Chapter 16

11.9K 386 56
                                    

03/10/19


RECKLESS

Chapter 16:

"You know what, Cara? You have a pretty face. You're... alluring. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit —"

"Danielle Louisse."

Sabay kaming napalingon ni Elle sa kakambal niya. May hawak itong bottled water. Pawis na pawis mula sa paglalaro ng basketball kasama sila Ran, Blake at ang kambal na Hunter and Archer.

"Yes?" Ani Elle na may naglalarong ngiti sa mga labi.

Nagtitigan lang silang dalawa at tila nagkaintindihan na ng ganun-ganun na lang. Ganoon ba talaga kapag kambal? O sadyang super close lang talaga nila?

"Thea's outside. She's looking for you." Walang ganang sagot ni Dash na dumiretso sa ref sa gilid ko para kumuhang muli ng tubig.

Kinalabit ako ni Elle kahit na magkaharap naman kami. "You know what? Thea's Dashiel's first love."

"Stop that, Elle. May asawa na iyong tao at mga anak. Besides, that's not true." Malumanay lang na sagot ni Dash.

Hindi ko alam kung aalis ba ako para makapag-usap sila o ano. Hindi kasi ako maka-relate sa pinag-uusapan ng magkapatid and Dash, standing beside me is making me uncomfortable. Hindi ko pa rin makalimutan iyong nangyari sa condo niya — rather, sa penthouse niya at maging iyong sa hotel sa Tagaytay noong birthday niya.

Siguro, kung wang tumawag sa phone niya nang araw na iyon ay baka kung anong kasalanan na ang nagawa namin ni Dash. Mabuti nalang talaga at nagkaroon siya ng emergency meeting kasi hindi man halata ay may kalandian din sa katawan itong si Dash. At parang... ang dali niyang matukso!

Marupok!

"You know, I love teasing you, kambal." At tumatawang umalis si Elle leaving me all alone with Dash in their kitchen.

Bakit ba kasi narito ako? I'm not even a part of their family.

Ngayon kasi ang anibersaryo ng parents nila Dash. Last year, I was also here. We baked cakes and pastries tapos ay dinala namin sa bahay ampunan na sinusuportahan ng parents nila. Ngayon, sa halip na pumunta sa bahay ampunan ay ang mga bata ang dadalhin nila rito sa kanila para na rin daw sa libreng check up sa pangunguna nila Tito Clyde and Axl.

Their subdivision is very private. Binili raw iyon ng magkakaibigan dahil ang gusto ay magkakasama pa rin ang mga ito ang hanggang sa pagtanda.

"Don't work too hard. It's bad for our baby."

Napapitlag ako nang bulungan ako ni Dash. Nabitawan ko pa ang pina-pack kong cookies dahil roon. Sinulyapan ko siya at nakitang prenteng nakaupo sa aking tabi habang nilalaro ang pang ibabang labi.

Gusto kong mainis. Nang-aasar ba ito o ano?

Marahil ay naramdaman niya ang paninitig ko kaya lumingon siya at tinaasan ako ng kilay as if asking me 'what' by doing that. Sobrang tipid naman nitong magsalita.

"Huwag kang maingay." Pinanlakihan ko siya ng mata at inirapan.

Kumunot ang noo niya, senyales na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Pero ang labis kong ikinagulat ay ang paghatak niya sa akin paupo sa mga hita niya at mabilis na pumulupot ang mga braso niya sa beywang ko.

"Lumalaki na." Bulong niya habang ang isang kamay ay marahang humahaplos sa tiyan ko.

Hindi ko alam kung ano'ng gagawin. Panay ang lingap ko sa paligid dahil baka may makakita sa amin. Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko sa nerbiyos. Sinubukan kong tumayo pero lalo lang humigpit ang yakap niya sa akin.

RecklessWhere stories live. Discover now