XXII. FOUR PILLARS

Start from the beginning
                                    

Hinawakan ni dria ang balikat ni Mantria "Ma si Kip ang may masamang balak. Gusto lamang nina Mr Cope at Ms Nia na maging maayos ang koneksyon ng mga tao at Translucent" saad ni Dria

"Oo alam ko ito, huli na ng malaman ko ang kanilang mabuting intensyon kay Ms Wan bago ito umalis ng Transitopia. Dria sayo nila itinakdang ibigay ang kanilang kapangyarihan, at sa takdang panahon ikaw at ang iba pa ang mamumuno sa apat na pillars ng Transitopia. Ang potion na kanilang ipinainom sa amin noon ay ang magsisilbing bounding bond ng kanilang mga kapangyarihan, gusto nilang balansehin ang force field mula North, East, West and South part ng mundo. Sa tamang panahon ay kusa kayong mapapadpad sa inyong kanya-kanyang lugar." Mantria explained.

Tumayo si Dria at umupo sa isang silya.

Patuloy parin sa pagsasalita si Mantria "Ngunit nang malaman ito ni Mr Kip, ay hindi niya ito nagustuhan. Sino ba naman ang anak na gugustuhin na ibigay sa ibang tao ang kapangyarihan na dapat ay sa kanya lang. Dria alam ni Mr Kip, nalaman niyang isa ka sa mga binigyan ng kapanyarihan, kaya kailangan kang mag ingat dito," saad ni Mantria.

Hinawakan ni Mantria ang pisnge ni Dria, "Nung isang araw sa Earth ay nakatagpo kong muli sina Mr Cope at Ms Nia. Lumabas sila para kumustahin ang mga pillars, sakto naman at may isang nangyaring trahedya sa bansang Pilipinas na naging sanhi ng pagkatakot ng mga tao, sinabi saakin nina Mr Cope at Ms Nia na ang dugo ng isang Translucent ay may healing powers kaya sinubukan ko ito kay Stella, at dahil sa bisa nito ay ginawa itong gamot ni Avery at marami-rami ang nabigyan nito"

Tumitig si Dria kay Mantria "Kung ganon ma, madami pang mga translucent ang napadpad sa earth at maaring nasa loob sila ng mga ordinaryong tao"

Umiling si Mantria, "Sa aking nalaman mula kay Ms Wan, Iba-iba ang mga naging reaksyon sa mga tao ng aking dugo dahil ang iba ay itinurok sa mga sangol upang ma protektahan sa mga sakit at iyon ang naging dahilan upang magising ang kanilang mga talento. Sabi nga ni Alexander multiple intelligences daw ang tawag doon" saad ni Mantria at biglang nangulila kay Alexander.

Dria gave a nod to signify that she understood everything that her mon just said.

"Mantria!?" dinig na dinig nila ang boses ni Mr Kip sa kung saan.

"Anak natuntun na tayo ni Mr Kip. Kailangan mo ng umalis dito bago kapa niya makita," Pagaatubiling saad ni Mantria.

"Sina Mr Cope at Ms Nia, sinabi nina Avery na nagkita sila sa earth kaya kami nandito ni Stella, they made a plan" saad ni Dria na sadyang ikinabigla ni Mantria.

"Dria matagal ng nasa kamay ni Mr Kip sina Mr Cope at Ms Nia, hindi sila yun, dahil kung sila man yun ay hindi nila gagawing kausapin ang mha scientist. Kagagawan yun ni Kip." saad ni Mantria.

Dria was right all along, masama na talaga ang kutob niya kanina pa, nasa masamang kalagayan ngayon sina Alexander.

"Ma, nasa panganib sina Dad" saad ni Dria.

Hindi paman nakakapagsalita si Mantria ay bigla na lamang bumukas ang pintuan ng silid, akma na sanang mag ta-transmigrate si Dria ngunit may kung anong tumama sa kaniyang tumama likoran at nawalan ito ng malay.

***
Sa Translair naiwang mag-isa si Stella, hindi na niya alam kung saan siya pupunta dahil napapalibutan siya ng maraming computers na hindi gumagana. Nararamdaman ni Stella na parang may mali.

Maya maya'y biglang sumakit ang ulo ni Stella. It's as if hundreds of nails are digging into her skull, it is so painful, that she coiled down to the floor.

"Mga oto-oto talaga kayo!" someone spoke behind her. Stella couldn't move her limbs, blurry na din ang kaniyang paningin kung kaya't pigura na lamang ang kaniyang nakikita.

ESOTERIC REALITY (Filipino Sci-Fi Novel)Where stories live. Discover now