Chapter 24: Bombarded by Crowd

Start from the beginning
                                    

Agad naman akong inilayo ni Binx sa desperadang babae. May sinabi sa kanya si Binx pero hindi ko iyon masyadong maintindihan dahil sa gulat ko pa rin sa nangyari. Ibinalik siya ng ilang pulis sa labas ng gate at isinara na ito.

"Naku, Ma'am, Sir, pasensiya na po kayo. Nalingat po kasi ako. Pasensiya na po talaga, Ma'am. Sorry po sa nangyari," turan ng isang pulis sa amin pero tanging ngiti na lang ang iginawad ko sa kanya.

"Sige po. Salamat po." Narinig kong sabi ni Binx saka na kami tuluyang pumasok sa loob.

"Oh, my God, sweetie! Are you okay?" salubong sa 'kin ni mommy saka ako dinaluhan.

"May galos ka ba?" tanong naman ni daddy saka isinuri ang katawan ko kung may galos nga ba.

Hindi ko magawang makapagsalita kaya naman ay nagpagabay ako sa kanila sa upuan para makaupo na ako dahil parang 'yong bigat ng kamay ng babae ay nasa buhok ko pa at tingin ko any minute now ay babagsak na talaga ako.

"Ikukuha lang kita ng tubig, sweetie," paalam ni mommy. Aalma sana ako na huwag na dahil bawal iyon sa 'kin pero nakaalis na siya. Mukhang nakalimutan niya rin kung ano ang sitwasyon ko.

"Teka nga't pupuntahan ko 'yong mga walang silbing pulis sa labas at kakausapin," si daddy naman saka na tumulak palabas ng bahay.

Bumuntong-hininga na lang ako saka pumikit. Naramdaman ko ang paglubog ng katabi kong upuan kaya naman ay napatingin ako doon. Yinakap ako ni Binx saka hinalikan sa buhok.

"I'm sorry, hindi sana kita iniwan kanina. I'm sorry, B." 

Umiling-iling ako saka sinabing, "I'm okay. Nagulat lang ako sa nangyari."

He hugged me again as he caressed my hair.

"I'm sorry."

Nagising ako dahil sa mga taong nagsasalita malapit sa 'kin. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko kasabay ng paglinaw ng mga boses. Bumangon ako at nakita ko sila mommy at daddy na may kausap na pulis. Tumayo ako at tumingin sa labas ng bintana. They're still out there and it's getting dark already. Wala ba silang balak umalis?

Naramdaman ko ang paghawak ni Binx sa baywang ko kaya naman ay pagod akong napatingin sa kanya.

"You slept on my lap for hours," he said then looked outside of the window too.

Napabuntong-hininga na lang ako at ibinalik na ulit ang tingin sa labas, "And they're still here."

"Ang sabi ng mga pulis ang ilan sa kanila ay mga reporters galing sa iba't ibang kompanya, mga nakatira rin dito sa subdivision niyo at ang ilan ay hindi pa kilala. They're here so they can get some news from you and I will never let them come for you again just like what happened earlier," Binx explained to me kaya nabalik ang tingin ko sa kanya.

"News? From me?" takang tanong ko sa kanya nang hindi pa nagsisink-in sa 'kin ang lahat ng mga nangyayari, then, "Oh, right! They're here for my rare allergy and... not really for me."

Biglang humigpit ang paghawak ni Binx sa baywang ko.

"No, hindi ako papayag na makalapit pa sila sa 'yo. Wala silang makukuhang impormasyon sa 'yo kahit na pumuti pa ang uwak kakahintay nila diyan sa labas." Ramdam ko ang diin ng bawat salitang lumabas sa bibig niya senyales na kanina pa siya nagpipigil ng galit.

Akala ko hindi basta-basta pinamimigay ng mga doktor or nars ang personal information ng kanilang mga pasyente kaya paano ito nakarating sa media at sa ibang tao na hindi naman namin kilala at kaano-ano? Sa pagkakaalam ko rin hindi alam ng mga kaklase ko ang sakit ko at wala akong ibang pinagsabihan kundi sila mommy, daddy, mga katulong at driver, Binx and... Reanna.

Aquarius (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now