Smile Twenty-four

304 10 3
                                    

Kei's POV

"Sige na, Cy. Papasok na ako, puro ka talaga kalokohan." Actually, kanina pa kami nagbobolahan dito sa tapat ng school. Ang kulit kasi niya, ayaw niya pa akong papasukin. Hindi pa daw naman bell.

Habang nagtatawanan kami, nakita kong naglalakad si Heron papasok sa gate. Di ko naman siya matingnan ng diretso, masakit din kasi kapag nakita kong iniiwasan niya pati tingin ko.

"Ui, Kei, ayos ka lang?" Bumalik ang tingin ko kay Cyrus. Itsurang nag-aalala na siya ngayon.

"Oo naman no! Ok na ok ako, Cy. O pano? Papasok na ako ha?" Pagkapaalam ko sa kanya, tumunog na yung bell.

Takboooooo! Lagot talaga ako nito pag nauna si ma'am sa room kesa sakin.

Hingal kabayo kong binuksan ang pintuan, at napangiti ako ng wagas dahil wala pa si ma'am. Buti naman. Napa-chismis nanaman yun. Sigurado.

"Yung isa diyan nakipaglandian muna kay Cy." Sasapakin ko tong Sophie na to. -_-

"Manahimi---"

"Oops! Tama na yan. Anjan na si ma'am." Isa pa tong Shannen na to. Huhuhu T^T

Pinagkakaisahan nila ako.

Umupo nalang ako at nakinig. Mamaya na ako gaganti sa dalawang to.

"Since malapit na ang 3rd monthly niyo, magbibigay ako ng incentive."Wow bago to ah. Magbibigay siya ng incentive? Unbelievable.

"Nakikita niyo to?" Malamang ma'am. Napakalaking cabinet di namin makikita?

Wait?

Wag niyang sasabihing magpapagawa siya ng ganyan?

Ay hindi, hindi siya magpapagawa dahil magpapabili siya.

"Gusto kong i-grupo kayo sa apat. Gagawa kayo ng mas maganda pa dito. Dapat before mag-exam makapag-pasa na kayo para exempted na kayo." *O*

Exempted! Yeheeey! Magdiwang!

"Are we clear?!" Oops! Walang sumagot. Lahat kasi nagbubulungan na.

"Yes ma'am!" Magana kong sagot.

"Good, miss YU-VAN-DELL." Argh! Ma'am talaga.

"Since, ikaw lang ang sumagot may chance kang pumili ng tatlong kagrupo mo." Yes! Buti nalang mabuti akong mag-aaral.

"Shannen, Sophie and Clark."

"Ok then." After kong pumili ng mga kagrupo ko, in-announce na din ni ma'am ang mga napili niyang i-grupo naman.

"Hoy, namili ka na lang ng lalake etong unggoy pa na to." Reklamo ni Sophie.

"Wag kang magreklamo jan. Hindi ikaw ang bida." Eksena ko habang iniikot ikot yung dulo ng hair ko.

Sige, snob lang. 'Tong babaeng to, dudukutin ko na mga mata neto.

---

Uwian na! ^O^

Walang masyadong maganda sa araw ko maliban sa nakita ko ngayon si Heron na naglalakad sa labas ng school.

Humabol ako at napahinto nang muntik na akong masagasaan. Nilingon ko si Heron na may kausap nang babae ngayon.

S-si Llorainee?

"Miss, ok ka lang?" Napatingin ako dun sa.... *v*

Shemzz! Ang gwapo! *o*

"Miss?"

"Ah. Eh sorry po." Hinging paumanhin ko.

"Ako nga dapat humingi ng sorry eh. Muntik na kitang masagasaan. Ok ka lang ba?"

Yuvandell Academy (Rewriting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon