Smile Eleven

328 9 7
                                    

Shannen's POV

"Sky ano ba?" inis na hinampas ko siya ng bag ko dahil kanina pa niya ako kinikiliti. Hindi ko na talaga malaman kung anong trip niya sa akin, pero isa lang ang alam ko at sigurado ako. Hindi ito titigil hangga't hindi ako napapa-oo.

"Eh kasi, hayaan mo na akong maging alipin mo. Basta wag mo lang akong lalayuan sa ugali ko. Hindi ko kayang hindi bumugbog at hindi pumatay ng tigyawat ng kaaway ko! Please, Shannen? Gagawin ko lahat, mapasaakin ka lang." lumuhod siya sa harap ko pero sadyang matigas ang puso ko ngayon para sa kanya.

Baliw talaga siya kahit kaylan. Hindi ko alam bakit nagkagusto ako sa kanya nung una, pero ngayon parang nawawala na. Naman eh! Papunta na sa pag-ibig kaso biglang umeksena sa puso ko yung Varsity Player ng school na ito, at take note, Captain Ball pa. So gwapo!

Dumiretso na ako sa gym pagkatapos nung klase namin para panoorin yung captain ball ng school basketball league na si Unknown Guy.

Siya yung dahilan bat natuto akong magpaalam agad sa mga kaibigan ko na kunwari uuwi na agad pero hindi naman pala. Dahil ang totoo, dito ang diretso ko sa gym.

"Kyaaaah! Ang galing talaga ni Stephen!"

"Ou nga! Tapos ang gwapo pa! Waaaah! Akin ka nalang."

"Ambisyosang mga 'to. Maka-angkin wagas." nanood nalang ako ng practice game nila. Narinig kong stephen ang name niya. Just wow! Ang gwapo ng name niya, nagmana sa kanya. 

Pagkatapos nung game nagmadali na akong lumabas ng gym, baka kasi gabihin pa ako. Nakakatakot pa naman yung dadaanan ko baka masalubong ko yung white lady na gumagala daw dito sa school. Kung ako sa daddy ni Kei, ipapa-bless ko ulit itong school.

Tama! Isa-suggest ko yun kay Kuya Zaldy.

"Ah, miss, sa tingin ko sayo ito?" napahinto ako nang marinig ko ang boses na yun. Ang lamig, ang gwapo. Haharap na sana ako pero natigilan ulit ako nang makarinig ako ng isa pang boses.

"Ah yes. Thank you, Stephen. Galing mo kanina ah." aww! Hindi naman pala ako yung tinawag at kinausap niya. Ang assumera ko lang.

"Nood ka ng finals ah." OMG! Niyaya siya ni Stephen na manood ng finals? Bat ako hindi? Oh well, manunuod pa din naman ako kahit anong mangyari at kahit hindi siya mismo yung nag-invite sakin.

Tumuloy na ako sa paglalakad para makauwi. Dire-diretso ako na naglakad sa court sa may park na karaniwang maraming tao, pero ngayon wala na. At maririnig mo pa yung swing na parang hinehele ng hangin. Kabado na ako pero nakita ko si manong guard na rumoronda kaya medyo lumakas ang loob ko. Dumaan ako sa kabilang gate, ayoko kasi sa main gate baka nandun si Sky.

Nagulat nalang ako nang paglabas ko sa gate ay may nakita akong babae na nakahawak sa kamay ni Sky? Umiiyak yung girl, at ang sakit sakit ng iyak niya.

"Ok. I will. Sorry." narinig kong sagot ni Sky sabay yakap kay girl.

LIKE OMG! Bakit parang may tumusok sa puso ko. Karayom? Nah, wala namang karayom dito sa loob ng damit ko. Thorns? Nah uh, as if namang may tumubong rosas sa puso ko.

Masakit? Parang sinaksak ng punyal?

Eh, teka? Di ba asar ako sa kanya? So, bakit ako masasaktan at magseselos? Bakit ako mag-iinarte ng ganito?

Sumandal ako sa pader para makapagtago sa kanila. Ayoko silang tingnan. Ayoko silang panoorin.

Sumilip ako ng konti. Wala na sila.

Doon ko lang namalayan ang pagpatak ng mga luha ko. Ganun ba kasakit?

Bakit naiinis ako na may iba siyang pinaglalaanan ng atensyon niya?

Yuvandell Academy (Rewriting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon