Smile Nineteen

236 10 6
                                    

"Bye, Kei. Ingat ka ah. Yung sinabi ko sayo, wag kang sisimangot." hinatid ako ngayon ni Cy sa school ko. Mapilit naman kasi.

"Opo!" gigil na kinurot niya ako sa pisngi ko.

"Uhmm! Ang cute mo talaga."

 

"Alam ko. Sige na, papasok na ako. Baka malate ka na din."

"Ano kaya kung lumipat ako sa school niyo?"

"Hindi masama."

"Nice idea diba? Oops! Gotta go! Late na ako. Bye!" kumaway pa ito nang makasakay na sa kotse. Hay ang kulit.

Pagpasok ko sa gate ay naka-cross arms na sinalubong ako ng dalawa.

"What was that?" ~ Sophie

"Like OMG! Bessy! Lumalandi ka naaaa!" ~ Shannen

"Manahimik ka nga, Shannen." nilampasan ko lang silang dalawa.

"I thought you two were over." pangungulit ni Sophie.

"Hmm. Let's just say, para lang siyang kabute na susulpot nalang bigla. At sakto pa sa panahon na kailangan ko ng karamay."

"Sinasalo niya yung sama ng loob mo, alam mo kapag nagkataon pwede kayong madevelop ulit."

"Shh. Wala nang KeiRus. Tapos na yun!"

"Hindi rin!" sabay nilang sagot. Di ko nalang pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad.

At sa hindi inaasahang pagkakataon, sa dinami dami ng estudyante dito sa Yuvandell Academy, bakit si Heron pa ang makakasalubong namin ngayon?

"Oops! Destiny." mapang-asar na ngumiti sa akin si Sophie.

"Shut up, bitch." asar kong sagot sa kanya.

Biglang lumiko si Heron kaya hindi na kami magkakasalubong. Nasaktan nanaman ako. Sana pala hindi na kami nagkalapit para hindi ako nasasaktan ng ganito. Haaay! Maghapon nanaman akong badtrip neto at wala sa mood.

Yuvandell Academy (Rewriting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon