XX. C21H22N2O2

549 35 3
                                    

Nag uusap sa labas sa laboratoryo sina Alexander, Antonov, Von, at Avery ng biglang may sumingit sa kanilang usapan na ikinapagtaka nilang apat

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nag uusap sa labas sa laboratoryo sina Alexander, Antonov, Von, at Avery ng biglang may sumingit sa kanilang usapan na ikinapagtaka nilang apat.

Dalawang asul na nilalang ang sumulpot sa kanilang harapan. Noong una ay natakot sila ngunit sa dinamirami na ng mga nangyayari sa mundo ngayon ay hindi na dapat sila matakot. Lumapit sa kanila ang dalawa, ang lalaki ay nakasuot ng mahabang mangas at may dalang tungkod at ang babae naman ay nakasuot din ng mahabang mangas. May suot ding pulang kwentas and babae na agaw pansin sa kanyang kasuotan. 

"Sino po kayo?" Tanong ni Avery.

Lumapit ang lalaking may tungkod "Ako si Mr Cope at siya ang aking asawa na si Ms Nia, galing kami sa Transitopia, napadpad kami dito dahil nararamdaman namin ang apat na susi na nagkakaroon na ng Transmutation, sa takdang panahon ay lalabas sila at tatawagin ng kaninag kapalaran. Sadyang hindi nga lang nakapaghintay ang mundo at kinailangan pang mahantong sa ganito. Lumabas kami sa Transitopia upang malaman ang kalagayan ng Earth at upang ayusin ang hindi magandang pagkaugnay ng earth sa Transitopia. Sa hindi namin alam na dahilan nasira na ng tuluyan ang force field ng Transitopia at naging sanhi ng mga mabilisang paglalakbay ng kung sino man ang gustong mapunta doon. Hindi ito maari, hindi basta bastang napupuntahan ang Transitopia, o ang iba pang parte nito" saad ni Mr Cope.

Biglang kinabahan si Alexander sa sinabi ni Mr Cope. Hindi kaya ay sila abg tuluyang nakasira nito? saad niya sa kaniyang sarilo.

"Nalaman na namin kung ano ang punutdulo ng lahat ng ito at sa takdang panahon ay maiaayos ito. Gusto na sana naming manahimik ngunit huli na ang lahat, ginagamit na ng aming anak ang tsansang ito upang manaig ang kanyang gusto na sakupin ang mundo niyo sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga Transfigs o ang mga masasamang Translucent. Humihingi kami ng tawad sa inyo, maganda naman ang aming hangarin ngunit nagkamali kami sa pamamahala at nang dahill doon ay marami ang napahamak at tiyak marami pa ang mapapahamak kaya babalik na kami ngayon sa Transitopia. Tandaan niyo kapag makuha ni Kip ang apat na mga binigyan namin ng kapangyarihan na tinatawag naming susi ay magbubukas na ito ng black hole, at kapag makuha niya lahat ng mga susi siya ay magwawagi at maaring ikapahamak ng buong mundo," Saad ng babae

"Lahat ng mga susi?" Tanong ni Avery

Tumango ang lalaki "Hinahanap namin ngayon ang panglimang susi, dahil hindi sila ma cocompleto kung wala ito" saad ni Mr Cope.

Bigla nanamang may kung anong pagsabog sa Skyline na ikinabigla ng lahat.

"Ngunit Kailangan na naming bumalik," pagpapaalam ni Ms Nia.

Napalaki ang mata ni Avery "Maari po kayong mapahamak"

"Napakabuting niyong nilalang, ngunit kailangan namin tapusin ang aming nasimulan." saad ni Ms Nia, at biglang umilaw ang kwentas nitong, kulay pula at hugis luha.

"Nararamdaman kong nandito lang ang apat na susi sa di kalayoan, kaya kapag sa tingin niyo ay nahanap niyo sila responsibilidad niyo napangalagaan sila, tulungan niyo sila at protektahan" saad ni Mr Cope.

ESOTERIC REALITY (Filipino Sci-Fi Novel)Where stories live. Discover now