Smile Twenty

263 12 3
                                    

Shannen's POV *o*

"Are you ready?" bungad sa akin ni Stephen paglabas namin nina Sophie at Kei sa classrom.

"Mm." masayang tango ang isinagot ko sa kanya at tumabi na sa kanya.

"Where the hell are you two going?" nginitian ko si Sophie at binulungan.

"We're going to have our first romantic date. Hihihihi ~" si Kei naman ang nilingon ko na biglang nagliwanag ang mga mata at nakatingin sa parating na si Cy. Kaya naman pala eh.

"Tara na, Kei?" tanong din ni Cyrus kay Kei na tinanguan lang nito.

"Teka, teka! Daya naman, iiwan niyo ako?" reklamo ni Sophie. Sabay kaming napalingon sa kanya ni Kei. Hinila namin siya palayo kina Stephen at Cyrus.

"Sophie, alam mo namang lagi kaming sabay ni Cyrus di ba?" depensa ni Keisha.

"Atsaka, bhest, moment ko na ito. Alam mo namang kilig to da max ako kay Stephen KO na kamukha ng asawa ng mommy Nicole ko! ^O^ Si Luhaaaan!"

"Gaga. Daddy mo yun, di ba?" sapok sa akin ni Sophie.

"Ah, oo nga pala. O pano, pumayag ka na bhest, dalii!"

"Oo nga naman! Please?"

"Ok fine. Enjoy. Tsupi!" at dahil pumayag na siya, sabay namin siyang niyakap ni Kei.

"Thank you, PHIE!" tinalikuran na namin siya. Dumiretso ako kay Stephen na wagas ang ngiti habang papalapit ako. Parang hinihintay niya lang yung bride niya.

Kyaaa! Kiligmats! ^________^

Naglakad na kami papunta sa sundo niyang kotse. Sa backseat kami umupo.

"So, what are we going to do?" tanong ko ng makaupo na kami.

"Hmm. Kain muna tayo? Gutom ako eh."

"Sure!" dumiretso kami sa isang restaurant na may pangalang CuppyCake. Na-excite ako dahil baka puro cupcakes yung nasa menu list nila. Wala akong palalampasin! 

Yuvandell Academy (Rewriting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon