XXVIII. ANGER

249 20 1
                                    

Pagdating nila sa loob ng mansyon ay kaagad nilang inihiga si Dart sa isang maliit na puting kama, kaagad namang lumapit sina Darsy at Avery kay Dart at tiningnan ang kalagayan nito samantalang lumapit naman si Stella kay Joshua at niyakap ito, ca...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Pagdating nila sa loob ng mansyon ay kaagad nilang inihiga si Dart sa isang maliit na puting kama, kaagad namang lumapit sina Darsy at Avery kay Dart at tiningnan ang kalagayan nito samantalang lumapit naman si Stella kay Joshua at niyakap ito, causing Joshuas' body to regenerate.

"Did it work?" Tanong ni Ms Wan sa kanila.

"Nasunog ang telephone booth at hindi na kumibo ang dalawa so malamang it worked " sagot ni Von ng deretso at nakita niyang mukhang napataas ng kilay si Ms Wan sa kaniyang sinabi, ngunit hindi na ito pinatulan ni Vo dahil 'yon naman talaga ang kaniyang nakita at wala ng iba.

Akma na sanang tatayo si Darsy nang bigla siyang makaramdam ng pagkahilo ngunit hindi na ito masyadong masakit tulad ng dati, nakakaya na niya itong kontrolin ngunit napakapit parin siya sa braso ni Avery na inaaasikaso si Dart.

Nagulat si Avery at napatingin kay Darsy, nag kulay asul nanaman ang mga mata nito.

"I see something" Saad ni Darsy

Binigay ni Avery ang kanyang tab at nagsimulang mag input ng mga numero si Darsy.

[14.5409° N, 121.0503° E]
....
<BONIFACIO GLOBAL CITY, TAGUIG>

At sa pagmulat ni Darsy ay kaagad din nagbalik sa dati ang kanyang mga mata ngunit pakiramdam niya ay nauubos ang kaniyang enerhiya.

"We'll go" saad ni Darsy.

"Hindi pwede dahil kung pumunta kayong lahat ay baka lahat kayo ay makuha ni Kip. Dart can you stand up?" Tanong ni Ms Wan.

Nagsalubong ang kilay ni Darsy sa kanyang narinig "Ms Wan, nakikita niyong nahihirapan na yung kapatid ko, papalusubin niyo parin?" May halong galit na saad ni Darsy, hinawakan ni Dart ang kanang kamay neto para awatin.

"Okay lang ako Dars, I just need to recharge in a few minutes" sabi ni Dart at bigla itong tumayo at pumunta sa kwartong tinutuluyan sa mansyon.

Hindi nalang nagsalita si Darsy at umupo nalang sa silya.

"Hindi ko sinasadya" Pagpaumahing sabi ni Ms Wan sa lahat.

"Magpahinga nalang muna kayong lahat, ako nalang muna ang magmamasid doon" Pagbulontaryo ni Von ng maramdaman ang tensyon sa laboratoryo.

"I'll go with you Tito, I'm okay naman, baka mapareho din kanina na tanging ako lamang ang nakakakita kung saan ito" saad ni Joshua.

Tumango si Von.

"Sasama ako" saad ni Stella. Alam niyang walang kasiguraduhan ang kanyang pagsama dahil wala si Dria sa kanyang katawan ngunit mayroon naman siyang tiwala kay Dria, kung tinulungan sila nito ni Joshua na makatakas sa mga guards sa Transitopia ay tutulungan parin siya nitong muli. Hinawakan ni Stella ang kwentas ni Dria at mukhang nabasa nito ang kaniyang isipan at kumislap ang ilaw.

ESOTERIC REALITY (Filipino Sci-Fi Novel)Where stories live. Discover now