Smile Twenty-one

203 10 1
                                    

Stephen's POV

"So, paano ka naging Miss Friendzoned of the Year?" Nagpatuloy siya sa paglalakad. Kakaiba yung kilos niya ngayon, siguro masama pakiramdam niya. Ah basta! Kukulitin ko siya.

"Shan! Ano na kasi? Kanina ka pa naglalakad diyan, mabuti sana kung kinakausap mo ako." Naka-pout kong pangungulit sa kanya.

"Sino ba kasing nagsabi sayo na kulitin mo ako, ha?" O___O

"Ano ba kasing problema bakit ayaw mo akong kausapin? Harapin mo nga ako." Hinila ko siya paharap sa akin. Nagtama ang aming mga mata. "Ngayon, anong problema mo?"

"Wala akong problema. Bitawa--"

"Bitawan mo siya." Napalingon ako sa dumating. Si Sky.

"Sky?" Binitawan ko si Shannen at humarap kay Sky.

"Problema namin 'to, Sky. Leave us alone." Dinura niya yung toothpick na nasa bibig niya atsaka siya tumawa.

"Kitang kita naman na ayaw niya yung presensya mo ngayon, Stephen. Hindi mo naman siya kailangang pilitin." Si Shannen naman ang nilingon ko ngayon. Nakayuko lang siya.

"Nag-a'ala superman ka lang kasi may gusto ka sa kanya!"

"Oops! Sino may sabi sayong gusto ko siya?" Naningkit ang mata ko sa sinabi niya.

"Eh kung di mo siya gusto, bakit nandito ka? Bakit nakikialam ka?!"

"Baka mahal ko siya?! Unggoy. Kulang ka sa instincts."

"TAMA NA NGA YAAAN!" Damn! Nanggigigil ako sa lalakeng to eh. Sarap basagin ng mukha. Makikiepal pa. Eh ano bang mapapala sa kanya ni Shannen. Sakit lang naman ng ulo.

***

Kanina ko pa iniisip yung ginawa ni Shannen na mas pinili niyang mag-isa kesa ang sumama sa akin na kaibigan niya at maging safe. Ok naman kasi ang lahat, epal lang talaga si Sky. Kung di siya sumulpot malamang nalaman ko na ang tunay na dahilan kung bakit ganun kadry makitungo si Shannen sakin.

Yuvandell Academy (Rewriting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon