XLV. YOU ARE ONE OF US

120 6 0
                                    

Kasalukuyan sa mundo ng mga tao ay kagigising palang ni Reigna, hindi niya matandaan kung paano siya napunta sa hospital gayong kararating palang niya ng Pilipinas, maya maya'y may pumasok na isang nurse na may dalang tray ng mga gamot, chineck ni...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kasalukuyan sa mundo ng mga tao ay kagigising palang ni Reigna, hindi niya matandaan kung paano siya napunta sa hospital gayong kararating palang niya ng Pilipinas, maya maya'y may pumasok na isang nurse na may dalang tray ng mga gamot, chineck nito ang dextrose at temperature ni Reigna, ilang saglit lang ay may dumating  din na isang babaeng doctor, nakasukbit ang stethoscope nito sa kanyang leeg, maputi ang balat nito at mahaba ang kulay itim nitong buhok.

Tiningnan ng doctor ang findings ng nurse kay Reigna at lumapit ito sa dalaga "I'm Doctor Jen, how are you feeling Reigna?"

Inayos ni Reigna ang pakakaupo at isinandal ang ulo sa headboard "Reign just Reign," saad ni Reigna.

Tumango si Doctor Jen at kinuha ang maliit na flashlight at ininspeksyon ang mata ni Reigna ngunit alam ni Jen na walang nangyaring masama dito kundi isa itong gifted human at nilagyan ito ng memory stone ni Jacque.

"Do you remember what happened Reign?" tanong ni Doctor Jen habang isinusulat ang kaniyang findings sa chart ni Reign.

"Honestly Doc it's hazy, I couldn't remember how I end up here," nalilitong saad ni Reign.

"Well you had a car accident on your way here in Manila from the airport in Clark, kasama mo ang isang Lucas Dela Torre and Selena Martinez, but don't worry they are both safe. " Doctor Jen lied, matagal na niyang ginagawa ito kaya experto na siya sa pag-aalaga sa mga gifted humans na galing sa mansyon ni Ms Wan, she was one of them afterall.

"Is my sister here?" tanong ni Reigna. Nalilito siya dahil hindi niya kasama ang kaniyang ate galing sa Los Angeles, and they've never seen eachoter. 

Biglang kumirot ang ulo si Reigna at kung ano-anong senaryo ang kaniyang naalala. Naalala niya ang club, at mga nangyari dito.

Tumango si Doctor Jen "Yes, she's here and also your mom. Your sister will be transfered here in a moment," saad ni Doctor Jen.

Reigna is so confused, bakit nagsisinungaling sa kaniya ang doctor na ito? Sa tingin ni Reigna ay isa din itong gifted human kagaya nila pero bakit nito tinatago sa kaniya ang katotohanan? Ano ba ang nangyari sa kaniya?

Aalis na sana si Doctor Jen ng biglang hawakan ni Reigna ang kamay nito.

"Don't lie to me you're one of us aren't you?" saad bi Reigna na ikinabigla ng doctor.

Doctor Jen smiled "Reign you hit your head you better rest," saad ni Doctor Jen at tinangal ang kamay ni Reigna na nakakapit sa kaniyang braso at umalis ng kwarto.

Doctor Jen entered her office, inalis niya ang kaniyang labcoat at umupo sa kaniyang desk at huminga siya ng malalim ngunit bumabalik sa kaniyang alaala ang sinabi ni Reign.

"Don't lie to me you're one of us aren't you?"

Naisip ni Jen na baka hindi gumana ang memory stone or di kaya namali sa pag set si Jacque, kaya kinuha niya ang kaniyang cellphone para tawagan ito ngunit isang malakas na kulog ang kaniyang narinig. Kakaiba kumpara sa normal na kulog ng langit tuwing umuulan at isa pa ay maaliwalas ang kapaligiran, sumilip si Jen sa kaniyang bintana ngunit wala naman siyang nakitang kakaiba, napailing nalang siya at pinindot ang number ni Jacque, ngunit hindi siya maka konekta sa linya nito.

Napahawak si Dr. Jen sa kaniyang dibdib, hindi niya aakalain na magkakaroon siya ng ganitong pakiramdam dahil lang sa sinabi sa kaniya ni Reigna. Oo inaamin ni Jen na ayaw niya sa kaniyang mga kakayahan at ilang beses niya itong dineny sa sarili ngunit hindi niya ito natakasan kailanman, maaring tinakasan niya lang ang responsibilidad sa mansyon ngunit hindi niya kailanman tinalikuran ang pagiging gifted human pero bakit mayroong kirot sa kaniyang puso ng sambitan iyon sa kaniya ni Reigna.

Isang katok ang nakapag distract kay Jen, pumasok sa kaniyang opisina ang kaniyang assistant nurse na si Amie.

"Doc the signal lines will be temporarily off sabi ng maintenance," balita ni Amie na ngayon ay inilalapag ang dalawang coffee cups sa kaniyang table.

"Bakit daw?" tanong ni Jen

"May bagyo daw pong na divert sa atin eh, at inadvice na walang lalabas ng hospital kasi may kasama daw iton maliliit na yelo, parang hailstorm?" saad ni Amie.

Nagtaka si Jen kaya kinuha niya ang kaniyang jacket at lumabas ng kaniyang office.

"I'm going home Amie please take care of the patients and call Doctor Briggette if an emergency comes up okay?" saad ni Dr. Jen habang paalis ng pintuan.

Tumango si Amie at umupo sa kaniyang desk at inusisa ang kaniyang computer.

Gustong malaman ni Dr. Jen ang ginawa ni Jacque sa gifted human na nandito ngayon sa kaniyang poder, hindi na niya kasi alam kung ano pang alibi ang kaniyang gagawin.

Habang papalapit si Dr. Jen sa parking lot ay naalala nanaman niya ang sinabi sa kaniyang ni Reigna, napapikit na lamang siya at napakapit muna sa hood ng kaniyang sasakyan, kailangan niyang bumalik sa mansyon upang maliwanagan kahit medyo labag ito sa kaniyang kalooban. Natatakot si Dr. Jen sa kaniyang madadatnan, at nahihiya siya kay Ms Wan dahil nagmatigas siya noon ngunit kailangan niyang malaman ang lahat ng pangyayari.

Napatingala si Dr. Jen sa kalangitan nang biglang nagdilim ang kapaligiran, tiningnan niya ang kaniyang wrist watch; alas nuebe palang naman ng umaga ngunit parang alas sais na ng gabi, maya maya'y nagtakbuhan na ang mga tao dahil sa nagbabadyang ulan, ngunit hindi nagpatinag si Dr. Jen determinado parin siyang pumunta ng mansyon kaya hindi niya ininda ang panahon. Sumakay si Dr. Jen sa kaniyang itim na kotse at tinatahak niya ang daan, nasa kalagitnaan na siya ng freeway napapalibutan siya ng mga puno ng biglang bumuhos ang malakas na ulan napansin niya na dumulas ang kalsada kaya napakapit ng mahigpit sa manubela si Dr. Jen ngunit maya maya'y may mga maliliit na yelo na bumuhos mula sa kalangitan wari'y binabato ang sasakyan ni Dr. Jen at nabasag ang kaniyang windshield, sa sobrang pagkataranta ay nakabig niya ang manubela, pakiramdam ni Dr. Jen ay umiikot ang kaniyang panigin hangang sa manaig ang katahimikan.

ESOTERIC REALITY (Filipino Sci-Fi Novel)Where stories live. Discover now