LARGE HADRON COLLIDER

7.2K 242 453
                                    

CERN - Built in 1954, in Switzerland. Ang CERN o ang European Organization for Nuclear Research ay siyang opisyal na observatory lab ng United Nations. Ang CERN ay mayroong 22 member states, at kapag ang inyong states ay mapasama, ay magkakaroon ito ng mga special duties and privileges at kabilang na ang libreng makadalo sa mga activities ng laboratory.

[ YEAR 2004 ]

Sa nalalapit na 40 years anniversary ng CERN sa taong 2004, ay inimbitahan nito ang mga scientist ng mga states na kasama sa council upang dumalo sa inihanda nilang pagtitipon na gaganapin sa Geneva, Switzerland at kasama dito ang bansang Pilipinas.

Isang bente sinko anyos na filipino scientist na nagngangalang Miguel ang nakatangap ng imbitasyon upang maging katawan ng pilipinas sa nasabing kaganap. Ito ay sadyang ikinapagtaka ni Miguel dahil sa panahong iyon, ay hindi pa masyadong nabibigyang halaga ang mga gawa ng mga scientist sa Pilipinas, ang kanilang mga teorya at embensyon ay hindi masyadong nabibigyan ng importansya, at kahit ang kanilang mga akdang libro ay hindi tinatangap ng mga publishing company sa dahilang hindi raw ito papatok sa masa.

***

Unang beses pa lamang nakatuntong si Miguel sa bansang Switzerland ay namangha na siya sa kaniyang nakikita sa paligid, napakaganda ng mga tanawin, ang mga bundok ay nagpapakintaban sa kulay, mayroong berde at mayroong kulay tsokolate na ang iba ay natatakpan pa ng yelo sa pinakatuktok nito o tinatawag na snowcaps. Inagaw din ang kaniyang atensyon ng mga makukulay na bulaklak sa mga bakuran ng mga kabahayan na sadyang bumagay sa landscape ng lugar. Hindi rin masyadong malamig ang klima, at hindi rin ito masyadong mainit, katamtaman lamang ito kaya labis niyang nagustohan ang lugar.

Tumigil ang sinasakyang taxi ni Miguel sa harap ng isang kulay brown na building at nang makababa siya, ay napanganga siya sa itsura ng struktura, hugis bilog ito na mistulang isang globo, napalilibutan ito ng sphere shape metals na kulay brown, na tila nag sisilbi nitong outer shield.

Tumigil ang sinasakyang taxi ni Miguel sa harap ng isang kulay brown na building at nang makababa siya, ay napanganga siya sa itsura ng struktura, hugis bilog ito na mistulang isang globo, napalilibutan ito ng sphere shape metals na kulay brown, n...

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

Maya-maya'y nilapitan si Miguel ng isang babae na sa tantya niya ay kasing edad lang niya. Nakasuot ang babae ng dilaw na bestida, at pinatungan ng puting lab gown na may nakasukbit na ballpen sa kanang bulsa, ang buhok naman nito na kulay brown na bahagyang may pagka-blonde ay nakalugay na umabot sa balikat nito, ang kulay brown nitong mata ay binagayan ng isang manipis na salamin na naging dahilan upang mas lalo itong gumanda.

Inilahad ng babae ang kaniyang kanang kamay kay Miguel. "Hi, If I'm not mistaken, you are the scientist from the Philippines right?"

Tumango si Miguel habang nakatitig sa mukha ng babae, sa sobrang titig niya dito ay hindi niya namalayang nakalahad pala ang kamay nito.

"Sorry. Yes I am Miguel, an Astrophysicist from the Philippines," saad ni Miguel kasabay nang pagtanggap niya sa inalok na handshake ng babae.

Inayos ng babae ang kaniyang salamin. "My name is Felesia, I'm a staff scientist here at CERN, I will be the one who will escort you to your room."

ESOTERIC REALITY (Filipino Sci-Fi Novel)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora