Smile Ten

330 15 5
                                    

"Wake up! It's Monday!" Eto nanaman po ang kuya kong moodylicious. Mamaya lang yan badtrip nanaman. Hay! Tumayo nalang ako at naligo na. Ayoko nang malate no. Kahit naman kami yung may-ari ng school, di ako nag-te'take advantage. Yeah, tama ang pagkarinig niyo. Kami ang may-ari ng school.

Ang school na pinapasukan ko kasi ay ang Yuvandell Academy. Oha! Sabi sa inyo eh. Pero siyempre, sabi ko tito ko yung may-ari para di nila pag-isipan ng masama. Ayoko din namang gamitin yung pagiging Yuvandell ko para lang makapasa at hindi i-down sa school.

Mabait kasi akong bata. *wink* 

Actually, alam ito ng mga kaibigan ko. Sila lang may alam. Shh. Quiet lang kayo. Madami pa akong secrets. Malalaman niyo din, soon.

Hinatid na ako ni kuya sa school. And the usual, I kissed him on his cheeks.

"Hoy, ingat ka ah." tumango lang ako at ngumiti sabay wave goodbye sa kanya. 

Busy person si Kuya, kahit 19 years old pa lang siya. Nag-t'training siya dun sa kompanya namin. Sa kanya kasi yun mapupunta kaya kailangan niyang mag-sanay.

Asan kaya yung mga kaibigan kong pangit? 

Nagpunta nalang ako sa room at nagreview. Oy ah! Nag-re'review din ako noh. 

"Miss Yuvandell, you're so early." bati ni Mr. Geo. Geo kasi math teacher siya. Y'know! Geometry. XD magkaibigan ang parents ko at parents niya, and as usual, alam niya ang totoo. Pero di din niya pinapahalata yun.

"Wag namang miss Yuvandell sir." saway ko sa kanya. 

"Oh bakit? Ang alam naman nila pamangkin ka lang ni tito Lenard. Hindi na nila mapapansin yun."

"Eh sir, wag kang magulo, nag-re'review ako eh." napakamot siya sa ulo at tumawa ng mahina.

"Papasa ka naman kahit di ka magreview." bulong niya sakin.

"Shh. Quiet!" umalis nalang siya ng tumatawa. Mapang-asar talaga yun. Mukha siyang alaska.

Pero bakit walang pumapasok sa utak ko? Wala man lang pumasok kahit konti. Well, well, well, ano pa nga bang magagawa ko eh siya lang nasa isip ko. Ako kaya naiisip niya?

Sana.

Pinagpatuloy  ko nalang yung pagbabasa kahit wala naman talagang pumapasok sa utak ko. Para lang akong shunga. Pero maganda!

"Oi aga mo naman!"

"Robert Frost, a Pulitzer prize winner for best volume of poetry in 1924. And was hono---"

"Hoy! Anong Robert Frost?"

"Hoy ka din! Ano ba? Nagrereview ako eh." andito nanaman itong magulo kong bessy.

"Review para saan?" mukha niya ganito. ?____?

Isa lang ibig sabihin nun, hindi niya alam na may quiz at hindi siya nagreview.

"Eh di sa quiz malamang. Adik. Shupi nga!"

"Ay may quiz?! Ay sandali rereview din ako!" naupo siya ng medyo malayo sakin at nagtakip ng tenga. 

***

"Dumugo ilong ko. Akala ko identification, definition pala." Pupunas punas ng ilong na reklamo ni Shannen.

"Ou nga. Mind bleed ako bessy. 10 out of 20? Pasang-awa." 

"Buti nga nakapasa ka pa eh! Eh musta naman ako. 9?"

"Ahahahaha! 9 lang!"

"O sige tawa pa."

"Oy manahimik nga kayong dalawa. Masakit ulo ko." Mabilis kaming tumingin kay Sophie na minamasahe ang ulo niya.

Yuvandell Academy (Rewriting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon