Smile Twenty-eight

142 7 3
                                    

Sophie's POV

One week before the examination, natapos namin yung cabinet na sinasabi ni ma'am. Actually, kaming dalawa na ni Clark yung tumapos kasi yung dalawa may kanya-kanyang lakad na. Pagkatapos naming napinturahan at nabigyan ng designs yung cabinet nagpahinga kami sa garden nila.

Nagpaalam siya sandali para bumili ng miryenda sa kalapit na Mini Grocery. Pagbalik niya may dala-dala na siyang Tropicana Twister at mamon.

"Let's eat." Umupo siya sa tabi ko, inabot niya yung pagkain.

"Salamat." Kumagat ako sa mamon. Pagkakagat ko napansin kong nakatingin siya. "What?"

"Pawis na pawis ka eh. Hindi bagay sa mukha mong maganda." Kumuha siya ng panyo tsaka niya yun dinampi dampi sa noo ko.

Tinapik ko kunwari yung kamay niya, "Wag na. May panyo ako." Nilabas ko yung akin tapos pinunasan ko yung mukha ko.

"Ang sungit mo talaga sakin. Kanina ok naman tayo."

Inirapan ko siya. "Kanina yun."

Tinapos ko lang yung miryenda tapos nagpahinga ulit ako. Maya maya lang uuwi na din naman ako.

"IB."

"What?" Sagot kong hindi man lang lumilingon sa kanya. Busy ako sa pagpipintura ng likuran ng cabinet para makauwi na ako. Dinadagdagan ko lang ng design.

"Ah wala." Nilingon ko na siya nung sumagot siya ng wala.

"Ano nga?" Umiling lang siya sabay ngiti.

"Tapos ka na ba?"

"Yhup. Dalhin mo na 'to bukas ha? Para makapagpasa na tayo." Niligpit na namin yung mga ginamit naming kung anu-anong kagamitan tulad ng martilyo, screw driver, paint brush etchetera!

"Hay! Salamat naman at ok na. O pano, uuwi na ako." Dinampot ko na yung sling bag ko tapos humarap na ako sa kanya.

Biglang parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko nung hinarap ko siya at nakatitig siya sa akin. Nung tiningnan ko kasi siya ng diretso sa mga mata niya parang may biglang pumalo sa dibdib ko.

Binawi ko na yung tingin ko, sa halip ay tumingin ako sa ibang direksyon. "Uuwi na ako."

"Hatid na kita."

"Kaya ko na."

"Hatid na nga kita." Sinamaan ko siya ng tingin.

Makuha ka sa isang tingin.

Nakita kong napalunok siya kaya tumango na siya at hinatid ako sa may gate.

Ganun siya. May takot siya sa akin, isang salita ko lang sumusunod siya agad.

***

"Hi, Sophia." Kumaway yung isang lalake sa akin pagkapasok na pagkapasok ko palang sa gate ng school namin. Syempre gumanti naman ako ng ngiti.

"Nakita niyo yun? Nginitian ako!" Rinig kong pagyayabang niya sa mga kasama niya.

Diretso nalang ako sa room kahit alam kong maaga pa at siguradong mauuna ako sa dalawa. Dahil mas maganda ako.

Pagdating ko sa room, wala pa talaga sila. *sigh* Umupo ako sa chair ko. Kakaupo ko palang nag-va'vibrate na yung phone ko. Nagtext si Clark.

From : Clark Icen

Nasa school ka na?

Napakatino niya talaga magsend ng message. Walang bahid ng pagka-jejemon.

Yuvandell Academy (Rewriting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon