwan kanina.

Bale ganito ang pwesto namin...

Wala akong magawa kung hindi panoorin na lang si Erol pati ang gf niya nasa harapan. Ang sweet nila. Nakasandal si Mindy sa balikat ni Erol. Sana, ako ang nasa pwesto niya. Sana ako ang nakasandal sa balikat ni Erol.

"Ate El, inaantok po ako," sabi ni Era sabay papungay ng mata.

Ngumiti ako. "Higa ka rito sa lap ko."

"Thank you, te!" Humiga siya sa lap ko tapos nag-yawn at yumakap sa braso ko. Parang ginawa niyang teddy bear yung kamay ko.

I giggled! Ang cute talaga nitong kapatid ni Erol. 8 years old pa lang siya at kamukhang kamukha ng kuya niya kaya napakagandang bata. Malapit din sa akin ang loob nitong si Era dahil minsan, sa akin siya iniiwan ng mama niya.

Tsk! Pero kainis talaga 'tong dalawang nasa harapan ko eh! Panira ng view! Nakakabadtrip! Pagpalitin ko kaya sila ng ng mukha!?

Buong byaheng ganoon ang nangyari. Mamatay matay ako sa selos at inggit.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Loving You From a DistanceWhere stories live. Discover now