XXXI. BLIND REALITY

233 13 1
                                    

Nagising si Stella nang maramdaman niyang may tumatapik sa kanyang balikat, binuksan niya ang kanyang mga mata at nakita niya si Dart na nakatitig sa kaniya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagising si Stella nang maramdaman niyang may tumatapik sa kanyang balikat, binuksan niya ang kanyang mga mata at nakita niya si Dart na nakatitig sa kaniya. Halata sa mukha nito ang pag-aalala.

"Ayos ka lang ba Stella?" tanong ni Dart.

Tumango si Stella at dahan-dahang tumatayo, nang mahimasmasan ay bigla niyang hinanap si Joshua, nakita niya naman itong nakahandusay sa gitna ng kalsada kung saan nandoon kanina ang black hole. Nang lumakad si Stella ay bigla siyang natumba kaya inalalayan nalang siya ni Dart upang makalapit kay Joshua ilang saglit lang ay nagsilapitan narin sina Alexander.

"Joshua" saad ni Stella habang inaalog ang balikat nito ngunit hindi ito kumikibo kaya niyakap ito ni Stella at at binigyan ng enerhiya.

Naramdaman ni Joshua ang isang makakagaang yakap, at nang imulat niya ang kaniyang mata ay ay nakita niya si Stella na kaagad naman niyang hinalikan sa noo.

"Salamat naman at okay ka" saad ni Stella habang yakap si Joshua.

"Sina Ms Wan?" pag-aalalang sambit ni Jacque.

"Pupuntahan namin sila, magdahan dahan nalang din kayong lumabas dito sa kalyeng ito" saad ni Alexander at tumakbo, sumunod naman sina Von at Jacque.

Inalalayan ni Stella at Dart si Joshua sa paglalakad nadaanan nila ang mga nagkalat na sirang kagamitan at mga sapatos at damit ng mga dating naninirahan sa lugar na naiwan sa kalsada, maaamoy din ang mga tumagas na mga gas mula sa malapit na gasoline station at mga sirang fire hydrants, may mga nakaharang din sa daan na mga nakataob na sirang sasakyan.

Nahimasmasan ang lahat ng magkita-kita sila sa kanto kung saan sila nagkahiwa-hiwalay kanina ngunit nag iba ang templa ng mukha ni Jacque nang makitang wala na ang sasakyan nila at si Elyssa.

"Hindi natin naisipan si Elyssa," malungkot na saad ni Jacque.

Hinawakan ni Ms Wan ang balikat ni Jacque, "Jacque lagi kong pinapaalala sayo na ang lahat ng bagay ay kailangan ng sakripisyo at si Elyssa ay isa sa mga naisakripisyo natin kapalit ng kapakanan ng mundo at isa pa walang namang may nakaka alam kanina sa mangyayari kayaabuti pa ay umalis na tayo ngayon dito kailangan na natin mapuntahan si Mr Kip," saad ni Ms Wan, pinindot nito ang kanyang wrist watch at ilang saglit lang ay may dumating ang isang sasakyan kulay puti ito na ma-ala van ang dating ngunit ito ay may kakayahang lumipad.

Pagpasok nila ng sasakyan ay umilaw nanaman ang mga mata ni Darsy.

"Ms Wan saan po tayo?" Tanong ni Shelby, isang gifted human na nasa poder din ni Ms Wan nakasuot ito ng kulay puting sando na pinares sa army pants na camouflage at kulay brown na combat boots, ang kulay pink naman nitong buhok ay naka braid.

ESOTERIC REALITY (Filipino Sci-Fi Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon