Smile Twenty-five

181 9 2
                                    

Pagkatapos ng masayang araw kasama si Heron, hindi ko na malaman kung anong pwesto ang gagawin ko sa kama ko.

Meron ng babaligtad ako, tu'tumbling, dadapa o kaya tihaya.

Kinikilig talaga ako pag naiisip ko yung sinabi niyang mahal niya ako. ^___^ Dream come true.

Kaya lang...

Napaupo ako sa kama ko. Naalala ko kasi yung araw na nakita ko sila ni Llorainee na magkasama.

Anong meron sa kanila?

May sikreto ba silang dalawa?

Hayst! Mas nagulo ang utak ko sa ngayon.

Kailangan ko pa ding gamitin ang pagiging spy kid ko. Baka mamaya pinag-t'tripan lang ako ni Heron. Nautusan lang siya ni Llorainee na paibigin ako tapos iiwan nalang bigla.

Praning!

"Di ako praning no. Nag-iisip lang ako ng possible reasons kung bakit nag-uusap ng ganun kaserious si Chiki ko at si Llorainee."

O sige. Magdahilan ka pa.

"Eh syempre tinatawag mo akong praning, sino bang di dedepensa?"

O.O

*takip bibig*

Kinakausap ko ang sarili ko. Umigash! >___<

Matulog ka na, Katsa.

At sinunod ko nga ang konsensya ko. Natulog ako.

***

Kinabukasan, maaga akong ginising ng kuya ko. Hindi siya nakabihis kaya alam kong hindi siya aalis.

"Kuya, di mo ba ako ihahatid?" Tanong ko habang nagliligpit ng pinaghigaan ko.

"Hindi. Bakit kita ihahatid? Maglakad ka." Ayst! Maglalakad nanaman ako! Wala nanaman sigurong gas yung kotse niya.

Mabilis akong naligo at nag-ayos ng sarili bago ako bumaba sa kusina para kumain. Sinusuklay suklay ko pa yung buhok ko.

O.O

O///O

"Chiki! Anong ginagawa mo dito? Sino nagpapasok sayo? Si manang ba? Naku si manang talaga o. Lagot ako kay kuya nyan eh." Oops!

"Kei, ako nagpapasok sa kanya. Wag ka ng praning diyan. Kumain ka na at hinihintay ka na ng sundo mo." Tulala pa rin ako sa hindi nakangiting si Heron.

"Good morning, Katsa! Kain ka na." At sa wakas, ngumiti siya. Napilitan tuloy akong kumain ng kabaragbag na pagkain.

"Huy, Keisha! Tirhan mo naman si manang, mag-a'alas siete na, kumakain ka pa rin!"

"Eh sa good mood asdfghjkl! Uhm! Nyaaam!"

"Bilisan mo na. Nakakahiya naman kay Heron." Ay oo nga pala! Sumubo pa ako ng sampu bago ako tumayo at nag-toothbrush. Pero siyempre, dahil may sundo ako, nag-ayos ulit ako.

"I'm ready! Kuya, aalis na kami!" ^___^

"Mag-ingat kayo. At ikaw, Heron, di pa tayo tapos." o.o

Tiningnan ko si Heron, hindi naman siya mukhang badtrip. Hindi rin mukhang naiinis. Tama lang. Kaso hindi ngumingiti.

"Anong sinasabi ni kuya?"

"Ikaw ah! Kuya mo pala si Zaldy, at magkasama kayo sa iisang bahay. Tapos little sis tawag niya sayo. Ibig sabihin, magkapatid kayo? Hindi kayo magpinsan. At anak ka ni Mr. And Mrs. Kleinard Yuvandell, ang may-ari ng paaralang pinapasukan natin. Tama ako hindi ba?" 

Yuvandell Academy (Rewriting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon